CHAPTER 25

20 0 0
                                    

EMILIA's P.O.V.

Nakaupo ako ngayon sa isang magandang upuan sa loob ng isang napakagandang kwarto. Grabe, ilang libong beses ang ganda nito sa Mansion namin. Kung hindi ko alam na nasa Annwn ako, iisipin kong nasa France ako or somewhere in London. Napaka elegante. Tumayo ako at nilibot ang buong kwarto. Lahat ay nasa ayos. Sa gitna ng kwarto ay yung pagkaha habang table na yari sa kahoy, kung titingnan ito, parang gawa sya sa Narra. Kung bibilangin siguro ang mga upuan tiglima sa magkabilang side at tig isa sa magkabilang dulo. Bumagay din sa kwarto yung pulang kurtina na may touch ng gold. At hindi ako pwedeng magkamali, pag aari ito ng isang babae. Dahil sa dami ng bulaklak na nakadisplay. Napangiti akong isipin na kwarto ito ng isang prinsesa o ng reyna ng Firias. NAkakaexcite silang makita.

May malaking Bookshelves sa isang gilid at punong puno iyon ng mga books. Sa harap nito ang isang table na may dalawang upuan na kakaiba ang nakaukit sa head rest.

"Narito na ang Mahal na Reyna." Halos mapatalon palabas ang puso ko ng magsalita buhat sa pinto ang isang lalaki. Agad akong bumalik sa inuupuan ko kanina.

Ang ganda nya. Daig pa nya ang isang beauty queen. Kasunod syang pumasok ng mga Sorajinn. Ngumiti sya sakin. Hindi ko mapigilan ang humanga sakanya kahit pareho kaming babae. Tingin ko nga mas matanda pa ako sakanya, ang bata pa nya para maging reyna.

"Maupo ka." Kahit ang boses nya, napakalumanay. Naupo ako habang titig na titig sa kanya.

"May dumi ba sa mukha ko?" ang cute nya magreact. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi nya. Napangiti nalang ako.

"Wala po Kamahalan."

"Hindi ko alam ang sasabihin ko ngayong kaharap na kita Mahal na Firias." Nagblush ako sa sobrang paggalang nya. Its too much for me para tawaging Mahal na Firias ng isang tunay na Reyna.

"Kamahalan, pwede po bang tawagin nyo nalang ako sa pangalan ko? Emilia nalang po." Nakakahiya talaga. Ang taas ng posisyon nya tapos tatawagin nya ako ng ganon? All my life ngayon lang ako nakakita ng isang tunay na Reyna. Kailan ba ako magigising sa panaginip na to? Hindi ko na kinakaya. Mababaliw na talaga ako.

Narinig ko syang mahinang tumawa. Narealized kong sinasabunutan ko na pala ang sarili ko. Agad kong inayos ang buhok ko at ang sarili ko. Nakakahiya ang ginawa ko. Nakatingin arin sya sakin, nagulat siguro sya sa ginawa ko.

"Hehehe, Wag nyo po akong pansinin, krung krung lang po talaga ko minsan." Saka ako nag peace sign sakanya. Di ko alam kung paano magpacute para makabawi sa kahihiyang ginawa ko sa harap nya. Pero lalo nya akong tinawanan. Ano nalang ang magiging first impression nya sakin?

"Hindi ko inaasahan na ganito ang una nating pagkikita.." nagsasalita sya sa pagitan ng mahinhing tawa. Ang taas siguro ng expectation nya sakin, lalo na siguro ang HAri. Juice colored!

Pilit nalang akong ngumiti bilang sagot.

"Narinig kong tinakasan mo raw ang mga Sorajinn.." Napanganga ako sa sinabi nya.

"Ahm, kasi po.." haisstt paano ko ba ipapaliwanag sakanya?

"Hindi mo ba nagustuhan ang kwartong ipinahanda ko sayo? Hindi ka ba kumportable dito sa tahanan ko? Sabihin mo lang Mahal na Firias, anong kailangan kong gawin para manatili ka dito?" nagmamakaawa ang boses nya. Napakahinahon at hindi mo kayang tanggihan ang bawat pabor na pwede nyang hingin sayo. Pero heto sya nagmamakaawa sa harap ko.

"Kamahalan, maniwala kayong gustong gusto ko ang kwartong ibinigay nyo sakin, kung tutuusin nga po sobra sobra pa yun sa inaakala ko, pero..."

"Pero..?"

"Kasi po, isang bagay lang ang hinihiling ko." Ngayong tinatanong nya kung ano ang kailangan ko, sasamantalahin ko na ang pagkakataon na ito.

"Sabihin mo, sa ngalan ng Firias ay ibibigay ko sayo, manatili ka lamang dito.." tiningnan ko ang reyna, sabik na sabik ang boses nya.

"Kasi po,.." napatingin ko sa mga sorajinn na nagbabantay malapit samin. Yung iba nasa may pinto halatang hinihintay rin nila ng sasabihin ko.

Ngumiti ang reyna at mukhang nagets nya ang ibig kong sabihin. Sa isang kumpas ng kanyang kamay, agad lumapit ang isang kawal.

"Iwan nyo muna kami.." saka sya ngumiti sakin.

Pagkalabas ng mga kawal ay agad akong lumapit sakanya at lumuhod, nagulat sya sa ginawa ko.

"Kamahalan, promise, ito na ang una at huling pabor na hihingin ko sainyo, payagan nyo na po akong makita ang lalaking puno't dulo ng lahat ng 'to. Mababaliw na ako sa kakaisip kung anong nangyari sakanya." Napahiya na ako sakanya kanina, lulubusin ko na to.

"Pakiusap, huminahon ka. Hindi kita maintindihan.." kahit kunot ang noo nya, maganda parin sya tingnan. Sana ganon din ako sa paningin nya ngayon.

Tinulungan nya akong tumayo at pinaupo sa katabi nyang upuan.

"Dinala nya ako sa lugar na'to ng sapilitan. Hindi ko alam kung bakit nya yun ginawa o kung anong kailangan nya sakin. Basta ang alam ko lang nangako sya sakin na ihahatid nya ako sa palasyo ng ligtas. Pero para matupad yung pangako na yun handa nyang itaya ang sarili nyang buhay. Hindi ko sya maintindihan at madalas gumagawa sya ng mga bagay na sa tingin ko ay hindi pinag iisipan. Kahit madalas syang masungit sakin hindi nya kinakalimutan ang tungkulin nya na protektahan ako. Pero Kamahalan, hindi ko alam kung nasaan sya ngayon o kung.."

Naramdaman ko ang kamay nya sa pisngi ko. Pinunasan nya ang luha na isa isa nanamang bumabagsak.

"Totoo pala ang naririnig kong iniiyakan ng Firias ang pinuno ng mga Wistman at Sorajinn.." Napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya sakin. Ngiting makahulugan.

"Iyon lamang ba ang kahilingan mo Mahal na Firias?" nakangiti parin sya. Kung ganon, papayagan nya na akong pumunta sa doktora na si Selpium?

Inilabas nya mula sa magara at kakaiba nyang gown yung isang maliit na Bell na yari sa ginto. Pumasok agad si Lady Morrin nung pinatunog iyon ng reyna. As usual, yumuko muna sya bago tuluyang pumasok kasunod ang ilang maid na may dalang kahon.

"Tanggapin mo ang munti kong regalo sayo, sana'y magustuhan mo. Nais ko sanang gamitin mo iyan bukas ng umaga sa pagharap mo sa Kamahalan. Maligayang pagbabalik sa Annwn at sa palasyo ng Firias.." tumayo ang reyna kaya tumayo rin ako. Nagulat ako nung yumuko sya sa harap ko kaya yumuko rin lahat ng naririto.

"Kamahalan hindi nyo kailangang gawin yan.." juicecolored hihimatayin yata ako nito. Para akong lulubog sa kinatatayuan ko.

"Kung ito lamang ang paraan para hindi na muling mawala ang Firias gagawin ko ito ng paulit ulit." Anong gagawin ko? Mukhang hindi na nga yata ako makakaalis dito.

*********************

Nagising ako sa kalaliman ng gabi. Naupo ako sa kama. Madilim ang boung kwarto, tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob. Hinihintay ko rin na sana magising na ako sa bangungot na ito. Gaano na nga ba ako katagal sa lugar nato? Namimiss ko narin si Daddy. Hinahanap nya kaya ako ngayon? Sigurado naman yun. Ako ang kanyang prinsesa at siguradong hindi titigil ang aking Amang Hari na hanapin ako.

"Kung ito lamang ang paraan para hindi na muling mawala ang Firias gagawin ko ito ng paulit ulit."

Ang mga sinabing iyon ng Reyna, nakakaguilty kung pipiliin ko paring umalis. Pero hindi naman talaga ako para dito. Sana nagkamali lang sila sakin. Sana hindi ako ang Firias na sinasabi nila. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng makita ang pamilya ko. Pero gusto ko na ring makita yung nilalang na yun na laging high blood sakin. Nung una gusto ko syang takasan pero ngayon, hinahanap ko na sya. Nakakapanibago. Hindi ako ito. Kasabay ng pagbabago ng mundong ginagalawan ko, tila may nagbago rin sakin.

Tumayo ako at lumapit sa bintana. Good thing, hindi ito nakalock. Bumalot sa katawan ako ang malamig na hangin. Nakakagaan ng pakiramdam. Niyakap ko ang sarili ko at dumikit sa malamig na bakal na beranda. Ang daming ilaw sa labas at ang daming kawal sa baba na sa tingin ko ay duty ngayong gabi. Nakikita ko rin ang ilang mga Wistman, nakikilala ko sila sa mga suot nila. Ang sabi ng reyna, bahay daw nya ito, kung ganon may bukod na bahay rin ang Mahal na Hari? Pero isa itong palasyo diba?

=

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon