Chapter 07

671 8 0
                                    

Brianna's POV

"Who throw this here?!"Sigaw niya habang nakatingin sa T-shirt niya na naglanding sa sahig.

"Me."Walang pakealam na sagot ko.

Napatingin siya sakin ng masama pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Alam mo bang wala akong gagamiting T-shirt?!"Galit na sigaw niya sakin sa harap ko.

"That's not my problem anymore."I rolled my eyes. Kasalanan ko bang wala na siyang extra shirt?

"And what the hell are you doing here?! Are you aware that girls are not allowed here? Now. OUT!"Tinuro niya yung pintuan pero hindi ako gumalaw.

Tumingin naman ako kay kambal.

"Is that true?"Takang tanong ko. Napakamot naman siya sa batok at napatango.

"Tsk. Fine!"Padabog akong tumayo at tinignan ng masama yung lalakeng nasa harap ko at inirapan siya.

"Wait! Larenz. Please dito muna siya."Pagpipigil ni Bryan sa kanya.

"No!"Pagmamatigas niya.

"Sige na! Gagamutin ko lang yung kalmot niya sa braso. At tsaka bawal siya sa labas baka mamaya saktan nanaman siya." --___-- Ang drama. As if hindi ko kaya sarili ko!

"No need. I can handle myself."Seryosong sabi ko sa kanya na walang bahid na emosyon.

Bakit ko pa ipagpipilitin ang sarili ko dito kung sila na mismo nagsabi na bawal ang babae dito sa place nila. Hindi ko ugaling ipagsiksikan ang sarili ko kung sila na mismo ang pinagtutulakan akong umalis.

Lumakad na ako papuntang pinto at isasara na sana yun ng may nagsalita.

"Tsk. Fine. She can stay here."Boses ata yun ng Larenz na yun at bigla nalang umalis. Bigla naman akong hinila ni kambal pabalik sa sofa.

"Tsk. My poor twin sister."Naiiling na sabi niya habang tinitignan yung mga kalmot ko.

"Dito ka lang. Kukunin ko yung first aid kit."Sabi niya at biglang umalis.

Bigla namang may tumabi sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Magkambal ba talaga kayo ni Bryan?"Takang tanong niya. Kung hindi ako nagkakamali siya yung Kian. I rolled my eyes tsaka sumandal sa sofa.

"Bakit may problema ka ba dun?"Maldita kong tanong sa kanya. Napakamot nalang siya da batok.

"Nagtatanong lang eh. Sungit."Napatingin ako sa kanya ng masama at dali-dali naman siyang tumabi dun kay Harry manyak.

"Don't be too hard on him babe."Kinindatan ako ng manyakis na yun dahilan para mairita ako sa kanya lalo.


"Stop flirting me jerk! Don't babe-babe me because I'm not a pig!"Inis na sabi ko sa kanya at tumayo para hanapin si Bryan. Baka maktikim ng suntok tong manyak na to.


"I love you too!"Humarap ulit ako sa kanya at nakita kong nag-flying kiss pa siya. -___- Jerk!

May nakita ulit akong watch sa side table at yun agad ang kinuha ko. Pagkatapos ay binato ko sa kanya.

Napangisi nalang ako ng tumama yun sa ilong niya. Napatawa naman yung dalawang kasama niya.

Tumalikod na ako at hinanap si Bryan pero I decided to go to Cr.. Wait? San ang cr dito? Ayun! Dali-dali akong pumunta don at pipihitin ko na sana yung doorknob ng bigla itong bumukas.

The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon