CHAPTER 11

10 0 0
                                    

DON RAFAEL's POV

"Ninakawan ka pala ng Black Rose kagabi. Anong nakuha nila sayo Don Rafael?" Halata naman ang pangungutya sa boses ni Don Rowan. Alam kong hindi sya nababahala sa pagkawala ng ilan sa mga kayamanan ko.

Narito silang apat (ang myembro ng Big4) sa isa sa aking mansyon na narito sa Fallas.

Kami ang apat na pinakamayaman dito sa Annwn. Walang sinoman maliban sa Hari ang makakapantay sa kayamanang taglay namin sa mundong ito.

Si Don Mendez mula sa angkan ng Firias.

Si Don Rowan mula sa angkan ng Fallas.

Si Don Carlo mula sa angkan ng Murias.

at ako Si Don Rafael mula sa angkan ng Gorias.

"Matagal ko nang gustong imbestigahan ang grupong yun. Sabihin mo lang Don Rafael." si Don Mendez talaga ang pinaka kasundo ko sa kanilang tatlo.

"Hindi na Don Mendez. Ipaubaya mo na sila sakin." Noong una hindi ko sila pinapansin pero ngayon ako na ang binabangga nila. At iyon ang pinakamalaki nilang pagkakamali.

"Don Rafael, totoo ba ang nababalitaan kong hindi ka raw nagpapasweldo sa mga manggagawa sa minahan?" Tanong ni Don Rowan. Bakit ba binibigyan nya pa ng pansin ang tungkol sa mga walang kwentang mahihirap na yun na walang ginawa kundi ang magsumbong.

"Gusto ko lang siguraduhin mismo sa iyo Don Rafael ang tungkol dun." Talagang hindi sya nagsasawa na kontrahin ako sa lahat ng bagay. Kung pwede nga lang na alisin sya sa Samahan ay matagal ko ng ginawa. Sagabal sya sa lahat ng plano ko.

"Don Rowan, alam mo bang ang kwentong yan ay kalahating taon ko nang naririnig? Kung totoo ang sumbong na yun, bakit hanggang ngayon ay nasa minahan parin sila?" Nakakatawa lang ang pagiging mapaniwala nya sa mga chismis. Sapat na siguro ang mga sinabi ko para manahimik sya.

"Kung ganon, bakit ninakawan ka ng Black Rose? Alam nating lahat na ang Bla....."

"Ang Black Rose ay bayani ng mga mamamayan ng Palm City. Don Rowan naman, ang magnanakaw ay magnanakaw!" itinuloy ko ang sasabihin nya. Nakakahalata na yata ako sa isang ito.

"Don Rowan, hindi mahalaga sa isang magnanakaw kung saan galing ang kayamanang kinukuha nila. Pinakikinabangan sila ng mga tao kaya bayani ang tingin nila sa grupong yon. Pero pupusta ako, makagawa lang ng isang bagay ang Black Rose na yan na hindi nagustuhan ng mga mamamayan ng Annwn, ipupusta ko ang lahat ng kayamanan ko sigurado akong mas kamumuhian nila ang grupong yon!" sabi ni Don Mendez na punong puno ng kumpyansa. Humigop sya ng tsaa. Pero may punto sya.

"Tama si Don Mendez!" sagot ni Don Carlo. Napangiti ako sa pagpanig din nya sakin. "Baka nga wala na silang maalala kahit na isang kabutihang nagawa ng Black Rose para sakanila. Ganon naman talaga ang mga mahihirap. Kung sino ang pinakikinabangan nila yun ang kinakapitan nila" tama si Don Carlo. Mga mahihirap na parasitiko.

"Sandali. Tikman nyo itong alak na binili ko sa Wool nung isang araw." Kailangan ko ng baguhin ang usapan. May mga plano na sa isip ko. Sa ngayon kailangan ko munang kumalap ng sapat ng impormasyon.

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon