Chapter 71

473 2 1
                                    

Andrew's POV

Pinauna ko na silang pumunta sa hospital dahil kumuha muna ako ng ilang gamit ni Bree sa kwarto niya. Pagkatapos kong ayusin ang mga dadalhin ko ay naagaw ko ang pansin ng isang folder sa may bag niya kaya agad akong lumapit at kinuha yon.



Bakit siya may folder ng St. Lukes Hospital? Nakakunot ang noo kong binubuksan ito at nung nabusan ko na ay binasa ko yun lahat.











Halos mabitawan ko na ang hawak kong papel at nanginginig na binasa ulit yun.. Pero ganun nalang din ang pagbagsak ng mga luha ko sa nabasa ko at unti-unting napaupo. K-Kailan pa to? B-Bakit hindi mo sinabi Bree? Hinayaan mong sarilinin ang sakit mo. Napatakip ako sa mukha habang umiiyak..







--
Bryan's POV

Pagkarating namin sa St. Lukes Hospital ay nakita namin agad si Doktora Peach.





"Dok!" Sigaw ko at tumingin naman siya agad dito. Binulungan niya yung kasama niyang nurse at tsaka sila kumuha ng stretcher at inilagay doon si Bree.



"We need to admit her now! Pakihanda ang kelangan sa pasyente. Bring her to the Private Room 439." Sabi niya sa mga kasama niya at dali-dali naman silang sumunod. Nasa likod lang nila kami the whole time at hawak ko si Jake sa kamay.






"Ano bang nangyayari sa anak ko?" Nag-aalalang tanong ni Mom kay Dad. Humarap naman sa amin si Doktora Peach na nakakunot ang noo.








"Wag niyong sabihin na hindi niyo alam?" Kunot noong tanong ni Doktora Peach sa amin. Anong hindi alam?







"I already know." Napatingin naman kami sa likod namin at andun si Kuya Andrew na namumugto ang mga mata. A-Anong? Ang gulo!






"What's happening?!" Inis na baling ni Jake kay Kuya. Napatingin naman kami kay Kuya ng itaas niya ang folder.









"I can't explain it. Let her tell everything. Kanina ko lang din nalaman dahil dito." Seryosong sabi sa amin ni Kuya pero andun parin ang pangingilid ng luha niya.







"Doktora Peach. Ano bang meron?" Naguguluhang tanong ni Mom. Napatingin siya sa amin ng seryoso.







"Possitive Leukemia si Miss Xiu." Halos matigil ang paghinga namin sa narinig namin. Agad namang nangilid ang luha ko.







"N-No." Umiiling na sabi ko at tsaka tumingin ako sa kanya. "Wala siyang sinasabi samin! Nagkakamali ka! Wala siyang sakit!"








"I'm sorry pero sinabihan ko siyang sabihin niya agad sa inyo pero parang wala siyang balak sabihin sa inyo. Nagpa-check-up siya dito last week for confirmation. And base sa sinabi niyang nararamdaman niyang sakit ay symptoms ng Leukemia. Sinabi kong magpa-admit na siya dahil unti-unting kumakalat ang sakit niya sa katawan niya." Napaiyak na kaming lahat sa nalaman namin. 






"And I think..." Napatingin naman kaming lahat sa kanya.






"I think nasa Stage 3 na ang sakit niya." Napaluhod ako sa narinig ko. Bakit hindi niya sinabi? Bakit mas pinili niyang kimkimin ang sakit niya? Bree. Hindi ko to kaya.



Lumapit naman si Mom sa kanya.





"May pag-asa pa naman diba? Magagawan pa yan ng chemo diba?" Pangungumbinsi ni Doktora Peach. Pero nalaglag ang balikat ko ng bigla niya kaming tignan ng seryoso.





"She already undergo chemo nung last year. At hindi na makakayanan ng katawan niya ngayon."





"Last year?" Sabay-sabay na tanong namin sa kanya. Napabuntong hininga naman siya.




"Tatlong beses siyang lumaban sa sakit niya. Noong bata pa siya at naka-survive siya. Pangalawa nitong nakaraang taon lang pero naka-survive ulit siya. And this is the third time. She's strong girl." Humihikbing napatungo nalang ako.







"She's not going to die right?" Napatingin kaming lahat kay Jake na nangingilid ang luha.




"Tell me." Naiiyak na sabi niya. Hindi naman nagsalita si Dok at tsaka nagiwas ng tingin.







"I'm sorry." Yun lang ang sabi niya at tsaka umiiyak na iniwan kami. Tuluyan na kaming napaiyak dahil sa nalaman namin.





Napatulala ako at tsaka pinagdungtong-dugtong ang mga nangyari last week. Yung mga pantal niya. Yung pagiging clumsy niya. Yung pagpapasay niya sa amin.







"Ang selfish mo naman eh." Mahinang bulong ko at tsaka pinunasan ang luha sa mga mata ko. Napatingin ako kina Daddy na tahimik na umiiyak si Kuya na tulalang umiiyak si Jake naman na salubong ang kilay na umiiyak.







"I can't believe this." Naiiling na sabi ko at tsaka pumunta sa loob. Nakita kong napalitan na nila ng hospital gown si Bree.







Ang tanga ko. Bakit hindi ko napansin ang pamamayat niya? Yung pamumutla niya? Bakit hindi mo nagawang magsabi sa amin Bree?







"Princess. Andito lang si Daddy ha?" Naiiyak na nagiwas ako ng tingin habang kausap ni Daddy si Bree na walang malay na nakaratay sa kama. Narinig ko pa ang pagsinghot at paghikbi ni Daddy habang nakahawak sa kamay ni Bree.








"Bakit hindi ka naman nagsasabi anak?" Naiiyak din na sabi ni Mom sa kanya.









"You're going to fight right?" Patuloy na naglandas ang mga luha sa mukha ko habang kinakausap nila si Bree.






"I know that you're going to fight. Diba lagi mong sinasabi kay Kuya na strong girl ka?" Hindi naiwasan ni kuya ang pagpiyok. Napatungo nalang ako habang nakatingin sa mukha ni Bree.







Hindi ko kayang mawalan ng kapatid. Hindi ko kayang wala akong kinukulit lagi. Yung umaga palang magbabangayan na kami. Yung kasamang pumasok lagi sa school. Yung kasabay ko palagi sa kalokohan. Yung makikitulog ako sa kwarto niya minsan. Yung nakangiting Bree. Yung kapatid ko na matigas ang ulo. Akala ko ba malakas ka? Pero bakit hinahayaan mong kainin ka ng sakit mo?







"Wag kang susuko Bree ah? Wag mo kaming iwan ah?" Nanginginig na sabi ko dahilan para umiyak na naman kaming lahat. Masakit makitang nakaratay ka diyan habang kami ay walang magawa. Inaalala ko yung pagpapasaya mo sa amin araw-araw. Nilalabanan mo ang sakit mo para lang bigyan mo kami ng oras at maiparamdam mong mahal mo kaming lahat Bree. Lumaban ka Bree please. Hindi ko kaya ng wala ka. Ikaw yung laging nagpapalakas ng loob ko pag may presentation tayo ng school eh. Ikaw lagi yung kasama ko sa bahay na kabangayan.








Wag mo kaming iwan ng ganito Bree. Hindi namin kaya. Hindi ko kaya. Kambal ko.

The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon