CHAPTER 3

27 0 0
                                    

EMILIA's POV

Sabi ko na nga ba at panaginip lang to. Pero bakit parang totoo. Ramdam na ramdam ko pa sa leeg ko ang sakit ng pagkakasakal nya sakin. Buo buo din ang pawis sa noo ko. At pakiramdam ko ang sakit ng paa ko.

Kama nga ito, pero hindi ko ito kwarto.

Inalis ko kumot at literal na nanlaki ang mata ko. Ang sugat ko sa tuhod, paa at ang paso sa braso ko ang nagsasabing totoong nangyari ang lahat at hindi ito panaginip lang.

"Oh my..! No..! No..!" ayoko na gusto ko na umuwi. Ayoko na sa impyernong ito.

Daddy!! Daddy.!!

Bumaba ako sa kama. At tinungo ang pinto. Kahit paika ika ang lakad ko ay pinilit kong maglakad. Ayoko na dito..
Shit..! nakalock pa ata ang pinto. Ayaw bumukas ng Door Knob na yari lang sa kahoy.

"Buksan nyo to.! Palabasin nyo ako dito.! Mga halimaw kayo, demon! monster!!!" kinalampag ko ang pinto.

Kahit sobrang pagod at sakit ang nararamdaman ko pinipilit kong kalampagin ang pintong yari lang naman sa kahoy at mukhang sira na. Pero bakit parang ang tibay tibay parin nya.

Ang gulo gulo ng isip ko ngayon. Paano ba ako napunta sa lugar nato. Hindi ko na alam kung ano panaginip at realidad.

"Tumahimik ka kung ayaw mong kainin kita!" nagulat ako ng may magsalita sa labas. At lalong nagulat ako nung bumukas ang pinto. At pumasok sya. Siya! Yung lalaking nakaitim na kulay pula ang mata na nagdala sakin sa lugar na to.

Napaatras ulit ako. Sa kanya na mismo nanggaling, killer sya. Kakainin nya ako kung gagawa ako ng eksena dito. Napaupo ulit ako sa kama.

Tumingin ako sa kanya dahan dahan.

"Sino ka ba? Anong kailangan mo sakin?" malumanay na tanong ko sakanya. Hindi ako pwedeng magmaldita sakanya dahil baka gawin nya rin akong abo.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. At isa lang ang kailangan ko sayo Mortal"! Walang emosyon. Napakalamig ng boses nya. Kasing lamig ng hangin dito. Ang mata nya hindi na pula. Kulay itim na ito tulad ng damit nya na parang coat na sa haba. Gwapo siguro sya kung aalisin nya ang hood na nasa ulo nya.. At napansin ko ring nakagwantes sya ng itim din. Sa itsura nya ngayon hindi sya nakakatakot.

"Kung ganon, tama ang hinala ko na ikaw ang nagdala sakin sa creepy na lugar na to! Iuwi mo na ako. Ayoko na dito. Mga ... mga .. halimaw kayo..! Hindi ka normal.! Yung panget na dragon kanina? Ano yun ha? Hindi ko maintindihan? Sino ka ba talaga.? Paano mo ko nadala dito? Anong lugar ba to?" Parang gusto ko magwala.! Ito na ang pagkakataon para malinawan ako.

"Kailangan kong gawin yun dahil kailangan ka nila!" Nila? ibig sabihin marami pa sila?

"Anong ibig mong sabihin?" anong kailangan nila sakin? Pera ba? Kidnap for Ransom?

"Annwn ang tawag sa mundong ito na Iba sa mundong kinalakihan mo. Lahat ng nilalang na nabubihay dito ay may kapangyarihan. Mula sa lupa na inaapakan mo hanggang sa hangin na nalalanghap mo ay maaring mabuti at masama para sa mortal na gaya mo. Laestrigon ang tawag sa nilalang na sumugod sayo kanina. Ang nilalang na tulad nya ay galit sa mga mortal. Hindi nila ito titigilan hanggat hindi nila napapatay!" Yung mukhang zombie na dragon ba ang tinutukoy nya? Kaya pala hanggang panaginip ay sinusundan nya ako at gustong patayin. Ang hindi ko lang maintindihan bakit sya nagagalit na bumalik pa daw ako dito?

"At isa pa, wag na wag mong titingnan ang isang Meropis. Kapag nakita ka nyang nakatingin sakanya kukunin nya ang ulo mo.!" Meropis? Yung ahas na may eleven heads? Kung ganon sya rin ang nagligtas sakin sa ahas na yon.

Annwn TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon