CHAPTER 6

17 0 0
                                    

EMILIA's POV

"Nasaan ako.?" nagising ako na puro lalaki ang nakabantay sakin. Lima sila at lahat sila ay nakatingin sakin. Umupo ako sa hinihigaan ko. Katulad ni Seo kakaiba rin ang mga damit nila.

"Ang ganda" narinig kong bulong ng isa.

"Isa ba syang Nymps?" sagot naman ng isa.

"Mortal nga sya diba? sya yung kasama ni Seo." si Seo. Nasaan sya? Tumingin ako sa paligid. Bakit wala sya dito.

"Anghel sya Piper hindi Nymps"

"Ako si Emilia, kayo? sino kayo? Nasaan si Seo?" sabi ko sakanila. Pero hindi sila kumukurap. Ganon na ba talaga ako kaganda?

"Ako si djrbfogmgndjwbfofmgo" okey imaginin nyong sabay sabay silang nagpakilala.

"tss! isa isa lang okey?!" natataranta sila. "Ahm, sige ikaw mauna" sabay turo ko dun sa isa na medyo malapit sakin.

"Ako si Piper!"

"Ako si Codie!"

"Ako si Cross!"

"Ako si Silax"

"At sya naman si Fox. Masungit yan at suplado. Hahahaha!"

Tumawa talaga ako ng bongga.! Lalo tuloy silang napatulala sakin. Nakakatawa sila. Sabay sabay nilang ipinakilala si Fox. Well halata naman! Napatingin tuloy ako kay Fox at sinamaan nya ako ng tingin. Kaya tumahimik nalang ako. Hindi ko alam ang pwede rin nyang gawin.

"Pwede ka ba namin tawaging Anghel.?" Naagaw ang atensyon ko sa sinabi ng isa. Bet ko rin yun pero mas maganda yata ang Angel.

"Alam nyo ba sa mundo namin ang tawag sa anghel ay Angel?" parang ang sarap mang uto dito.

"Angel? sige sige Angel.!" naeexcite na sabi naman nung Piper yata yun.

"Gising ka na pala?" isang medyo katandaan na lalaki ang pumasok sa kwarto. Mukha naman syang normal. May dala syang mainit na Tea yata yun.

""Ginugulo ka ba nila?" tanong nya sakin habang inaabot ang tasa na may tea??

"Hindi naman po." nag aalinlangan akong kunin ang tasa baka mamaya kung anong meron dun.

"Inumin mo to para gumaan ang pakiramdam mo." Naamoy ko nanaman yung bulaklak. Tama yung Rose Scent.

"Ang bango. Gawa po ba ito saan.? Amoy Rose po kasi sya. Lagi ko yan naamoy simula nung dumating ako dito sa Annwn"

"Ang tawag dyan ay Asphodel. Mabisang gamot yan sa lahat ng uri ng karamdaman. Nakakagaan din sa pakiramdam kapag naamoy mo ang bulaklak nyan. At ang dahon naman nya ay pwedeng kainin katumbas ng tatlong araw na pagkain." tama. Yun nga yung amoy na naamoy ko lagi. Sa Bar, sa kubo. Naamoy ko sya at pagkatapos ay nawala ang lahat ng sugat ko. At yung dahon na pilit pinapakain sakin ni Seo. Itio nga ang tawag nya dun. So, does it mean na palagi syang may dala nun?

"Ahm pwede po ba akong humingi ng Buto o Binhi nito para naman maitanim ko sa garden namin" siguradong kikita si Daddy dito.

"Hahaha hindi yan nabubuhay sa mundo ng mga mortal. Pero sa oras na kailangan mo ng bumalik sa inyo, pangangako bibigyan kita ng mga dahon nito."

Wow..

"Thank you po.!" tapos niyakap ko si Manong. Hahaha. Yes! may souvenir na ako.

"Si Leader talaga oh.?"

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon