CHAPTER 16

17 0 3
                                    


SEO's P.O.V.

(flashback)

"Kamahalan.." Agad akong yumuko at lumuhod bilang pagbibigay galang sakanya.

Nakatayo naman ang Kamahalan at kasalukuyang nakatalikod ng dumating ako. Matagal bago sya nagsalita. Ramdam ko ang bigat ng dinadala.

"Wistman Seo, masama ba akong Hari kung hahanapin ko ang Firias?"

Natigilan ako sa tanong nya. Nakatalikod parin sya sakin. Tama bang sakanya magmula ang ganong klaseng tanong? Isa syang hari at sino ako para husgahan sya.

"Babaguhin ko ang aking tanong.." humarap sya sakin. Mas lalo ako kinabahan. Bakit sa dinami dami ng myembro at matataas na may katungkulan sa konseho ay sa akin pa nya ito itinanong.

"Masama ba ako kung pipiliin ko ang aking buhay at ang aking angkan.?" Tungkol ito sa kasal? Kahit ako ay naguguluhan. Kung ang Firias ang magbibigay ng kaayusan sa kanilang angkan bakit kailangang may magsakripisyo para sakanya.

Napatingin ako sakanya nung narinig ko syang bahagyang tumawa. Maya maya ay naupo sya sa upuang nakalaan sa kanya sa bulwagan na ito. Ang trono.

"Dalawang taon na ang lumipas pero ang aking kapatid parin ang itinuturing nilang Hari. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko patutunayan ang aking sarili sa lahat ng aking nasasakupan."

Maraming beses na namin syang naipagtanggol sa mga nagbalak na patayin sya pero hindi ko sya nakitaan ng anomang takot o pag aalala, pero iba ang sitwasyon nya ngayon. Mahirap mang tanggapin pero hindi sya minamahal ng mga taga Firias na tulad ng pagmamahal nila sa nakaraang Hari. Totoong malaki ang pinagkaiba nila. Limang taon kong nakasama ang ang dating Hari kaya masasabi kong mas mahina ang kasalukuyan. Wala syang sariling pagpapasya at madalas iyon ay nakabase sa desisyon ng nakararaming myembro ng konseho.

Mabilis syang nagtiwala sakin at itinalaga nya akong mamuno sa Wistman na syang personal na pumoprotekta nagtatanggol sa Kamahalan. Nakapasa ako sa pagsusulit at naging ganap na Wistman limang taon na ang nakararaan. At nung araw na opisyal syang naupo sa trono ay kasabay rin nun ang pagtaas ng ranggo ng Wistman sa mga Sarojinn. Kaya naman nangako rin ako sakanya na magiging tapat at hindi sya iiwan sa lahat ng laban.

"Kung tatanggapin ko ang buhay na pwedeng ibigay sakin ng Firias, para ko naring pinatay ang Mahal na Reyna." Ang sagradong kasal na sinasabi ng Orakulo ang nagpapabigat sa kanyang sitwasyon. Dahil sa oras na ikasal muli ang Kamahalan, mawawala sa Reyna ang kaniyang karapatan at ayaw man nila kailangan niyang lisanin ang palasyo at mamuhay bilang normal at pangkaraniwang mamamayan ng Firias.

Yun ang tuntunin at batas ng unang pamilya dito sa Annwn.

Malungkot at puno ng pagtatanong ang kanyang mga mata. Hindi ko sinasadyang tingnan sya ng diretso. Hindi ko kayang ipaliwanag ang bigat ng kanyang boses. Mahal nya ang Reyna. Mahal din nya ang angkan ng Firias kahit na ang puso ng kanyang mga nasasakupan ay para lamang sa kanyang kapatid.

"Ngayon tatanungin ulit kita." saglit syang tumigil.

"Wistman Seo, masama ba akong ama kung pipiliin ko ang aking buhay at ang aking angkan.?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"Tingnan mo ko bilang isang kaibigan at hindi bilang hari"

(end of flashback)

"Hello..."

Nagulat ako ng buksan ko ang pinto ng Black Room ay naroon na si Emilia at nakatayo. Masigla ang bati nya sakin.

"Ahm. Sabi ni Leader, pwede lang daw akong mamasyal sa Palm City kung ikaw ang kasama ko. Kaya, pwede mo ba akong samahan?" napakaluwang ng mga ngiti nya. At pakiramdam ko nakakahawa yun.

"Sasamahan kita sa isang kondisyon." biglang nawala ang mga ngiti nya at kumunot ang noo nya sa sinabi ko.

"Bakit may kondisyon pa? hindi ba pwedeng mamasyal nalang tayo ng walang kapalit?"

"Kung ayaw mo edi huwag. Madali naman akong kausap." humakbang na ako para sana iwan sya pero nabigla ako nung kumapit sya sa kamay ko. Pakiramdam ko nakuryente ako. At diretso sa tiyan ko. Kakaiba ang pakiramdam.

"Sige na. Ang daming arte. Ano bang kondisyon yun?"

Nakatitig sya sakin. Nakatingin lang din ako sakanya. Narinig ko naman ang sinabi nya pero hindi ako makakibo.

Ang init ng palad nya.

"Ano na?"

Binawi ko ang kamay ko na hawak nya. Bakit ganito ang pakiramdam ko.

"Siguro, galit ka parin sakin ano? Dahil sa ginawa kong pagtakas?" Pumwesto sya sa harap ko. "Sorry na oh. Kasalanan ko naman talaga kaya muntik na akong mapahamak. Pero wag kang mag alala hindi ko na yun uulitin. Promise.!" initnaas pa nya ang kamay nya senyales ng pangangako.

"Ang tipid mo talaga magsalita. Madaldal kalang pala kapag galit ka. hahahaha!" nakuha pa nyang mang asar.

Bigla nya nalang hinila ang braso ko. Napasunod nya ako ng hindi nagrereklamo.

**********************

"San ba magandang mamasyal dito sa Palm City?"

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na naglalakad kasama si Emilia. Hindi ko ugali ang mamasyal kaya hindi ko rin alam kung saan ang magandang puntahan.

"Seo, taga rito ka ba sa Palm City?"

"Hindi.!"

"Talaga? Paano mo nakilala si Leader.?" kailangan ko bang sagutin ang tanong nya?

"Seo! tingnan mo yun!" 

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon