EMILIA's POV
Nakatanaw ako sa bintana ng kwarto ko. Sabi ni Leader ito raw muna ang gagamitin kong kwarto hanggat narito ako sa pangangalaga nila. Hindi ito kalakihan di tulad ng kwarto ko sa bahay namin. Tamang kama at cabinet lang ang nandito. Wala na kahit ano.
Feeling ko isa akong preso. Nakakulong at walang layang gawin ang mga gusto ko. Narito na nga ako sa Palm City pero parang nasa gubat parin ako sa sobrang boring.! Maganda sa labas. Mukhang exciting sana kung papayagan nila akong mamasyal.
Haiissssttt.!
Nakaupo ako sa kama. Sana hindi nawala ang cellphone ko. Yun nalang sana ang magiging kakampi ko.
At yung lamang lupang yon bakit ba sya bigla nalang nawala? Dadalhin nya raw ako sa palasyo pero bakit sya lng ang pumunta don.
Mukhang tahimik sa baba. Teka, wala siguro sila..
What a bright idea Emilia.! Evil Smile.!
Dahan dahan akong bumaba mula sa second floor. Good! walang tao.Hinanap ko agad ang main door.! Alam nyo na siguro ang naiisip ko.
Shoot! hindi ito nakalock. Hahaha.
Tingin sa kanan! Tingin sa kaliwa! Tingin sa taas! Hindi na ako titingin sa baba noh.?
Evil smile.! Okey! ready? Get set..GO....!!!!Ang unang una kong natutunan dito sa Annwn ay ang tumakbo .!!
Expert na ako sa pagtakas. Remember? nung nasa Mortal World ako, lagi akong tumatakas sa Mansion kapag grounded ako. Ang kaibahan nga lang dito wala si Nathalia para pagtakpan at tulungan ako.
Heto ako ngayon, parang malayang ibon..
Wooooohoooooo...!!
Nakastraight pa ang arms ko habang tumatakbo na parang si Rose sa Titanic.
Paglabas ko sa isang Street.. Halos mapatulala ako sa nakita ko.
A Beautiful Huge Fountain! Nasa gitna sya. Iba iba ang kulay at parang nagsasayaw.! Dinaig pa nito ang dancing musical fountain sa Disney Land.
Meron syang maliit na rainbow sa ibaba sa fountain tapos nagliliparan rin ang mga glowing na butterfly?? i think its a butterfly.. Ang ganda.. Sa fountain ako nakatingin habang nililibot ko ito. Ang laki nya, ang taas at ang ganda ganda.! Sana meron kami nito sa Mansion.
Wow..!
Tapos sa paligid nya may mga antique shops. Matatas na building na parang yari sa Metal?? oh No? Gold? Hinawakan ko ang wall. Gold nga.! Astig.!
Ang yaman ng Palm City.
Teka obviuos na ba ang ginagawa ko? Nakatingin sila sakin. I think mga tao mga sila. Kasi wala naman silang mahahabang kuko o matatalas na ngipin.
Nakakatitig parin sila. May mali ba akong nagawa? Bawal bang hawakan to?
"Baguhan ka ba dito?" tanong nung isang lalaki.
"Baguhan yan ! Ngayon ko lang yan nakita dito sa Palm" wow ha? ang talas ng memory ni Ate.
"Maganda sya !" sagot naman nung isang lalaki. Well, thanks kuya. :)
"Anong pangalan mo?" tanong nung unang nagtanong sakin.
"Ahm Emia.!" hindi ko sinabi ang tunay kong pangalan. Mukhang hindi sila mapagkakatiwalaan.
"Sang angkan ka galing?" patay? anong sasabihin ko.
Pwede ko kayang sabihin na isa akong mortal na dinala lang dito ni Seo? Pero mukhang mas mapapahamak ako kapag sinabi ko yun.
BINABASA MO ANG
Annwn Tale
RandomUpang mapanatili ang balanse ng Annwn, isang mortal ang sapilitang kinuha at dinala sa mundong hindi pa nya nakikita "Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" "Makinig ka sakin Mortal, kinakailangan mong maging ligtas hanggang sa makarating tayo sa palasyo...