EMILIA's P.O.V
Nakaharap ako sa isang whole body mirror. Sa tingin koi to na ang pinakamagandang damit na naisuot ko. Kumikinang lang naman sya sa dyamante at ginto. Maraming butil nito ang nakadikit sa bawat laylayan ng suto ko. Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Kung nasa mortal world ako siguradong marami nanamang maiinggit sakin. Sanay ako sa paparazzi na parating nakasunod kay Daddy sa mga event na dinadaluhan nya. At dahil kami ang nangunguna pagdating sa business industries, parating may media ang nakabuntot.
Napangiti ako ng mapait. Naaalala ko nanaman ang mundo ko.
"Mahal na Firias, nag aantay na po ang kamahalan."
This is it. Haharap ako sa Hari na matagal ko ng gustong makita.
"Wag ka mag alala. Makakalabas tayo dito at maihahatid kita sa palasyo ng ligtas. Ipinapangako ko yan sayo Emilia."
HUminga ako ng malalim bago tumayo. Hindi na nga ba nya matutupad ang pangakong yon? Nasaan ka na ba Seo?
Pagkabukas ng pinto, nakaabang na sakin sina Lady Morrin at Orcus kasama ang mga Wistman, pero wala akong nakikitang Sorjinn. Yumuko sila pagkakita sakin. Ngumiti lang ako bilang sagot. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon pero ang nangingibabaw sakin ay lungkot. Lungkot, dahil ang nilalang na yun na walang bukang bibig kundi ang pagpunta ko rito ay sya ngayong wala sa okasyong ito. Sa aming lahat, sya ang may pinakamaraming naisakripisyo.
"Handa ka na ba Mahal na Firias?" Tanong ni lady Morrin. Handa na nga ako? Hindi ko alam?
Nakatayo kami sa harap ng isang malaki at mataas na pinto. Sa desenyo palang nito, sigurado akong nasa likod nito ang Mahal na Hari.
Unti unti itong bumubukas. Lalong tumitindi sakin ang kaba.
Nakakasilaw ang liwanag ng mga naggagandahang ilaw sa itaas. Napakalaking Chandelier ang nakalutang sa gitna ng hall. Halos lahat na yata ng Wistman at Sorajinn ay narito na. Nakatayo silang lahat sa bawat gilid ng kwartong ito. Mukhang secured na secured ang lugar nato. Nagtayuan naman ang lahat ng naroon pagkakita sakin. Ang dami nila at pare pareho ang mga suot nila. Kulay pula at gold. Nasa magkabilang side sila ng Hall na may red carpet sa gitna. At sa dulo non, may tatlong baiting pa ang taas, matatanaw ang isang Napakalaking upuan na sa tingin ko ay yari rin sa gold. Kumikinang sya. At isang lalaki ang nakaupo doon. Kinabahan ako, baka sya na ang Kamahalan. Sa magkabilang gilid nya may dalawang Wistman pa ang nakatayo pero nakayuko sila.
Nakita kong pumasok sa gilid ang Mahal na Reyna. At tumayo sa may upuan na laan sa kanya sa gawing kanan ng Hari. Medyo malayo ang distansya namin, kaya hindi ako sigurado kung ngumiti nga ba sya sakin.
"Mahal na Firias, Narito tayo ngayon sa bulwagan ng palasyo, nais kong ipakilala sayo ang Mahal na Haring Pelor." bulong ni Lady Morrin mula sa likuran ko.
Nakita kong unti unting lumalakad palapit samin yung isang Wistman na nasa gilid kanina ng Hari. Paglapit nya sakin, huminto sya sa harap ko. At unti unti nyang inangat ang mukha nya. Literal na nanlaki ang mata ko. Gusto kong magsalita, magtanong at gumalaw pero nananatili lang akong nakakatitig sa kanya habang ganon din sya sakin.
Hindi ako makapaniwala sa nasa harap ko sya ngayon. Yung mata nya, yung mga titig nya, namissed ko yon. Sobra!
"Seo..." bulong ko sa sarili ko.. hindi ako pwedeng magkamali. Sya nga.. A-anong ginagawa nya rito? P-paanong? Inilipat ako ang tingin ko sa Mahal na Reyna, this time sigurado akong ngumiti sya sakin at bahagyang tumango.
"Hinihintay ka na ng Kamahalan" yumuko sya sa harap ko para magbigay galang. Pag angat ulit ng mukha nya, nakangiti sya sakin. Pasimple lang yun, pero nakita ko. Nananaginip ba ako? Nandito nga ba sya sa tabi ko?
BINABASA MO ANG
Annwn Tale
RandomUpang mapanatili ang balanse ng Annwn, isang mortal ang sapilitang kinuha at dinala sa mundong hindi pa nya nakikita "Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" "Makinig ka sakin Mortal, kinakailangan mong maging ligtas hanggang sa makarating tayo sa palasyo...