CHAPTER 4

21 0 0
                                    

EMILIA'S POV

Kruk kruk kruk!

Tyan ko yun. Nagrereklamo na nga sya. Kasalanan nya to kaya ako nagugutom ngayon. Kung hindi nya ako dinala dito malamang kaharap ko ngayom ang masasarap na pagkain at hinahainan ng mga maid sa bahay.

Haissttt naalala ko nanaman si Nathalia. Sana nakaligtas sya sa sunog.

Hinahanap na kaya nila ako? Siguradong naghired na si daddy ng private investigator para makita ako.

Sandali, lumalabo yata ang mata ko. Parang makapal na usok na bumabalot sa paligid. Mas creepy sa.lugar na to. Pakiramdam ko maraming nakatingin sakin.

"Ang lugar na to ang parte ng gubat na may lason. Ang usok na ito ay nakakaparalisa sa sinomang makakalanghap nito." biglang nagsalita yung lamang lupa sa likod ko.

Teka, nakakaparalize? Oh my .. nalanghap ko ang usok kanina. Mapaparalize na ba ako?

Tiningnan ko ang mga kamay ko, naigagalaw ko pa sya. Closed Open. Closed Open.

"Wag ka mag alala, ininom mo naman yung katas ng bulaklak kanina kaya walang epekto ang lason na to" aba at talagang enemphasize nya pa yung "katas ng bulaklak" na may laway pla .. ewwww talaga. Nagsisimula na talaga syang mang-asar sakin. Oh well panalo sya dahil dakilang pikon ako kahit tanong nyo pa kay Nathalia.

Nauna na syang lumakad. Medyo makapal na talaga ang fog. Mas madilim pa ang paligid. Parang gabing gabi na. Kung ano ano pa ang naririnig kong kaluskos.

Napapalingon ako tuwing may gumagalaw. Oh my gudness.! Sana mareach na namin ang dulo ng gubat na to. Wala bang shortcut? Ang tagal tagal..
Halos wala na akong makita. Padilim ng padilim. Yung suot ni Seo color black pa kaya hindi ko sya inaalisan ng tingin. Mahirap na baka mawala.sya sa harap ko.

Pakiramdam ko may matang nakasunod sakin. Bawat imahe na nakikita ko sa dilim parang gumagalaw. Napaka creepy dito. Hangin palang nakakamatay na. Kahit papano nagpapasalamat pa ako sa liquid na yon dahil buhay pa ako.

"Humawak ka sa kamay ko" ha? nagsalita ulit yung lamang lupa.

"Humawak ka sa kamay ko" eh?

"Kailangan ba talaga pinipilit ka sa lahat ng bagay?!" sya na nga itong nagrerequest ng holding hand sya pa yung nagagalit?

FYI ako si EMILIA MILLIONETTE MONTEZ at walang sinomang lalaki ang pwedeng humawak sa mga kamay ko ng walang permiso.!

"TEKA ..!! Anong ginagawa mo???!!" boses ko na ngayon ang maririnig saan mang sulok ng gubat na to. Bigla ba namang hinawakan ang kamay ko ng sobrang higpit. Tapos kinaladkad na ako.

"Hindi ba sinabi ko sayong humawak ka sa kamay ko? at wag na wag kang gagawa ng ingay sa lugar na to naiintidihan mo?" siguro pula nanaman ang mata nya. Madilim kasi kaya di ko makita. Opo.Behave na po ako.

Hindi na ako nagreklamo pa. Hindi na ako nagtanong. Ayokong malaman na may monster na nanamang lalabas dito.

Wala nang umimik samin. Hawak nya ang kamay ko pero hindi na mahigpit tulad kanina. Hindi nya narin ako kinakaladkad. Hmmmm malambot ang palad nya.

Nagulat ako nung bigla syang mapaluhod sa lupa. Hawak parin nya ang kamay ko. Kaya napasubsob ako sa kanya.

"T-teka Seo, ayos ka lang ba?" anong nangyayari sakanya. Naririnig kong parang pigil na pigil ang ungol mula sakanya.

Hindi sya nagsalita. Pinailaw ko ang cellphone ko at itinapat sakanya. Shit! nagdudugo ang ilong nya. Bakit?

"Seo, anong nangyayari sayo? nagdurugo ang ilong mo." nakaramdam ako ng takot baka epekto ito ng lason. Pero diba uminom din sya?

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon