CHAPTER 5

20 0 0
                                    

SEO's POV

"Umalis ka na Emilia, wag mo ko piliting magalit sayo.!"

Alam kong delikado ang pagtawid nya dito sa tulay ng mag isa lalo na at nararamdaman ko ang isang Laestrigon na kanina pa nakasunod samin buhat sa ilalim ng tulay na to.

Tumakbo na sya palayo. At ngayon, siya naman ang haharapin ko.

Nararamdaman ko ang itim na presensya nya. Ang pinakamahigpit kong katunggali noon sa Paligsahan sa Palasyo, si Flax, na mula sa angkan ng Gorias. Ang angkan na gumagamit ng itim na mahika. Likas sa kanila ang itim na pwersa. Ginagamit lang nila ito sa hindi patas na pamamaraan.

At ang isang ito ay marumi kung lumaban.

"Magaling Seo Rune.! binabati kita sa tagumpay na pagdadala mo sa mortal na yon. Pero hindi mo pa sya pwedeng iharap sa Hari ng Firias. Masyado pang maaga. Hayaan mo muna akong makipaglaro sa kanya." isang ngiti mula sa lalaking kaharap ko ang lalong nag painit sa ulo ko.

"Oh.. wag ka masyadong magalit Seo Rune, marunong naman akong makipaglaro ng patas. Hindi katulad mo.!" hanggang ngayon hindi pa rin sya nagbabago. Iniisip nya parin na dinaya ko sya noon kaya ako nakapasa sa Pagsuaulit sa palasyo para maging Wistman.

"Paanong ang katulad mong may maitim na hangarin ay nakatawid sa Gubat ng Nympsa.?" siguradong may ginawa syang hindi maganda sa mga Nymps.

"Ah.. yun ba?" gusto ko talaga syang putulan ng hininga kapag ngumingiti sya ng nakakaloko. "Ginamit ko lang talaga ng utak ko Seo Rune. Malawak ang himpapawid at napakaamo ng isang Laestrigon." sinasabi ko nga ba at gagamitin nya ang halimaw na yun sa para makapasok ng labag sa Teritoryo ng Nympsa.

"Siguro sa mga oras na to, hawak na sya ng alaga kong Laestrigon" Ano?

Pagkasabi nya non, tinalikuran ko na sya. Nasa panganib si Emilia. Bakit hindi ko naisip na isa lang tong patibong.

"Oppps! hindi tapos ang kamustahan natin Seo. Saan ka pupunta?" humarang sya sa harap ko. Kahit kailan sagabal talaga sya.

Nagpakawala ako ng apoy sa palad ko at ibinato yun sa kanya. Agad naman syang tumalon para umiwas. Alam kong gagawin nya yun kaya naman nakahanap ako ng pagkakataong umalis.

"Wala ka nang magawa Seo.. hahaha!" gustong gusto ko syang sugurin sa pagkakataong yon pero lalo akong mawawalan ng oras kapag inuna ko ang kayabangan nya. Kailangan kong iligtas si Emilia.

Narating ko ang dulo ng tulay. At sakto pag apak ko sa lupa tuluyan na itong gumuho. Lagpas nang hatinggabi.

"EMILIA..! EMILIA...? Nasaan ka..?!!"
Hindi ko maramdaman ang presensya nya bilang mortal. Hindi kaya..??

"Seo..!" tumakbo sya palapit sakin.

"Mabuti at ligtas ka! Akala ko napahamak kana.Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayo dahil sa kapabayaan ko.!" hindi ko napigil ang sarili ko na yakapin sya ng mahigpit at ikulong sa mga bisig ko para hindi na sya mawala.

"Natatakot ako Seo. Nakakatakot dito. Umalis na tayo.!"

Tama sya. Kailangan na naming makaalis dito.

"Sandali, May nakita ka bang Laestrigon? anong ginawa nya sayo?" Mabuti nalang at nakaligtas sya.

"Wa-wala akong nakitang Laestrigon dito. May nararamdaman ka ba? Halika na! Umalis na tayo!" hinila na nya ang braso ko nagmamadaling umalis.

Nauna syang lumakad sakin. Nakakapagtaka parang alam na nya ang daan. Bigla syang huminto at humarap sakin.

"Seo, kapag nasa palasyo na tayo ng Firias, pwede ba kitang hilingin sa hari na maging tagabantay ko?" anong sinasabi nya.?

"Naisip ko kasi na ... ligtas ako kapag nasa tabi kita." lumapit sya sakin. Idinikt nya ang mukha nya sa dibdib ko. Niyakap nya ako. Iniangat nya ang mukha nya.
Unti unti kong nararamdaman ang kamay nya sa buhok ko. Sa magkabilang gilid ng mukba ko. Inilapit nya unti unti ang mukha nya. Parang gusto nya akong ..

"Sandali..!" umiwas na ako. Hindi tama to!

"anong problema?" ang lambing ng boses nya. kumapit sya sa braso ko. "Pasensya na, nakalimutan kong tapat ka sa Mahal na Hari at isa kang Wistman, hindi mo sila pwedeng pabayaan at iwan dahil sakin." Pagkatapos ay nauna na ulit syang maglakad.

Nakakapagtaka ang bawat salita nya.

"Emilia, gusto ko sana makita ulit yung bagay na nasa bulsa mo." kailangan kong makasigurado. Nagdududa ako sa babaeng kaharap ko ngayon.

"ha?" napahinto sya sa paglakad.

"Ano nga ulit ang tawag dun?" isang maling sagot.

"A-alin? ito ba?" kinuha nya sa bulsa yung bagay na umiilaw mula sa mundo ng mga mortal

"Ano ka ba Seo, bakit kailangan mo pang malaman?" tumawa sya at nauna na maglakad.

"Sino ka!" hindi nga sya si Emilia.

"Ako si Emilia. Kung ano ano ang tinatanong mo"

"Sagutin mo ang tanong ko.! Sino ka?!"

"Hahaha, gaano na ba kayo katagal na magkakilala ng mortal na yon? sandali parang kilala ko na kung sino ba talaga sya.

Ngayon sigurado akong si Suri nga sya.

"Hahaha hindi pala ako magaling umarte. Nabisto mo agad ako?" Nag-iba ang boses nya. Sinasabi ko na nga ba.

Nag iba ang kanyang itsura. Si Suri nga sya. Isang malapit na kaibigan mula sa pagkabata. May kakayahan syang gayahin ang pisikal na anyo ng sinomang nilalang dito sa Annwn kapag nakakuha sya ng kahit anong pagmamay ari ng gusto nyang gayahin. Malamang ang bagay na yun galing sa mundo ng mga mortal ang kinuha nya.

"Anong ginagawa mo dito, nasaan ang mortal.?" naupo ako sa may batuhan sa gilid ng nasirang tulay.

"Nakakatawa ka Seo, pamortal mortal ka pa ngayon samantalang kanina halos magwala ka na Emilia ! Emilia Nasaan ka!!" ginaya pa nya ang boses ko. Hindi naman ganon ang reaksyon ko kanina.

"Wag kang mag alala. Ligtas ang mortal na yun sa mga kasama natin. Alam mo bang ilang araw na akong nag aabang sa tulay nato kung kelan ka babalik?" ginawa pala nya talaga ang sinabi nya sakin bago ako pumunta sa mundo ng mga mortal.

"Nakita namin syang halos patayin na ng Laestrigon. Mabuti nalang at kasama namin si Papa, kung hindi naku Seo malaking problema yun kung nagkataon. Hindi mo nabantayan ang Mortal at hindi mo sya madadala sa palasyo.!" nanakot pa talaga. Pero salamat parin at may mabuti palang ibinubunga ang pagiging pasaway nila.

Tama sya. Malaking problema yun pag nagkataon. Parang nagiging iresponsable na yata ako.

"Tara na Seo.!" lumakad na kami at tinunton ang daan papasok sa Palm City.

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon