EMILIA's POV
Nakatulog pala ako habang nakaupo sa sahig at nakahilig ang ulo sa may gilid ng kama. Aray! nakakangalay. magkakasteep neck yata ako.
"Ouch..!" ginalaw galaw ko ang leeg ko ng dahan dahan. Ano ba yan. Nasermunan na nga kagabi pinarusahan ko pa ang sarili ko. Sakit tuloy ng leeg ko at namamanhid na ang binti at likod ko.
Tok Tok Tok
"Angel, nakahanda na ang almusal. Baba ka na ha." narinig kong sabi ni Piper mula sa kabilang side ng pinto.
"S-sandali Piper!" agad kong binuksan ang pinto. Nagulat naman sya.
"B-bakit Angel? may problema ba?" Tumingin tingin sya sa loob ng kwarto ko.
"Hindi. Wala namang problema. May itatanong lang sana ako sayo."
"Ano yun Angel? Sabihin mo lang."
"Ahm.. kasi.. ano.. ano bang gusto ni Seo? I mean.. ahm ibig kong sabihin ano yung mga paborito nya.?" nakakahiya yata to. Baka kung ano ang isipin nya.
"Gustung gusto nya ng ... " saglit na tumigil si piper at nag isip. Ano ba yan ang tagal.
"Ng..??!" Pabitin effect. Ano bang iniisip nya. Ganun ba kahirap ang mga gusto ni Seo.
"Gusto nya lagi yung mga dehadong laban. Alam mo yun? yung lalaban sya ng mag isa na para bang wala syang pakialam sa sarili nya. Magaling talaga sya sa pakikipaglaban Angel. Kaya walang kahirap hirap na makuha syang Wistman ng Mahal na Hari. Ang mahalaga sakanya masunod at magawa nya yung kung ano ang nasa isip nya tapos..."
"Okey na. Okay na ako dun." haiissttt di nalang sana ako nagtanong diba? Baka kakagising lang din nya at naiwan sa panaginip nya ang utak nya.
"Teka Angel, bakit mo pala natanong?"
"Ha? Ah wala naman. Ayoko lang kasing maulit yung kagabi. kaya maganda siguro kung alam ko yung mga Ayaw at gusto nya diba?" palusot ko. Ang slow din nya minsan
"ah. Sige na Angel. Baba ka na ha. Mag aausal na tayo." nakangiting sabi nya.
Tumango lang ako kaya umalis na sya.
Haissttt.. ano bang iniisip ni Piper? Ang layo naman ng sagot nya sa tanong ko. O kayo ano bang iniisip nyo? Gusto ko lang naman malaman ang gusto nya para naman makabawi ako tapos ang labo ng sagot nya. haissttt!!Pagbaba ko sa Dinning Area. Ako nalang talaga ang hinihintay nila. Nakaupo na sina Leader, Suri, Piper, Codie, Cross, Silax, Fox at Seo.
Agad na akong umupo sa bakanteng upuan sa tapat ni Seo. Katabi nya si Suri.
"Kumain na tayo!" sabi ni Leader.
Ang awkward! masyadong tahimik. Hindi katulad nung una. Medyo mabigat ang athmosphere ngayon at alam kong kasalanan ko. Mamaya hihingi ako ng sorry sakanilang lahat. Alam kong mali yung mga sinabi ko kagabi. Ako naman talaga ang may kasalanan. Tumakas ako kaya muntik na akong mapahamak.
"Seo, ano nga ba yung mga gusto mo?" Anak ng.. nasamid ako sa biglang pagsasalita ni Piper.
Bakit hindi nyo agad sinabing madaldal pala ito. Katabi ko sya ngayon kaya napatingin ako sakanya ng masama.
"Ha?" kumunot naman ang noo ng isa.
"k-kasi tinatano... ARAY !" inapakan ko ng madiin ang paa nya. Pigilin nyo ko pipilipitin ko ang leeg nito pag di sya tumigil.
Napatingin silang lahat kay Piper.
"Hahaha! may kumagat kasing insekto sa paa ko. Hoooo aray! Ang sakit!" Nagpapadyak sya sa ilalim ng lamesa na kunwari ay may kung anong insekto nga ang gumagat sakanya.
"Maliligo ka kasi Piper.!" At saka tumawa ng malakas si Codie pagkasabi nya nun.
Alam nyo yung feeling na wala namang tumawa sa sinabi niya kundi sya lang.
Tapos saka naman nagtawanan ang lahat matapos syang tumawa ng wagas!
"Puro kayo kalokohan, kumain na kayo." saway sa kanila ni Leader.
Napatingin ako sakanya at ngumiti sya sakin. Ano ba yan, lalo tuloy akong naguilty.*********************
Nakita ko si Leader na nakatayo sa may beranda sa may second floor. Mag-isa sya at chance ko na to para makahingi ng Sorry.
"Leader, gusto ko po sana kayong makausap"
Sabay syang na napalingon samin ni Seo. E paano ba naman sabay din kaming nagsalita. Napatawa tuloy si Leader.
"Sino ngayon ang uunahin ko sa inyong pakinggan.?" sabi nya ng nakangisi.
"Siya muna po" nagkatinginan kami ni Seo. Ginagaya ba talaga nya ako? Nakikisabay nanaman sya.
"mauna ka na" Haiisssttt nanggagaya talaga sya.
"Bakit mo ko ginagaya?" sabay nanaman kami? Grrr..! Di na nga ako magsasalita.
"Oh! akala ko ba may sasabihin kayo?" nagcrossed arm si Leader na naghihintay sa sasabihin namin. Ayoko na magsalita baka manggaya nanaman sya.
"Tsk! Leader, gusto ko sana kayo makausap ng sarilinan." tumingin pa sya sakin. Hindi ko pa nga nasasabi kay Leader ang gusto kong sabihin dahil nakikisabay sya, gusto na nya akong paalisin.
"Sige Seo. Pero maari ba munang mag usap din muna kami ni Emilia?"
"Hihintayin ko nalang kayo sa Black Room." tumango si Leader sakanya bago sya umalis. Black Room? ano naman kaya yun? Itim na kwarto? parang nakakatakot dun.
Nakangiting tumingin sakin si Leader. Naghihintay sya ng sasabihin ko.
"Ahm Leader, gusto ko lang po kasing humingi ng tawad sa mga nasabi ko kagabi. Hindi ko naman po intensyon na sabihin yun. Pasensya na po." Sana mafeel nya na sincere ako.
"Gustong gusto kong sabihin sayo kung bakit ka narito sa Annwn. At alam kong ganon din si Seo. Alam mo Emilia, napakalaki ng responsibilidad na nakapatong ngayon sa balikat nya. Isa lang hinihingi ko sayo.." sabi ko na e nasaktan ko talaga sya. Sila.
Pero wala ni bahid ng galit sa boses ni Leader. Kalmado lang sya at paminsan minsan ay ngumingiti sya habang nagsasalita.
"Ano po yon?"
"Magtiwala ka sakanya .. ng buong buo.." bakit parang may kung anong kumirot sa puso ko nung banggitin nya yun. Magtiwala ng buong buo.
Ngumiti si Leader at pinat ang head ko. Ngumiti din ako sakanya at tumango.
"Dahil dyan, bibigyan kita ng oras para mamasyal sa Palm City." Di nga? hindi na sya galit sakin?
"Leader!!!" gusto kong umiyak habang yakap sya ng mahigpit. Pakiramdam ko siya si Daddy.
BINABASA MO ANG
Annwn Tale
RandomUpang mapanatili ang balanse ng Annwn, isang mortal ang sapilitang kinuha at dinala sa mundong hindi pa nya nakikita "Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" "Makinig ka sakin Mortal, kinakailangan mong maging ligtas hanggang sa makarating tayo sa palasyo...