CHAPTER 9

20 0 0
                                    

EMILIA's POV

Kanina pa ako palakad lakad dito pero mukhang naliligaw na yata ako. Hindi ko matandaan kung saan ako galing kanina. Problema to, mag gagabi na at siguradong hinahanap na nila ako.

Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang malamig na hangin. Nandito parin ako sa may Market. Marami namang namimili kaya hindi naman ako masyadong natatakot. Ang inaalala ko lang ay baka nag aalala na sila sakin.

Gustong gusto kong magtanong ng direksyon sa mga nakakasalubong ko, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.

Nagulat ako nung biglang may tumalon na lalaking nakaitim na nakamask ng itim ang half ng mukha nya. Muntik na kaming magbanggaan. Nagtama ang mga mata namin. Bakit pamilyar ang mga tinggin nya.

B L A C K R O S E !!!!!

Naagaw ang pansin ko nung lalaking sumigaw. Black Rose?

Pagbalik ko ng tingin dun sa lalaking nasa harap ko, Wala na sya. Napatingin ako sa taas. Andun sya sa may bubong at may lima syang kasama. Isa isa silang nagtalunan sa mga bubong ng mga bahay at tindahan na nandito. Hanggang sa tuluyan na silang nawala.

"Bilisan nyo, tabi tabi! umalis kayo sa daan.!" Kung hindi ako nahawi nung isang babae ay baka naapakan na ako nung kabayo ay teka hindi sya kabayo eh.
Ang bilis ng pangyayari. Marami silang humahabol ngayon dun sa mga lalaking nakaitim. Lahat sila nakasakay sa kabayo na hindi nga kabayo. Basta mukhang kabayo pero iba lang kasi ang kulay at mas mahaba ang buntot.

"May ninakawan nanaman ang Black Rose"

"Para kanino naman kaya yun?"

"Naku malamang abot abot na ang galit nito ni Don Rafael. Hahaha!"

"Dapat lang yun sakanya. Balita ko kasi hindi daw yun nagpapasweldo sa mga tao sa minahan"

"Talaga? sobra na talaga yang mga mayayaman na yan. Lalo na yang Big 4"

"Tsk tsk tsk!"

Sa lahat ng tsismis na nasagap ko dito ay wala akong ideya kung sino at ano bang sinasabi nila.

"Oh ikaw naman bata! sa susunod wag kang paharang harang sa daan. Tingnan mo muntik ka nang masipa ng Oerth (ort)!" ako ba ang kausap nya? Ako nga siguro sakin sya nakatingin eh.

"Ahm, ano pa ba yun?" nakatingin ako sa direksyon na pinuntahan nung mga lalaking nakasakay dun sa kabayo este mukhang kabayo.

"Hindi mo ba sila kilala? Sila ang mga tauhan ni Don Rafael. Malamang siya ang ninakawan ng Black Rose kaya ayun tingnan mo hinahabol nila ang black rose!" sagot naman ni Ate na humila sakin kanina.

"Black Rose po?"

"Aba sa lahat yata ng narito ay ikaw lang ang hindi nakakakilala sa Black Rose?" Nagtataka si Ate. Malay ko ba kung sino sila.

"Ang black Rose ay yung mga lalaking nakaitim kanina, yung hinahabol ngayon ng mga tauhan ni Don Rafael. Pito silang myembro pero madalas anim o lima lang silang nagnanakaw. Oo, Magnanakaw sila pero alam mo bang ang mga ninanakaw nila ay pinamimigay nila sa mga mahihirap na tulad namin? O kung hindi man saamin ay dun sa mas mangangailangan!" Robin Hood lang ang peg ah.

"Pero masama parin po ang magnakaw diba?" kahit ano pa ang dahilan ng ginagawa nila, still nagnanakaw parin sila.
Napasmirk si ate sa sinabi ko at umiiling iling na umalis.

Problema nya? eh totoo namang masama ang pagnanakaw diba? Pagkuha ng gamit ng hindi sayo ay isang kasalanan. Tsk Dapat lang sakanila na mahuli.

Galit ako sa mga magnanakaw kasi nang dahil sakanila muntik nang mawala ang Daddy ko.

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon