CHAPTER 15

23 1 3
                                    

SEO's POV

(flashback) Pagkatapos makatawid nina Seo at Emilia sa tulay ng gubat ng Nympsa.

Firias Palace

"Kamahalan.." nakatayo ang Hari ngayon sa harap ko. Ako naman ay nakaluhod sakanya.

Hindi ako maaring bumalik at humarap sakanya hanggat hindi ko pa natatagpuan ang mortal.

"Narito ka ngayon sa aking harapan. Isa lang ang ibig sabihin nito." kalmadong sabi nya. "Nasaan sya?" nakangiti at mukhang sabik ang hari kung titingnan ang kanyang mga mata. Pero hindi ko pwedeng iangat ang aking ulo upang tingnan sya.

"Nasa Palm City Kamahalan. Pwede ko na syang dalhin ngayon kung ipag uutos nyo" nakayuko ako habang nagsasalita.

Nakita ko syang umupo sa trono.

Sa magkabilang gilid nya nakatayo ang tigdalawang myembro ng Konseho. Ang samahang pinakamalapit sa Hari at katulong nya sa pagpapalakad sa Palasyo at sa pagpapatupad ng batas. Sila ang sumunod sa Unang Pamilya na makapangyarihan.

Pagkatapos sa magkabilang gilid ng mga konseho ay ang dalawang wistman na pinamumunuan ko. Ang pumapangalawa sakin na si Annam at ang isa ay si Orcus. Ang Wistman ay ang mga sundalo na pumuprotekta sa Hari. Sa lahat ng myembro ng wistman apat lang Kami na lagi nyang kasama san man sya magpunta. Kampante sya na sa aming apat palang ay ligtas na sya.

"Kamahalan, ang pagparito ng mortal ay simula palang. Magiging delikado para sakanya ang pananatili sa lugar na yon." sagot naman ng isang konseho. Saglit na nag isip ang Kamahalan. Siguradong nag aalala din sya.

"Wistman Seo, sa una palang sayo ko na iniaatas ang kaligtasan ng mortal. Dalhin mo sya dito sa lalong madaling panahon.!" halata sa boses nya ang magkahalong emosyon.

Alam kong matagal nilang hinintay ang pagdating nya o mas lalong dapat sabihin ay ang pagbabalik nya. Ni Emilia.

"Opo.!" agad akong tumayo. Nagbigay galang at saka lumabas ng kwartong ito.

(end of flashback)

Nakatayo ako ngayon sa labas ng Black Room. Ang Silid na to ay ang tinuturin naming pribadong lugar para sa Black Rose.

Maya maya ay dumating na si Leader. Tapos na sila mag usap ni Emilia.

"Pumasok tayo sa loob." nauna si Leader na pumasok. Sumunod ako.

May malaking pabilog na lamesa sa gitna na may Pitong upuan. Naupo sya sa upuan na para sakanya.

"Tungkol ba ito kay Emilia?" agad nyang tanong sakin.

Naupo rin ako sa tapat nya.

"Nais ng Kamahalan na makaharap na sya." diretsong sagot ko naman. Wala nang dahilan para magpaligoy ligoy pa.

Narinig ko syang bumuntong hininga. Pagkatapos ay sumandal sa upuan.

"Anong plano mo Seo.?"

"Dadalhin ko sya sa Kamahalan tulad ng inutos nya sakin.." napatingin sakin si Leader. "Mas magiging ligtas po sya at maging kayo kung nasa palasyo sya. Ang magiging problema lang ay ..." napahinto ako ng dahan dahan sa pagsasalita.

"Kung matatanggap nya ang lahat ng malalaman nya." dugtong ni leader.

"Kinuha mo sya mundo ng mga mortal dahil narin sa ipinag utos ng Kamahalan. Pero ipinapalala ko rin sayo ang isa pang dahilan kung bakit mo sya kinuha at dinala dito"

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon