CHAPTER 23

14 0 0
                                    

LEADER's P.O.V

"Nabalitaan ko ang nangyari kay Seo." Bungad sakin ni Don Rowan pagkarating ko sa bahay niya.

"Ah, oo. Mabilis lang talaga kumalat ang balita dito sa Wool." Sagot ko sakanya habang inabot ang binibigay nya saking isang baso ng alak. Mahilig talaga sya dito pero hindi naman sya nalalsing.

Ang Wool ay isa sa mayamang lugar dito sa Fallas. At sa angkan na to sya ang pinakayaman kaya naman sya ang bumuo sa Black Rose. Sya ang pumuprotekta sa grupo. Ako at sya lang ang nakakaalam ng tungkol sa pagkakakilanlan nya.

Ang dahilan kung bakit nya binuo ang Black Rose ay para manatili sya sa posisyon nya. Hindi na nga yata maiaalis sa isang mayamang negosyante ang unahin ang mga bagay na sa tingin nila ay makakatulong sa negosyo.

Binuo nya ang Black Rose para pagnakawan ang mga mayayaman dito sa Annwn at para manatili ang kanyang posisyon sa Big 4. Masasabing tuso sya pero masasabi ring mabuti syang nilalang dahil ang mga yaman na sapilitan naming kinukuha ay napupunta sa mga mamamayan dito na mas higit na nangangailangan.

"Maiba ako Doktor, may isasagawang malaking subastahan sa Mansyon ni Don Rafael sa darating na isang buwan, kabilang doon ang Thrymm at iyon ang gusto kong makuha sakanya. Siguradong malaking halaga ang papasok kay Don Rafael kung maisusubasta iyon."

"Ang Thrymm?" Inulit ko sinabi nya. Nakakapagtaka naman na nasa pangangalaga nya ang estatwa ng kakaibang nilalang na kumatawan noon sa Fallas. Gawa iyon ng sikat na iskultor ilang libong taon na ang nakaraan.

"Ang sabi nya, nahukay iyon sa minahan mga ilang buwan narin ang nakalipas."

"Sige Don Rowan, ipapaalam ko agad ito sa Black Rose." Isang buwan pa itong mapaghahandaan. Hindi na masama.

Bahagya syang tumango at uminom sa bote ng alak na hawak nya.

"Sa mga oras na'to siguro nagkamalay na ang Firias." Nung gabing yon, sinadya ko syang patulugin para hindi na sya manlaban pa. Alam kong matigas ang ulo nya at hindi sya sasama sa mga Wistman at Sorajinn ng pakiusapan. Hindi sya maaring manatili pa ng matagal sa labas. Habang tumatagal ay lalong dumarami ang nagnanais na makuha sya.

"Maayos ba sya Doktor?"

"Huwag kang mag alala Don Rowan, walang epekto ang usok na yon kundi ang antukin ka at makatulog ng tatlong araw. Sapat ang panahon na yon para makapaglakbay sila pabalik ng palasyo ng Firias." Siguradong magagalit sakin ang batang yon kapag nalaman nya ang ginawa ko sakanya.

Ngumiti si Don Rowan.

(Flashback)

"Yhlonna!" buong tangis si Don Rowan sa pagkawala ng kaisa isa nyang anak na si Yhlonna. Namatay ito dahil hindi nya kinaya ang labis na pangungulila sa kanyang ina at sa labis na kalungkutan.

Napatingin ako kay Seo na tahimik lang na nakaupo sa isang sulok ng silid na to kasama ang limang kasapi ng Black Rose at ni Suri. Hawak nya ang isang sulat na iniwan sa kanya ni Yhlonna bago nagpakamatay.

Si Seo at si Yhlonna ay magkasintahan. Masaya sila at masasabi kong kontento sa isat isa. Pero dahil pumasok si Seo sa isang paligsahan sa palasyo para maging Wistman, kinailangan nyang manatili roon ng matagal para magsanay hanggang sa dumating ang paligsahan. Dahil don naiwan na laging mag isa si Yhlonna. Naging tahimik ito at laging nagkukulong raw sa kwarto. Walang kinakausap kahit pa ang kanyang ama.

Lumapit ako kay Seo at tinapik sya sa balikat. Nakita kong tumulo ang luha sa damit nya at iyon din ang kauna unhang pagkakataon na nakita ko syang tahimik. Masayahin sya at laging nakangiti.Makulit din sya tulad ni Piper at Cross kaya nga silang tatlo ang palagi kong napagsasabihan. Pero sa kanilang lima sya na talaga ang magaling sa pakikipaglaban. Madalas ko rin syang makita na kasama si Yhlonna habang nagsasanay sa likod ng bahay ko sa Palm City.

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon