CHAPTER 27

40 0 0
                                    

EMILIA's P.O.V.

"Hay... grabe, feeling ko sasabog ako kanina sa loob. Ngayon lang ako na-hot seat ng ganon. Grabe sila dito.." Narito ako ngayon sa garden ng palasyo at kinakausap ko ang sarili ko. Grabe ang pressure, para akong nakipag meeting sa Presidente ng bansa o parang mas malala pa yata don.

Sumandal ako sa isang Patcho na puno ng mga yellow na bulaklak na mas malaki pa sa sunflower.

"Haisssttt.. mabuti pa kayo, walang inaalala samantalang ako, pakiramdam ko pasan ko ang mundo nyo." Bukod sa sarili ko kinakausap ko pa ang mga bulaklak. Mababaliw na nga yata ako ng tuluyan dito. "Ano bang dapat kong gawin bilang Firias? Kailangan ba may kapangyarihan din ako? Kailangan ba malakas din ako or dapat powerful din ako?"

"Kailangan mo lang manatiling buhay, yun lang.."

Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.

"Balita ko, pinapahirapan mo raw ang mga kawal dito sa palasyo at gumagamit ka ng mga salita buhat sa mundo nyo para walang magtangkang lapitan ka.?" nakatayo sya sa likod ko. Yung itsura nya, ganon parin tulad ng dati. Matipuno at intimidating. Gusto ko syang yakapin nung ngumiti sya. Pero, hindi ko ginawa. Muli kong binaling ang tingin ko sa mga halaman na nandito.

"Nabalitaan mo rin ba na ikaw ang dahilan nun?" hindi ko sya tiningnan. Ayokong makita ang reaction nya.

"Ano naman ang kinalaman ko ron?"

"Ganyan ka ba kamanhid ha..?" napatakip ako ng bibig. A-ano bang sinasabi ko. Lumingon agad ako para tignan sya. Ayun ang loko mukhang gustong tumawa. Haiisstt nababaliw na nga ako.

"Manhid? Ang natatandaan ko lang, nalason ako at tinamaan ng sandata sa dibdib." Gusto nya talagang tumawa habang nagsasalita. Unti unti syang lumalapit sakin. Hindi naman ako makahakbang palayo dahil nakasandal na ako sa Pacho.

"I-ibig kong sabihin, teka! Ano ba talagang nangyari sayo ha? Paano ka nakaligtas sa lason?" Kanina ko pa talaga ito gustong itanong sakanya. Bahagya syang ngumiti at tumabi sakin habang sumandal din sya sa Pacho.

"Nasaan ang mga bantay mo? Bakit hinahayaan ka nilang mag isa dito?" sabi nya habang tumitingin tingin sa paligid. Bakit ba yaw nyang sagutin ang tanong ko.

"Pinaalis ko sila." Pagtataray ko. Pero ang totoo, sinabi kong gusto ko lang lumanghap ng sariwang hangin pagkatapos ng mainit na tagpo kanina. Pero narito lang sila sa paligid, lumayo lang sila ng konti sakin tulad ng sinabi ko. Hindi naman nila ako pwedeng iwan nalang basta.

"Magpapadala ako ng dagdag na Wistman para bantayan ka"

"Changing topic huh?!" death glare while crossed arm ako. Kahit di nya naintindihan ang sinabi ko ay ngumiti sya. Naapektuhan narin yata ng lason ang utak nya. NAgiging friendly na sya ngayon o baka naman kasi may kasalanan sya sakin kaya bait baitan sya. If I know mas mataas na ang posisyon ko sakanya ngayon kaya dapat lang nya akong itrato ng maganda.

"Bilang pinuno ng mga Wistman na nangangalaga ngayon sa Firias, ipinag babawal ko ang paggamit ng mga salitang galing sa mundo ng mga mortal."

"Bilang Firias na pinuprotektahan ng mga Wistman, ipinag uutos ko ang malayang paggamit ng kahit na anong salita o lenggwahe dito sa loob at labas ng palasyo." With matching evil grin. Di na sya kumontra pa at ngumiti nanaman.

"Epekto ba yan ng lason ha?" kumunot ang noo nya sa tanong ko.

"Magaling na ako kaya wag kang mag alala."

"At sinong may sabi na nag aalala ako."

"Lahat sila."

Pout. What a stupid question Emilia. Tumalikod ako sakanya at bahagya kong pinalo palo ang noo ko. Obvious naman na nag alala talaga ako sakanya. Pati ang mahal na reyna ay nagawa kong iyakan para lang mahanap sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon