EMILIA's POV
Sunod ko nalang na namalayan na gumagapang ako palapit kay Seo. Nakahiga sya sahig. Ang sakit ng buong katawan ko, parang hindi ko nga kayang tumayo pa. May sugat ako sa noo at umaagos ang dugo mula doon pero wala akong pakialam kahit halos mapuno nang dugo ang mukha ko. Gumapang ako hanggang sa makalapit ako sakanya.
Ang daming dugo sa sahig galing sa dibdib nya. May lumalabas rin sa bibig nya tuwing umuubo sya.
"Seo..! Wag mo kong iiwan Seo.!" Naupo ako at iniangat ko ang ulo nya pahiga sa binti ko.
Dahan dahan syang dumilat. Thanks God, buhay pa sya. Iniangat nya ang kamay nya na puro dugo at naramdaman kong pinahid nya ang pisngi ko.
"Kahit kailan talaga.. napaka..iyakin mo.." Halatang pinipilit lang nya magsalita at Nakuha pa nyang ngumiti
"Ano bang sinasabi mo.?"
"Patawad.. Emilia.. Hindi kita.. naprotektahan.."
Umiling ako habang umiiyak.
"Hindi Seo, Ginawa mo ang lahat para protektahan ako.. Nakita ko yon.!" Bakit nya iniisip na wala syang nagawa para protektahan ako e halos mamatay na nga sya.
"Pero, Hindi .. ko na matutupad ang.. pangako ko..." anong sinasabi nya? "Hindi na kita .. maihahatid pa sa .. palasyo.."
"Hindi, sabay tayong pupunta dun, Ikaw ang maghahatid sakin dun.!" Naiinis na ako sa sinasabi nya. BAkit parang nagpapaalaam na sya.
Tumingin sya sa paligid namin.
"Magagaling silang mga kawal .. at mga tauhan ko sila, kaya ka nilang .. protektahan. Sumama ka sakanila. Sila ang maghahatid sayo... Hindi ko na magagawa yun." Kumunot ang noo nya at halata sa mukha nya ang sakit.
"Hindi! Hindi ako sasama sakanila! Hindi ako Sasama sakanila..! Ayoko..!" Yumakap ako sakanya at tuloy tuloy ang pag iyak. Ayoko! Ayoko ng binabalak nya.!
"Sinabi ko sayong.. wag kang umiyak.. Lalo mo akong pinahihirapan..! Arrggghhhh..!" Napasigaw nanaman sya sa sakit. Bukod sa lason na nagpapahirap sakanya, dumagdag pa ang sugat na gawa ng Flax na yon. Isinusumpa ko kapag nagharap ulit kami sinisigurado kong magbabayad sya ng doble.!
Wala na akong pakialam sa paligid ko gayong kabikabila ang labanan. Kanina ay dumating sina Leader, Piper at Codie kasama ang mga kawal daw ng palasyo. Marami sila at ilan pa ay mga babae. LAhat sila ay magaling makipaglaban.
(Flashback)
"At saan mo balak pumunta Flax? Bitawan mo ang Firias!" Boses iyon ni Leader. Hindi ko sya nakikita ngayon sa posisyon ko pero alam kong boses nya yun. Tinawag nya akong Firias. Kung ganon may alam rin sya.
Nakita kong ang daming kawal ang sunod sunod na pumasok sa bahay. Lahat sila ay may mga dalang sandata at lahat iyon ay nakatutok kay Flax. Narito rin sina Piper at Codie.
Dahan dahan akong ibinaba ni Flax pero hindi nya ako binibitawan. May itim na usok sa isang kamay nya. At ang isang kamay nya ay ipinulupot nya sa leeg ko. Nagmistula akong hostage. Wala akong choice kundi ang gawin ito. Kinagat ko ng sobrang diin ang braso nya. Dahil dun nawala ang pocus nya at nagawa nila Leader na patamaan sya. Pero nagawa rin nyang itira sakin ang itim na pwersa sa kamay nya kaya tumilapon ako. Bumagsak ako sa sahig at tumama ang noo ko.
NAkita ko si Seo na nakahiga. Kaya pinilit kong gumapang papunta sakanya. Nang magawa kong makalapit ay narinig ko ang isang boses..
"Protektahan ang Firias at si Wistman Seo..!"
BINABASA MO ANG
Annwn Tale
RandomUpang mapanatili ang balanse ng Annwn, isang mortal ang sapilitang kinuha at dinala sa mundong hindi pa nya nakikita "Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" "Makinig ka sakin Mortal, kinakailangan mong maging ligtas hanggang sa makarating tayo sa palasyo...