EMILIA's POV
Dali dali akong tumakbo. Narinig kong tinatawag nya ako pero di na ako lumingon pa. Nakakatakot sya. Nang medyo malayo na ang narating ko, napaupo ako sa may gilid ng kalsada.
Mukhang nasa market na yata ako. Mukha tong divisoria sa dami ng namimili at nagtitinda.
Ngayon ko yata nararamdaman ang epekto ng alak kanina. Hinilot hilot ko ang ulo ko. Medyo nahihilo na ako.
"Tubig?!" may kamay na nag abot sakin ng isang basong tubig. Nang iangat ko ang ulo ko. Isa syang lalaki. Gwapo at kaedad ko lang siguro.
Tinitigan ang tubig na nasa baso. Nagdududa tuloy ako kung tubig ba iyon o ano? Kailangan kong maging maingat lalo na sa mga tao este nilalang dito sa Annwn.
"Salamat nalang pero ayos na ako, medyo nahilo lang" tumayo na ako at muling naglakad.
Bakit ba kung sino sino ang lumalapit sakin?
Lumingon ako at nakasunod parin ang lalaking yun? Ano bang kailangan niya? Siguro pipilitin nya akong inumin yon tapos hihingi sya ng bayad.
Sinubukan kong makisiksik sa mga namimili para mawala ako sa paningin nya at hindi na masundan. Kunwari nagtanong tanong ako ng mga paninda. Pero infairness ha, nakakaamaze yung mga item dito.
May mga tela na hindi tinatablan ng apoy, tubig, gunting, espada o kahit anong klaseng sandata. Maganda daw yun para sa mga mandirigma ng Annwn. Meron din nung libro na kapag binuklat mo hindi mo na kailangang basahin dahil para syang audio. Meron namang ballpen na hindi mo na kailangan hawakan sabihin mo lang yung isusulat mo at sya na mismo ang magsusulat nun para sayo. Nakakamangha sana lang may pera ako para bumili nun kahit isa.
"May gusto ka bang bilhin? sabihin mo lang!" halos mapatalon ako sa gulat nung may lalaking nagsalita sa gilid ko. Paglingon ko ay sya nanaman. Si water boy.
"Excuse me? sinusundan mo ba ako?" mataray na tanong ko sakanya. Akala ko napagtaguan ko na sya.
"Excuse me din ha, nagkakataon lang na kung saan naroon ako ay naroon ka rin!. Coincidence" sinasabi nya yun habang nagtitingin sya ng mga kutsilyo.
Nanlaki ang mga mata ko! Ow Em mukhang hindi lang ako ang alien dito.
Hinila ko sya palayo sa mga tao. Kung san walang makakarinig samin."Oh my, Are you from ..." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay tumango na sya. Para akong nabunutan ng tinik. Sa wakas thank you po! may makakaintindi na sakin dito.
"Hahahaha so ibig sabihin natakot ka sa sakin kanina, kaya mo ko iniwasan.!" tawa sya ng tawa. Kasalanan ko bang maging maingat dito.
"Anyway, pano ka nakapunta dito?" tanong nya sakin.
"I really dont know. Isang gabi nagising nalang ako na nandito na ako kasama ang isang lalaki." at kung paano nangyari yun ay hindi ko rin alam.
"Well, same here. I dont have any idea kung paano o kung bakit ako napunta dito. Ang maalala ko lang ay merong apoy. Then the next thing i knew nandito na ako" woah.! parehong pareho kami.
"Wait, gaano kana katagal dito?" tanong ko sakanya.
"Exactly two years now.!" what? ganun na katagal?
"Hindi ka ba gumawa ng paraan? i mean humanap ka ba ng paraan para makaalis dito!" ayokong tumigil dito ng ganun katagal.
"Lahat ng paraan ginawa ko, pumunta ako sa Mt. Al-Petry kung saan sinasabing don daw bumubukas yung portal twing New Moon, kaya lang sad to say nalaman kong ang susunod na new moon pala ay Two Decades from now" nanlambot ako sa narinig ko. Twenty years. Hindi ko mahihintay yun.
Naupo ako sa may kalsada. Nawalan na talaga ako ng pag asa. Ang ibig sabihin hindi na ako makakaalis dito.
"Hey, cheer up Miss. Maganda naman ang Annwn. " naupo rin sya katabi ko.
"And totally creepy!" sagot ko naman sabay roll eyes.
"Hahahaha!" nabwisit ako sa tawa nya. Nang aasar ba sya? Kami na nga itong natrap sa lugar na to. Palibhasa siguro sanay na sanay na syang makakita ng Laestrigon dito at for sure sya ang unang naging target nung mga panget na zombie na yun.
"I'm Flax and you are?" he offer his hand.
"Emilia." inabot ko ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit sinabi ko ang tunay kong pangalan.
"Hey! dont be sad babe." naningkit ang mga mata ko sa sinabi nya. Bakit pa nya tinanong ang pangalan ko kung may endearment na sya sakin. "Dont stare at me as if you want to eat me.!" tapos tumawa ulit sya pagkasabi nya nun.
Lalo ko syang sinamaan ng tingin.
"Okay, okay Emilia. Happy?" nang aasar talaga sya. Tapos tatawa sya ng nakakaloko. Sasamain na talaga to sakin.
"Kapag hindi ka tumigil sa kakatawa mo isasaksak ko sa lalamunan mo to!" ipinakita ko sakanya ang kamao ko.
"woah! im scared!!!" ginaya ang boses ko.
"Nang aasar ka talaga! nakakainis ka eh.!" sabi ko sa inyo ako talaga ang dakilang pikon.
"Hahahaha ! Sorry, sorry! natutuwa lang talaga ako dahil dalawa na tayong mortal sa mundong to.!" sabagay may point naman sya. siguro sa loob ng two years ngayon lng sya nakakilala ng isang normal at mortal na tulad namin.
"i'm sure may ibang paraan pa para makaalis dito. Nagawa nya akong dalhin dito ng ganun kadali kaya alam kong kaya nya akong ibalik ng ganon din kadali!" pilit ko talagang pinalalakas ang loob ko na may way pa para makaalis dito.
"Sino ba yung tinutukoy mo na nagdala sayo dito.!"
Napatingin ako sa kanya. Dapat ko bang sabihin? Sa pagkakaalala ko sundalo daw ng Hari si Seo at madalas nyang sabihin na kailangan kong maging ligtas hanggang sa makarating kami sa palasyo. So i guess mas mabuti naring wala syang alam.
"I think i should go. Baka hinahanap na nila ako" Iniba ko ang usapan. Tumayo na ako at pinagpag ang laylayan ng damit ko.
"San ka ba nakatira dito?" ayan nanaman nagtatanong nanaman sya.
"Hindi ko pa kabisado ang mga lugar dito, kaya hindi ko masabi kung saan yun. Pero dyan lang, malapit lang so don't bother, kaya kong umuwi."
Hindi ko ma sya pinagsalita, umalis na agad ako. Hayyy diba dapat mas lalo ko syang pagkatiwalaan kasi isa syang totoong tao pero bakit bigla akong nagduda sakanya.? Lumingon ako sa kanya pero wala na sya doon.
BINABASA MO ANG
Annwn Tale
RandomUpang mapanatili ang balanse ng Annwn, isang mortal ang sapilitang kinuha at dinala sa mundong hindi pa nya nakikita "Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" "Makinig ka sakin Mortal, kinakailangan mong maging ligtas hanggang sa makarating tayo sa palasyo...