CHAPTER 17

23 0 2
                                    

EMILIA's POV

"Seo! tingnan mo yun!" patakbo akong lumapit sa nakita kong nagsasayaw na couple.

Ang ganda! napapalibutan sila ng ibat ibang kulay na parang umuulan ng glitters sa paligid nila. Ang romantic tingnan.

Maraming nanonood sakanila kaya pinilit ko talagang makisiksik para mapunta ako sa unahan. At nung magawa kong makalapit ay lalo akong naamaze sakanila.

Hindi sila tao at kasing laki lang sila ng isang batang nine years old. Nakalutang sila habang nagsasayaw. Sa sobrang liwanag sa ilalim nila hindi ko masigurado kung may paa ba sila o wala.

Mukha silang ginseng na may mahahabang ugat. Mukha rin silang Carrots na may malagong mga dahon na parang dahon ng malunggay. At nung titigan ko sila wala silang ilong. Mata at bibig lang. Sa totoo lang napakacute nila.

"ang ganda..." hindi ko mapigilang bigkasin ang pagkamangha ko.

Naramdaman ko sa tabi ko si Seo. Nakisiksik rin pala sya sa mga nanonood.

"Anong tawag sakanila Seo?" hindi ko inaalis ang tingin ko sakanila habang patuloy parin sila sa pagsayaw.

"Fee yung lalaki at Fae yung babae." kasing cute pala nila yung pangalan nila. Tumingin ako kay Seo. Napangiti ako nung nakita ko syang nakangiti habang ang atensyo ay nasa mga cute na nilalang na to na walang tigil sa pagsayaw ng sweet. Siguro ngayon lang din nya napanood ang pagsasayaw ng nila.

Ibinalik ko na ang atensyon ko sa panonood. Napansin kong parang bumabagal ang kanilang sayaw. Para silang nag s-slow motion. Unti unting nanghihina yung babae tapos napaupo sya. Teka! anong nangyayari?

"Seo..." napakapit ako sa braso nya. Pero promise ang atensyon ko ay nasa kanilang dalawa.

Unti unting nawawalan ng glow yung girl. Gusto ko syang hawakan pero ang kamay ko ang hinawakan ni Seo para pigilan ako

"Pero.." bakit ayaw nya?

Nung muli akong tumingin ako sakanila, unti unting naglalaho yung girl tapos yung boy unti unting nanghihina katulad nung nangyari sa girl kanina. Tiningnan ko yung mga kasama naming nanood. Unti unti naring nababawasan. Nag aalisan na sila.? Hindi ba sila nag aalala kina Fee at Fae?

Hanggang sa naglaho ang mga cute na nilalang. Hala? anong nangyari? Nawala narin yung ilaw na kanina ay napakaganda at iba iba ang kulay.

Bakit? kawawa naman sila? Bakit sila nawala?

"Bakit ka umiiyak?" Umiiyak ba ako? Pinunasan ko yung mata ko. Basa nga ng luha.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nya ulit.

"Kawawa naman sila. Bakit sila nawala bigla?"

"Normal sakanila ang ganon. Isang beses lang sila pwede mabuhay. At yun ay kapag mayron na silang kapareha. Magsasayaw sila at hindi titigil hanggang sa mawala sila at maglaho."

Nakatingin lang ako sakanya at iniintay ang sasabihin nya. Seryoso akong nakikinig tapos bigla syang ngumiti. Olala! bakit ang cute nya.?

"Napansin kong gustung gusto mo na ang mga nilalang dito sa Annwn." nakangiti parin sya at hindi ko maialis ang tingin ko. Sana lagi syang ganito kesa naman sinusungitan nya ako.

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon