CHAPTER 14

18 0 1
                                    

Seo's POV

"Angel! Seo dahan dahan naman.!" binuhat ko na parang sako ng bigas si Emilia. Isinampay ko sya sa balikat ko kaya lalo syang nagwawala. Nagpapapadyak sya at hinahampas ang likod ko.

Ito namang tatlo nakasunod lang samin. At nakalalay kay Emilia. Haissttt!

Tumalon na kami sa mga bubungan ng mga bahay dito.

Iniwan naming nakatali sa mga baging ng Moondale ang apat na nagtangkang kumuha kay Emilia.

"Waaahhhhh!!! Seo! ibaba mo na ako. Ibaba mo ko..!" sigaw sya ng sigaw. Ang sakit sa tenga. Hindi sya tumitigil. Hindi ba sya napapaos.?

Ibinaba ko lang sya nung nakapasok na kami sa loob ng bahay.

Pabagsak syang naupo. Kaya pumwesto ako sa harap nya ng nakatayo.

"Ngayon magsalita ka. Anong ginagawa mo sa lugar na yon?" tumingin lang sya sakin. Hindi ko alam kung bakit inikot pa nya ang mata nya.

"Kapag hindi ka nagsalita..."

"What?!!" malakas na sagot nya. Aba at talagang hindi na sya natatakot sakin ngayon.

Kaharap namin ang sina Leader, suri at itong limang mga kasama ko.

"Tumakas ka at ngayon ikaw pa ang nagagalit? Ganyan ka ba magpasalamat? O baka ganyan talaga kayong mga Mortal?" sagot naman ni Suri.

"Uulitin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo sa lugar na yon?" tinataas ko ang boses ko para maintindihan nya ang punto ko. Ang babaeng to ay lumaking nakukuha lahat ng gusto at ginagawa ang lahat ng maibigan. Kailangan nyang baguhin yon para tumagal sa mundong ito.

Yumuko sya at saka nagsalita ng mahina.

"Ahm. napansin ko kasing walang tao sa loob at labas ng bahay. I thought it was a good idea so i .."

"Pwede bang itigil mo ang paggamit ng mga salitang yan?!!" tss sinong makakaintindi sakanya dito.

"Ahm.. Akala ko k-kasi ligtas dito sa Palm City..." ginagalit talaga ako ng babaeng to.

"Hindi ba sinabi ko sayo na ang Annwn ay iba sa mundong kinalakihan mo. At kailangan mong maging ligtas hanggang sa makarating tayo sa palasyo ng Firias.! Dinala kita dito hindi para ipahamak sila! o ang kahit na sino! Lalong lalo na ikaw .!!" mariing sagot ko sakanya. Lumapit ako at tinitigan sya sa mata. Hindi ba nya naiintindihan na kailangan nyang mag ingat dito lalo na kapag wala ako

"K-kasi hindi ko naman kasi akalain na.."

"ANO BANG INIISIP MO AT GINAWA MO YUN HA EMILIA!"

"NAG-IISIP KA BA TALAGA HA MORTAL? ALAM MO BANG SA GINAWA MO, HINDI LANG IKAW ANG PWEDENG MAPAHAMAK? KUNDI PATI SILA! SILANG LAHAT DAHIL SA KAPABAYAAN MO!" pinipigil ko ang sarili ko na tuluyang magalit. Ayokong matakot sya ng tuluyan sakin at sa bandang huli ay hindi na talaga nya ako susundin. Pinipigil ko rin na magbago ang kulay ng mga mata ko.

"NAKAKABORING KASI DITO! HINDI AKO PWEDENG LUMABAS! HINDI AKO PWEDENG MAMASYAL! LAHAT BAWAL. HINDI KO MAINTINDIHAN EH. ANO BA TALAGA ANG GINAGAWA KO DITO SA MUNDO NYO. KUNG BAWAL AKO DITO AT WALANG KALAYAAN BAKIT HINDI MO NALANG AKO IUWI SAMIN."

Napatingin ako sakanya at nagbawi rin ako ng tingin sa huli. Pero alam kong nakatingin parin sya sakin.

Kung alam mo lang kung gaano ko gustong sabihin sayo kung bakit ka nandito. Pero hindi pa sa ngayon. Pasensya ka na kung naguguluhan ka Emilia. Kapag nalaman mo kaagad ang dahilan ng pagbabalik mo, kakamuhian mo ako ng tuluyan.

"Ahm, Angel diba sabi mo ang salitang boring sa mundo nyo ay katumbas ng masarap?" tanong ni Piper.

"Magpapahinga na po ako." sabi nya kay Leader.

Lihim ko syang sinundan ng tingin hanggang sa makaakyat sya sa taas at narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ng kwarto nya.

"Haisssttt.. nakita mo na Papa kung paano nya sagutin si Seo. Pakiramdam nya pala ay kinukulong natin sya dito.? Pagkatapos natin syang iligtas sa Laestrig..."

"Magpahinga na kayo." hindi na pinatapos ni Leader si Suri sa pagsasalita.

Agad namang sumunod yung lima. Umakyat na sila sa kani kaniyang kwarto.

Naiwan nalang kaming tatlo. Ako, si leader at si Suri.

"Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan kung bakit ba sya nandito. Hindi ba masyadong delikado satin kung narito sya.?" tanong ni Suri. Alam kong una palang ayaw na nya sa ideya ni Leader na dalhin muna dito si Emilia.

Bukod kay leader, lahat sila ay walang alam sa tunay na dahilan kung bakit narito sa Annwn ang isang mortal. Ang tanging alam lang nila, pinahahanap sya ng Kamahalan at kailangang madala sa palasyo.

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon