CHAPTER 1

38 1 0
                                    

EMILIA's POV

"Anong sabi ng daddy tungkol sa kotse na binangga mo nung isang araw?" halos pasigaw na si Nathalia pagkasabi non.

Nasa loob kami ng bar at nagpapalamig ng ulo. Nasermunan ako at grounded ng isang buwan dahil binangga ko ung kotse nung business partner namin dahil masyadong arogante. Akala mo naman ay sakanya nakasalalay ang business namin. Kaya ayun abot hanggang impyerno ang galit ni daddy.

Grounded ako pero nandito ako sa Bar dahil tumakas ako at siguradong another sermon ang abot ko nito pag uwi ko. Pero yun ay kung mahuhuli nila ako.

"Tinatanong pa ba yun? Parang hindi mo sya kilala? Wala naman syang magagawa kundi ang igrounded ako ng isang buwan at pagkatapos non back to normal na ulit ang life ko" sabay inom ng wine. Di naman ako lasengga no.

"Cheers for Emilia Millionette!" itinaas nya ng baso nya syempre ako rin.

Ako si Emilia Millionette Montez.

Emilia for short. But my Dad used to call me Emia. Cute daw kasi. Pero kapag galit siya Emilia Millionette ang tawag nya sakin. With matching High Intonation.

Sounds Millionaire diba.? Well milliionaire naman talaga si Dad. Kaya nga yung ugok na business partner nya ay tinuruan ko ng leksyon. Ang yabang.. Baboy naman.

At itong kasama ko ay si Nathalia. Kakambal ko sya pero magkaiba kami ng Mommy. Kapatid ko sya sa Ama. Yes.! Her mom is my Dad's mistress. Sabay kami pinanganak sa iisang hospital. Pero di nakasurvive si Mommy kaya ayun ang Mommy nya ay ang Mommy ko narin. Step Mom in short. Pero ayos lang sakin yun dahil mabait si Mommy Ai at lalo naman si Nathalia. See? kasabwat ko siya sa pagtakas ko. Partner in crime ko yan. Ang malaking problema lang naming dalawa ni Nathalia ay kung sino ang ate sa aming dalawa.

"anyways, wag na nga natin syang pag usapan. Kaya nga ako nandito para magsaya noh." kakainis talaga tong si Nathalia.

"okey, relax! " tinaas pa nya ang kamay nya na para syang sumusurender. Tapos biglang tumayo at naglakad palayo sakin.

"o-oy teka san ka pupunta?" Habol ko sakanya.

"sa dance floor. Sama ka.?" sabay wink at flip ng hair nyang kulay pula.

"no thanks!" umupo nalang ulit ako at uminom ng wine. Mahilig talaga sa sayawan ang babaeng to at iyon naman ang ayaw ko.

Lalong lumakas ang tugtog dahil mas marami na ang sumasayaw sa dance floor. Nagsisigawan pa ang mga kabataan na nandito. Patay sindi ang ilaw na pakiramdam ko lalong nakakapagpahilo sakin. Di naman ako nag aalala kung tamaan ako ng wine na iniinom ko kanina pa. Nandyan si Nathalia at hindi nya ako iiwan dito.

"Miss sayaw naman tayo" Napatingin ako lalaking lumapit sakin na gusto akong isayaw.

"No thanks!"

"Kanina pa kita nakikitang nakaupo mag isa dyan" ang kulit ah.

"I'm with my Sister." medyo nahihilo na ako. Hindi ko sya tinitingnan. Sa baso lang ako nakatingin.

"Ganon ba? I think she already having fun. Why don't you?"

"Makulit ka rin ano? mahirap bang intindihin ang No Thanks? Hik." ano ba yan nagtataray ako dito tapos biglang sisinukin ako. Epic Fail talaga.

Mukhang lasing ka na ah" Naupo sya sa tapat ko.

"And so? sasamantalahin mo ?" aba mukhang nawala ang sinok ko.

"Come on Miss, Let's dance!" hinila nya ang braso ko. Aba talagang gusto nyang makatikim ah. How dare you to touch me.

"Ouch! How dare you jerk?" pilit kong hinila ang braso ko para mabitiwan nya ako. It hurts. Namula yata.

"Ang arte mo! ikaw na nga tong niyayaya ikaw pa tong nag iinarte.!?"

"wow! e sino ba yung nagpupumilit sating dalawa? ako ba?" crossed arm ako nyan pero pakiramdam ko nakasakay ako sa roller coaster. Taas baba. paikot ikot.

Parang gusto kong.

Gusto kong

Alam nyo un..

Bwaaaaaaakkk..!!!

"S H I T ! ! ! ! " galit na galit na si Kuya.

"Oopppss Sorry Sir. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Would you Like to dance?" inilahad ko ang kamay ko para lalo syang mainis.

"You Shit.!" walk out sya. Nasukahan ko kasi ang damit nya. Hahaha..

Stupid. Ako pa ang naipili nyang pagtripan. Mas magaling ako makipaglaro so better luck next time.

So i'm here again. Pinaglalaruan ang baso. Inaantok na ako. Anong oras na ba? Pinailaw ko ang cellphone ko. 2:02 am. Kaya pala. 10pm kami pumunta dito ni Nathalia. 4 oras na pala ang nakalipas at ang bruhang yun ay walang sawa sa pagsasayaw.

B O O M . . .

isang malakas na pagsabog ang narinig ko. Nawala ang antok ko. Napatayo ako bigla.

"Nathalia!!" Agad ko syang naalala. Nagtatakbuhan na palabas ang mga tao.
Pero kasunod non ang biglang pagbuga ng Apoy sa entrance.

"Shit.! Naloko na. Nathalia nasaan ka.?" ayokong matoasted dito.

Sigawan at iyakan ng naririnig ko. My Gosh. nakakakilabot.

Another explosion ang narinig namin. Sa fire exit galing ang apoy.Kaya naman ang ibang pilit dumaan don ay nagsipagtakbuhan pabalik. Nagsisiksikan na kami.

Pero nasaan si Nathalia.

"Nathalia.!!!! Nathalia..!!" ayokong mag isip ng masama. Pero sa liit naman ng lugar nato bakit di ko sya makita. Sana nakalabas na sya. Sana ligtas sya.

Kasalanan ko to. Ako ang nagyaya sakanya dito.Nadamay lang sya dahil sa pagiging iresponsable ko. Napakatanga ko talaga.

"Nathalia" Kailangan ko syang makita.
Ang init. Masakit sa mata ang usok. Pilit akong naghanap ng maluwag na espasyo para kahit papano ay makahinga ako. Sinubukan kong umakyat sa upper deck. pero biglang bumagsak ang ceiling.

"ahhhh" kitang kita ko ang isang babae na nabagsakan nang nagbabagang kahoy. Nagsimula akong Maiyak. Nakaramdam ako ng takot at kaba sa nakita ko.

Binuhusan nila ng tubig ang katawan ng babae galing sa pitcher na may ice kanina. pero huli na yata. Mukhang patay na sya.

"Nathalia, nasaan ka ba?" walang patid ang pagdaloy ng luha ko. Sa pagkakataong ito ngayon lang ulit ako umiyak.

"Bakit wala pang rescue? where's the fire fighter?" sigaw ng isang lalaki.

"Sa taas, lumayo kayo!!!!"
Napatingin kami sa upper deck. Unti unting nilalamon ng apoy. Nagtakbuhan palayo ang lahat ng malapit sa ligar na yon.

Maraming naipit at unti unti ko nang nararamdaman ang hirap ng paghinga. Ang kapal na ng usok. Masakit na ang mata ko kanina pa.

"Nathalia !!! nasaan ka ba? Nathalia !!!" Kailangan ko syang makita.

Pero talagang nahihirapan na ako sa paghinga. Ang sakit sa lalamunan. Ang sakit sakit na sa balat ang init dahil sa apoy.

"Na..tha..lia.." pinipilit kong bigkasin ang pangalan nya. Kahit mahina na ang boses ko umaasa ako na maririnig nya ako.

Pero hindi ko na kaya pang magsalita. Mamamatay na yata ako dito. Sana hindi nalang ako tumakas. Sana hindi ko ipinilit ang katigasan ng ulo ko. Sana ligtas si Nathalia. At sana may magligtas sakin dito.

"Libera nos ab igne inferni.
Feremus Annwn ubi convenies!" Huh?! may yumakap sakin at meron syang ibinubulong.

Ang bango.. Rose Scent. Tama ! amoy Rose talaga.!

Pinilit kong dumilat. Pero di ko sya makilala. Hindi ko makita ang mukha nya. Blured. At ang sigurado ko ay lalaki sya. Nakaitim. Lalaking amoy Rosas?

And then, everything went Black.!

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon