CHAPTER 10

12 0 0
                                    

EMILIA's POV

"ANO BANG INIISIP MO AT GINAWA MO YUN HA EMILIA!" galit na galit si Seo sakin ngayon. Pinapagalitan nya ako na parang bata sa harap nilang lahat dito sa bahay ni Leader.

Nakabalik na pala sya mula sa palasyo ng Firias at heto ang pasalubong nya sakin. Umaatikabong sermon.

Sina Piper, Codie, Cross at Seo. Sila yung apat na lalaki na tumulong sakin kanina. Masaya na sana ako nung matalo nila yung grupo ni Lola pero naramdaman ko na agad na ganito ang magiging eksena ngayon pag uwi namin nung makita ko si Seo.

Daig pa nya si Daddy kung makasermon.

"NAG-IISIP KA BA TALAGA HA MORTAL? ALAM MO BANG SA GINAWA MO, HINDI LANG IKAW ANG PWEDENG MAPAHAMAK? KUNDI PATI SILA! SILANG LAHAT DAHIL SA KAPABAYAAN MO!" nahihiya akong tumingin kina Leader. Alam ko naman yun eh. Pero kasi..

"NAKAKABORING KASI DITO! HINDI AKO PWEDENG LUMABAS! HINDI AKO PWEDENG MAMASYAL! LAHAT BAWAL. HINDI KO MAINTINDIHAN EH. ANO BA TALAGA ANG GINAGAWA KO DITO SA MUNDO NYO. KUNG BAWAL AKO DITO AT WALANG KALAYAAN BAKIT HINDI MO NALANG AKO IUWI SAMIN." nadadala ako ng emosyon ni Seo. Nakakagalit narin kasi kaya di ko mapigilang magtaas ng boses. Ano nga ba talaga ng papel ko dito.

Walang sumasagot sakanila. Yung galit na mukha ni Seo kanina napalitan ng isang blankong tingin. At agad din syang umiwas. Pero nakatitig ako sakanya.
Napabuntong hininga ng lang ako. Napasobra yata ako.

"Magpapahinga na po ako." sabi ko kay Leader. Pagkatapos nyang tumango ay agad na akong umakyat sa kwarto ko at inilock ang pinto.

Pabagsak akong humiga sa kama. Nakatitig ako sa kisame nitong kwarto. Napapapuzzled talaga ako sa mga nangyayari.

""Hindi magtatagal matutunton din kayo ng kalaban. Kahit anong protekta ang gawin nyo sakanya malalaman ng Gorias na nagbalik na sya. Seo Rune isa kang wistman at alam kong tapat ka sa Firias at sa buong kaharian pero ang pagbabalik nya ay magdudulot lang ng kaguluhan. Pwede ko syang patayin ngayon din sa mga kamay ko. Tingnan mo sya ngayon napakahina nya at walng kalaban laban"

Naalala ko ang sinabi nung magandang fairy dun sa gubat ng Nympsa.

"Pagbabalik..." yun din ang sinabi nung Laestrigon sa panaginip ko.

Galing na nga ba talaga ako dito? Pero wala akong maalala.

Pagulong gulong ako dito sa kama. Haisssttt!! kahit anong replay ang gawin ko sa utak ko ay wala akong maalala na nanggaling na ako dito.

"Ouch..!!!" aray lang. Nahulog ako sa kama kakaikot ko.

"Napakalampa talaga." napatingin ako sa may pinto kung saan may nagsalita. Psshh..! si Seo. Anong ginagawa nya dito. Inilock ko yung pinto ah paano nya nabuksan. Siguro nanghingi sya ng duplicate key kay Leader. Makabili nga ng bagong door knob para hindi na nya ako basta basta mapapasok dito.

Naupo sya sa gilid ng kama. Ako naman ay naka-indian sit dito sa sahig. Hindi naman masama ang loob ko sakanya. Hindi rin naman ako nagtatampo. Ayoko lang nung pinapagalitan ako sa harap ng maraming tao. Kaya hindi ko napigil ang bibig ko kanina. Balak ko ngang magsorry kay Leader dahil sa abalang dinulot ko. Saka alam kong nasaktan sya sa mga sinabi ko kanina. Alam ko naman na hindi nya gustong maramdaman ko na parang kinukulong nila ako dito.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" kumunot ang noo ko sa tanong nya. Wala naman akong sakit ah.

Bahagyang lumapit sya sakin at hianawakan nya ang kamay ko. Oooyyy chansing na.

Wait! may sugat pala ako sa kamay. Sa sobrang higpit ng pagkakatali sakin kanina ni taba ay may namuo palang dugo paikot sa braso ko, meron ding gasgas. Naramdaman ko ang kirot nung nakita ko yun.

"Ope ignis sit sanitas vulnus et livor"

inilapit nya yung kamay ko sa bibig nya at binulungan. Naramdaman ko ang konting init.

"Maya maya wala na yan nang hindi mo namamalayan." binitawan na nga yung kamay ko. Tiningnan ko naman pero mukhang wala namang nagbago. Medyo makirot parin sya.

Tumayo sya at wala nang imik na lumabas. Nakasunod ang mata ko sakanya. Ni hindi na sya lumingon nung isinara nya yung pinto.

Hayyyy...!!!

:D

A/N : Mabuhay.! Ito ang unang story ko wattpad kaya sana magustuhan nyo. Maraming typo error yan pero di ko na iniedit. Vote and comment po kayo ha. It really helps! :) Thankee
-Zhongmuze

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon