EMILIA's POV
"Kakailanganin mo 'to." Iniabot skin ni Ate yung malaki at mahabang espada. Mukha syang samurai pero mukhang di ko sya magagamit dahil ang bigat nya.
"Marunong ka bang lumaban?" Hindi pa man ako nakaksagot ng "hindi" ay pwersahang bumukas yung pinto ng bahay at pumasok ang tatlong mga lalaki.
"Sino kayo? Anong kailangan nyo?" Alam kong takot sya at nagtatapang tapangan lang.
Pero itong tatlong trespassing na ito ay tuloy tuloy lang sa pagpasok. Nakatitig sila sakin. Ni hindi nga sila kumukurap. Dahan dahan akong napapaatras hanggang sa tumama na ang binti ko sa hinihigaan ni Seo. Kahit di ko alam gamitin ang espadang ito, itinutok ko yon sakanila.
"Hindi kayo pwedeng basta basta nalang pumasok dito..!" Sigaw ni Ate habang iwinasiwas niya sakanila yung isang samurai na dala nya. Kahit sakin nakatingin yung lalaki na inatake nya nagawa parin nitong iwasan ang espada. Lalo tuloy akong napahigpit ng kapit sa espada na hawak ko.
"Firias..!" sagot nung lalaki.
Napatingin naman sakin si Ate, at mukha syang nagulat.
"Ikaw ang nawawalang Firias?" Hindi ko rin alam. Naguguluhan ako.
Nakita kong humakbang silang tatlo papapalapit pa sakin pero humarang si Ate.
"Ngayon mas lalo ko syang dapat protektahan.!" Pagkasabi nya nun, narinig ko syang bumulong tulad ng ginagawa ni Seo. Itinaas nya ang kamay at lumiwanag ang paligid at nabalot kaming apat ng isang barrier bilang proteksyon. Tumutunog yon na parang tunog ng kuryenteng dumadaloy.
Napaatras ng bahagya yung tatlo.
"Rehan, itaboy mo sila..!" utos ni Ate sa kanyang anak. Ibig sabihin may kapangyarihan rin ang batang to.
"Opo.!"
Pumikit sya at maya maya ay nayanig ang lupa. At unti unting lumalakas ang hangin dito sa loob ng bahay. Napatingala ako at nakita ko ang pamumuo ng isang black hole. Mukha syang nababalot ng kuryente at kidlat. Nakakatakot at nakakapangilabot.
Unti unit itong lumalaki at lumalakas. May mga kidlat na nangagaling sa black hole ang tumatama sa sahig nitong bahay.
"Wag kang matakot. Nasa loob tayo ng Cloakshadow." Napansin siguro ni Ate ang panginginig ko. Cloakshadow? Yun siguro ang tawag sa barrier na ginawa nya.
Sa sobrang lakas ng hangin lahat ng kasangkapan nila ay hinigop nito papasok sa hole. At yung tatlong lalaki naman ay nakikita kong medyo nadadala din. Sana higupin na sila nun at dalhin sa outer space.
Isa sa kanila ang biglang tumalon palapit samin. At nagpalabas sya ng kung anong itim na usok mula sa kamay nya habang bumubulong. Bigla namang napaluhod yung bata at nagsuka ng dugo.
"Rehan..!" agad ko syang nilapitan.
"Pinipilit nyang baligtarin ang simbolo ng kapangyarihan ko. Hindi ko makayang kontrolin pa ito."
At maya maya pa nga ay paliit na ng paliit ang black hole hanggang sa tuluyang maglaho.
"Firias..!!"
Mukha silang mga zombie kapag nagsasalita. Pero maayos naman ang itsura nila. Sa tingin ko parang may kumukontrol sa kanila at wala sa sarili nilang pag iisip.
Nagawa nilang makalapit sa barrier pero hindi sila makapasok dahil tumatalsik sila oras na dumikit sila dito. Paulit ulit lang ang ginagawa nila. Tatayo sila at lalapit sa barrier pero tatalsik sila palayo, tapos tatayo ulit at lalapit at ganon nanaman. Kaya siguradong hindi nila alam ang ginagawa nila at sigurado na akong may kumokontrol nga sa kanila.
BINABASA MO ANG
Annwn Tale
RandomUpang mapanatili ang balanse ng Annwn, isang mortal ang sapilitang kinuha at dinala sa mundong hindi pa nya nakikita "Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" "Makinig ka sakin Mortal, kinakailangan mong maging ligtas hanggang sa makarating tayo sa palasyo...