Chapter 69

380 3 0
                                    

Bryan's POV


Ano yung naamoy ko? Amoy favorite kong ulam eh. Bumangon naman agad ako sa kama ko at dali-daling bumaba. Nakangiting bumungad sa akin ang kambal ko habang nagluluto.





"Sabi na eh. Magigising pag favorite na ang naamoy?" Naiiling na sabi niya pero gulat parin akong napatingin sa kanya.







"You cooked all of this?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakaturo sa nakahain sa mesa. Tumango naman siya habang ngingiti-ngiti.








"Di nga?! Bakit ikaw gumawa? May mga maids naman eh. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo." Oo nga. Pwede namang maids nalang ang gumawa. Lumungkot naman agad yung mukha niya sa sinabi ko.









"Gusto ko lang naman ako naman ang magasikaso sa inyo kahit ngayon lang." Napatingin ulit ako sa mga nakahain sa mesa dahil puro favorite naming lahat yung andun.







"Di ka ba napapagod sa ginagawa mo? Ang dami nito Bree." Kunot noo na sabi ko sa kanya. Nung humarap siya sa akin ay doon ko lang nakita yung pawis niya.






"Tsk. Kaya ko naman eh." Parang bata na sabi niya.





"Pero bakit puro para samin to? Asan yung favorite mo?" Tanong ko ulit sa kanya.






"Wag mo ng isipin yung sakin. Ang mahalaga nagawa ko na ang gusto kong gawin para sa inyo simula pa lang." Ang wierd talaga niya.





"Tulungan na kita." Lumapit ako sa kanya pero umiling lang siya.






"Ako na. Kaya ko na to. Pakigising nalang silang lahat dahil natatapos na to eh." Napabuntong hininga nalang ako at tsaka tinignan yung ginagawa niya.







"Napapadalas ata ang pamamantal mo ah?" Seryosong tanong ko sa kanya. May nakita kasi akong dalawang pantal niya sa paa. Nahulog naman siya yung sandok.







"A-Ah.. Medyo clumsy ako diba?" Iniwas niya ang tingin niya pero hindi parin ako kumbinsido sa sagot niya.






"Tapos na to. Pakigising nalang silang lahat." Wala na akong nagawa kung hindi gawin ang gusto niya.






Nung isang araw ko pa napapansing nagiba siya. Lagi siyang nakangiti at parang mas bumabaw yung saya niya. Kung noon eh sinusungitan kami pero ngayon naman ay todo asikaso siya sa amin. Wag mong sabihing may nagawa na namang kalokohan yang kambal ko?



=______=




"Wow. My favorite!" Nauna na namang nilantakan ni Jake yung favorite niya. Sina kuya at Mom naman ay nakakunot noong nakatingin kay Bree.






"Wag mong sabihing ikaw ang nagluto lahat ng to princess?" Tanong ni Daddy. Nakangiting tumango naman siya.








"Yes dad! Kain na kayo." Alok niya sa amin habang nakangiting pinagmamasdan ang nakangiting mukha nila Mom.








"You're amazing sis." Nakangiting puri ni Kuya sa kanya at mas lalong napalawak ang ngiti ni Bree at tsaka yumakap kay kuya.






"Problema mo?" Natatawang tanong sa kanya ni Kuya. Kumalas naman na natatawa si Bree.






"Wala lang. Ngayon mo lang ako pinuri eh." Nakangusong sabi niya. Naiiling na umupo naman ako sa upuan ko. Nagsiupuan na ang lahat at si Bree naman ay tahimik ng kumakain pero nakangiti parin.







The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon