CHAPTER 22

24 0 0
                                    

EMILIA'S POV

"Mag iingat po kayo" pagkatapos ay yumuko silang mag ina. Bago ako tuluyang pumasok sa black hole, niyakap ko sila. Sobrang thankful ako sa lahat ng naitulong nila. Mula sa pagsagip samin sa pagkakalunod hanggang sa sandaling ito sila parin ang tumulong samin.

"Hinding hindi ko po kayo makakalimutan. Maraming salamat po sa lahat."

"Sige na po Mahal na Firias, baka magsara na ang lagusan." Bago pa ako maiyak ay tumalikod na ako. Pero muli akong humarap sakanila. Naupo ako sa harap ni Rehan para magpantay ang aming taas.

"Pasensya na nga pala kanina kung nasigawan kita. Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Ngumiti ako kasi mukhang natatakot sya sakin. PAgkatapos ay sya naman ang ngumiti kaya niyakap ko sya bilang pasasalamat sa lahat ng tulong nya. Hindi ko alam kung kalian pa ulit kami magkikita.

Lumabas kami sa isang malaking bato na nasa gubat.

"Dito tayo"

Tinunton namin ang daan na itunuro ni Leader. Nauuna sya kasabay si Doktor Zwi na mukhang alam din ang lugar nato.

Kasunod ang mga Wistman na sina Annam at Orcus, tapos ako at sina Piper at Codie. Nasa gitna nila akong apat. Sa likod naman namin ang sorajinn daw na syang umaalalay kay Seo. At nasa likod pa nila ang mga iba pang kawal ng palasyo. Marami kami kaya kahit paano ay panatag ako hindi para sa kaligtasan ko kundi para kay Seo.

PAgkatapos naming tahakin ang masukal na gubat, isang magandang bahay ang nagkukubli dito.

"Selpium, nandyan ka ba? Ako ito, si Doktor Chan." Biglang bumukas ang Main door at tuloy tuloy sina Doktor Zwi at leader sa loob kaya pumasok narin kami.

MAganda ang loob at maaliwalas, sayang nga lang at nasa gitna sya ng gubat. Dapat sa Palm City nya ito pinatayo.

"Anong ginagawa mo dito kasama ang mga kawal na yan?" Kunot noong tanong nya. Kung ganon, babae si Selpium at maganda sya. Sexy at mukhang dalaga pa.

"Nalason sya ng Mob" Hindi sinagot ni Leader ang tanong ni Selpium. Inihiga nila si Seo sa isang mahabang upuan sa isang silid kung nasaan ang manggamot.

"Mob, pero bakit may sugat sya sa dibdib?" Nagtatakang tanong nya.

"Wag ka ngang magtanong pa, basta gamutin mo nalang sya."

"Ikaw na nga itong basta nalang nagpakita sakin pagkatapos ay uutusan mo akong gamutin ang Wistman nayan?" Naupo siya sa isang couch at itinaas pa ang paa. The heck! Anong klase syang doctor?

"Anong ginagawa ng isang mortal sa teritoryo ko?!" Napalunok ako nung napatingin sya sakin. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa na parang tinatantsa nya ang pwede kong gawin pagkatapos ay tumayo sya at nagtangkang lapitan ako, pero hindi nya nagawa dahil humarang agad ang mga sorajinn at sina Annam at Orcus.

Narinig ko syang tumawa ng mahina at bumalik sa inuupuan nya.

"Totoo pala ang naririnig kong nagbalik na ang Firias, pero ang malas ng angkan nayon. Isang mahinang mortal? Nakakatawa naman." Hindi maganda ang pananalita nya at naoffened ako sa mga sinabi nya. Parang ang malas ng angkan ng Firias dahil isa akong mortal. Kahit di pa nila ipinapaliwanag skin ang lahat, mukhang naiintindihan ko na ang mga pangyayari.

Ako ang Firias na nawawala at muling nagbalik sa katauhan ng isang mortal.

"Sya ang Firias at dapat mo syang igalang" Sagot ni Annam sakanya at itinutok dito ang kanyang espada. Dahan dahan naman inalis ni Leader ang talim niyon sa leeg ng doktora.

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon