SEO's POV
"Salamat Don Rafael..!!!!"
"PIPER !!!" hindi na talaga mapigil ang pagkaisip bata ng isang ito. Sya nalang ang nasa loob ng kwarto ni Don Rafael at nakuha pang magpaalam. Nagising ang matanda habang binubuksan namin ang isang kahon na yari sa ginto. Matagal din bago ko natunaw ng apoy ang manipis na parte nito. Mabuti nalang at nakuha ko na ang lahat ng kailangan namin at nakalabas na agad kaming apat sa kwarto nya bago pa sya nakapagwala.
Narinig kong tumunog ng pagkalakas lakas amg isang silbato. Hinipan siguro yon ng matanda kaya nagdatingan ang kanyang mga tauhan.
Bumaba palang kami sa sa mataas at magandang hagdan ay nasalubong na nila kami. Nagtalunan kaming apat sa hagdan pababa.
Naghiwa-hiwalay kami para mahati din ang grupo na hamahabol samin.
Kasama ko si Piper, at magkasama naman sina Codie at Silax na nakita kong pumunta sa kabilang direksyon. Malawak at malaki ang mansyon na to at sa kasamaang palad, ang pinaka ungas na ito ang kasama ko. Naloko na.
"Mukhang masusubukan nanaman ang bilis ko sa pagtakbo nito Seo.!" Hirit ng isip batang katabi ko. Sinasabi ko na nga ba.
Biglang may sumulpot na dalawang lalaki sa harap namin. Agad akong nakaiwas sa gagawin sana nyang pagtisod sa paa ko. At yung si Piper naman ay sumubsob sa sahig kasabay ang isang malaking estatwa na yari sa bato. Tss. Kahit kailan talaga. Agad kong hinila ang kwelyo nya para hindi sya tamaan ng sipa sa mukha. Nabawi nya ang Balanse nya at nakaganti kaagad ng isang malakas na suntok sa mukha ng kalaban.
"Black Rose, sa wakas nakaharap ko na rin kayo.!" Nagsasalita si Don Rafael habang palapit samin.
"At kinagagalak din namin kayong makaharap Don Rafael.!" yumuko pa si Piper pagkasabi nya non.
Naglabas ng kung anong maliit na metal si Don Rafael. Kulay itim at itinutok nya agad samin. Pumutok iyon at nabasag ang malaking banga na yari sa babasagin. May kumg anong tumama dun kaya ito nabasag.
Kakaiba ang bagay na yon at parang nakita ko na sya sa mundo ng mga mortal nung nandon ako. Pero bakit meron sya non?
"Ang lalakas ng loob nyo para pumasok sa Mansion na pag aari ko." Pagkasabi nya nun ay nagpaputok ulit sya sa bandang paanan namin.
"Naniniwala ka ba talaga Don Rafael na kaya kang ilitas ng bagay na yan?"
"Naniniwala akong kaya kayong tapusin nito.."
Sunod sunod na putok ang ngayon ang maririnig sa buong kwarto. Sinikap kong makalapit sakanya habang iniiwasan na tamaan ng bagay na lumalabas mula sa metal hawak nya. Pero mukhang hindi sya sanay sa paggamit nun. Dahil bago pa man nya ulit mapaputok yon ay nahawakan ko na ang kamay nya kaya tumama iyon sa sumunod na palapag ng bahay nya. Bumagsak sa sahig ang mga piraso ng ilaw na tinamaan. Pinilipit ko ang kamay nya para ang dulo non ay tumutok sa tagiliran nya.
Nahagip ng mata ko ang pagsalakay ng ilang mga tao nya para pigilan ako pero nagawa silang harangan ng Black Rose.
"Mukhang hindi ka nga kayang iligtas nito Don Rafael." Nakangisi kong sabi sakanya. Kita naman sa mukha nya ang galit. Nagngitngit sya ngayon. Sinubukan nya akong itulak palayo pero wala syang nagawa. Hindi sya sanay makipaglaban kaya sya ang itinulak ko palayo gamit ang isang kamay.
Nanlaki ang mga mata nya ng makitang nasa kamay ko na ang metal na yun. Gamit ang apoy ay nalusaw iyon na parang yelo. At ang mga tauhan nya ay isa isang nakahiga sa sahig habang namimilipit sa sakit.
BINABASA MO ANG
Annwn Tale
RandomUpang mapanatili ang balanse ng Annwn, isang mortal ang sapilitang kinuha at dinala sa mundong hindi pa nya nakikita "Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" "Makinig ka sakin Mortal, kinakailangan mong maging ligtas hanggang sa makarating tayo sa palasyo...