Chapter 65

347 4 1
                                    

Bree's POV

Kakatapos lang tumawag sakin si Larenz at sinabi niyang bukas na daw sila uuwi. Excited naman akong makita siya ulit. Sobra na ata ang pagka-miss ko sa kanya at alam kong miss na din ako ng taong yun. Si Larenz pa? Tsk. Patay na patay yan sa akin eh! Hahaha. (--,)

Bumaba naman ako sa sala at tumabi dun kay Jake na nilalaro si Thalia.

"Thalia baby!"

"Arf!" Bigla akong tinalon ni Thalia kaya napaupo ako. Lumapit naman agad si Bryan sa akin habang si Kuya Andrew naman ay kunot noong napatingin sa akin.




"Okay ka lang?" Tumango naman ako sa tanong ni Bryan nang nakatayo na ako.






"Oh sorry! I should've stop Thalia. Hey Thalia! You're bad!" Sermon naman ni Jake kay Thalia. Kinuha ko naman si Thalia at tsaka ako umupo sa sofa at kinandong siya.







"Arf.." Malambing na angil ni Thalia at tsaka niya ako dinilaan sa kamay. Napangiti naman ako.





"It's okay Thalia." Hindi parin siya tumitigil at tsaka niya kinuskos yung ulo niya sa kamay ko.






"Dati-dati ka namang dinadamba ni Thalia ah? Bakit ngayon ka lang napatumba ng ganyan?" Seryosong tanong niya sakin.







"Tsk. Nagulat lang ako kuya." Totoo naman eh. *pout*






Napatingin naman kami agad kay Thalia na umuungol.




"Mukhang na-miss ka talaga ng baby-babyhan mo ah? Ngayon mo lang kasi nilabas eh." Nakonsensya naman ako sa sinabi ni Bryan. Kaya hinaplos haplos ko si Thalia at tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.







"Sorry na baby Thalia. Na-miss din kita eh. Maglaro nalang tayo." Bigla niya kong dinilaan sa mukha kaya napatawa ng malakas si Jake.






"Hahaha! Why so sweet Thalia?" Natatawang tanong ni Jake at maya-may pa ay tinalunan niya si Jake at tsaka sila naglaro. Kinuha ko naman yung kwintas na nasa bulsa ko at tsaka tinitigan yun. Tumabi sa akin si Bryan at tsaka kinuha yun at tinignan.





"Ano to?" Sabay taas ng kwintas na may pink na ribbon.






"Kay Thalia yan. Nag-ikot kami sa Mall nung isang araw ni babe kaya nung nakita ko yan ay naalala ko si Thalia." Nakangiting sabi ko. Binigay naman niya sa akin yung kwintas at tsaka ko tinawag si Thalia. Lumapit naman siya agad at mukhang nagustuhan yung kwintas dahil nakatingim siya at gumagalaw yung buntot niya.



"Ang hyper talaga ni Thalia. Nagmana sa amo." Naiiling na sabi ni Bryan dahil pagkatapos kong isuot yung kwintas ay nagtatatakbo ito at nagkulit.


Halata ngang na-miss ako.







"Oh!" Napatingin ako kay Jake na nasa harap ko at tsaka kinuha yung mga braso ko.





"What's wro..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mapatingin kaming lahat sa tinitignan niya.






"Anong nangyari diyan?!" Hinawakan ni Bryan yung braso ko at tsaka tumingin sa akin. Lumapit naman sa amin si kuya at tinignan din yun tapos napatingin sa akin.






"What happened to that?" Seryosong tanong niya. Napabuntong hininga naman ako at tsaka napatingin sa pantal ko.





"Napaupo ako kahapon kaya aksidenteng tumama ng malakas sa upuan. Don't worry. Matatanggal din naman to eh." Pangungumbinsi ko sa dalawang kuya ko.







The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon