EMILIA's P.O.V.
"San ko po ba pwedeng makita yung Doktora na si Selpium?"
Tulad ng mga nauna kong napagtanungan, iisa ang mga reaksyon nila. Nagtataka. Kahit wala naman silang naibibigay na sagot ay umaalis na agad sila. Mukhang may mood swings talaga ang mga taga rito. Manang mana sila kay Seo.
Kaya no choice ako kundi maghanap ng magtuturo sakin ng tamang daan papunta dun sa doktora na wagas kung makapanlait sakin. Pero kung wala akong makita, baka sa Palm City nalang ako pupunta.
Haisst ang hirap talaga ng walang cellphone.
Napatingin ako sa lalaking nakasakay dun sa mukhang kabayo na hindi nga kabayo. Ano nga ba kasing tawag dito?
"Teka, kilala kita ah..!" Nagulat sya nung tumakbo ako palapit sakanya. Kilala ko talaga sya eh. San ko ba sya nakita?
Tinuro nya yung sarili nya para siguraduhing sya nga ba talaga ang kinakausap ko. Tumango ako. Bumaba sya dun sa nilalang na sinasakyan nya. At talagang idinikit nya ang mukha nya sa mukha ko. Lumayo ako ng bahagya baka magkapalit na kami ng mukha.
"Kilala rin kita.." agad nyang sabi. "Tama! Diba ikaw yung kasama ni Seo sa Palm City.?" Nanlaki ang mata ko .. Oo nga! Sya si..
"Mao.." agad na sabi nya. Kapag sinuswerte ka nga naman.
"Oo ako nga yung kasama ni Seo. Ako si Emilia.!" Excited na sagot ko. Sa wakas, Thank you Lord.
Napatingin sya sa suot ko.
"Taga silbi ka pala sa Mahal na Reyna.?" Hindi ko mapigilan ko na hindi tumawa. Kaya kumunot ang noo nya.
"K-Kasi, mahabang istorya eh. Pero pwede mo ba akong samahan kay Doktora Selpium?" Ayan lalong kumunot ang noo nya.
"At bakit mo naman hinahanap ang mangkukulam na yon.?" Wow langs ha. Kung mukha syang mangkukulam hindi ko na alam ang kahulugan ng salitang magada at sexy.
"Ang sama mo naman para tawagin syang mangkukulam." Nakakatawa at alam pala nila ang salitang yun dito sa Annwn.
"Iyon ang tawag sakanya ng lahat, pero sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang tunay nyang itsura." Kakamot kamot sya sa ulo nya. Para syang si Piper.
"Gusto mo ba syang makita? Samahan mo ako.." Hinila ko ang damit nya.
"Sandali, gusto ko pang mabuhay ha?" ang OA naman nito. Pilit nyang inalis ang kamay ko sa damit nya. Pero hinila ko ulit sya at kinaladkad. Naghihilahan kami ngayon sa gitna ng daan.
BINABASA MO ANG
Annwn Tale
RandomUpang mapanatili ang balanse ng Annwn, isang mortal ang sapilitang kinuha at dinala sa mundong hindi pa nya nakikita "Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" "Makinig ka sakin Mortal, kinakailangan mong maging ligtas hanggang sa makarating tayo sa palasyo...