Chapter 37

400 7 1
                                    

Charise POV

Napatingin ako sa watch ko and 7 minutes na pero hindi pa rin bumabalik si Bree galing CR.





"Ang tagal naman ata niya?" Kunot noong tanong ni Bryan. Gulat kami ng biglang tumayo si Larenz kaya napatingin kaming lahat sa kanya.






"San ka pupunta dude?" Tanong ni Clarence.




"Susundan ko. Baka napano na yun." Seryosong sabi niya at tsaka lumabas. Nagkatinginan muna kaming lahat bago sumunod sa kanya. Maya-maya lang ay nakita naming napatigil si Larenz sa paglalakad at parang nagulat sa nakita kaya napatingin din kami don.





O_O




May nakaakbay na lalaki kay Bree at halatang tinulungan niyang itayo yung lala---







"What's the meaning of this?!" Galit na tanong niya sa kanila. Pero.....







"Matthew?" Gulat na sabi ko nalang. Hindi ko namalayang nakaharap na sa amin si Bree at halatang gulat. Pero bakit siya namumutla? Lumakad si Larenz palapit sa kanila at inilayo si Bree kay Matthew. Si Matthew naman ay napasandal sa mesa na katabi niya.







"What's the meaning of this?!" Galit na ulit ni Larenz sa kanila. Wala namang nagsalita sa aminf magbabarkada.





"I was just helping him! Bawal ba?!" Inis na sabi naman ni Bree sa kanya. Pero hindi pa rin umaapaw yung galit ni Larenz.





"Eh bakit kayo magkasama?! Kaya ba ayaw mong magpasama para makipagkita sa kanya ha?!" O_O What the hell?! Marahas namang tinanggal ni Bree yung mga kamay niya na hawak ni Larenz.





"Are you doubting me?! Ganyan ba ang tingin mo sakin?! Gosh Larenz! Hindi kami nagkita! Aksidente lang niya akong nakita at tinulungan sa babaeng yan!" Turo niya dun sa babae sa gilid kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Gulat naman siyang nanunuod sa amin.







"Edi sana umiwas ka sa gulo!" Galit na sabi ulit niya. Hindi ko alam pero nakita ko talagang namumutla si Bree. Ano bang nangyari?








"I tried! Okay?! Sinubukan ko pero sinagad ng babaeng yan ang pasensya ko! Naiintindihan mo?! Pwes kung hindi pa yan sapat na dahilan ko panoorin mo yung CCTV ng bar na to para hindi ka nagkakaganyan!" Ramdam ko yung galit ni Bree at bigla nalang siyang tumalikod at napahawak sa ulo niya pero laking gulat ko nung nakita kong....







"B-Bree! Oh my gosh! It's a blood! W-What happened?!" Agad na lumapit ako sa kanya habang natataranta. Bigla akong kinabahan dahil unti-unti siyang natumba!




"BREE!" Sigaw ko pero nasalo siya ni Larenz. Pero mas nagulat kami ng iangat ni Larenz yung kamay niya na pinangsuporta sa ulo ni Bree.







W-What the hell! O_O









"W-What happened?!" Nakita ko kung paano nanginig ang mga kamay ni Larenz at unti-unting tumingin sa babae at kay Matthew.










"Putangina! Mamaya na kayo magdaldalan! Damn!" Inagaw ni Bryan si Bree sa kamay ni Larenz at bakas sa mukha niya ang pag-aalala at galit. Sinundan namin siya pero humarap si Bryan kay Matthew.












"Bring that girl to the police station after an hour. Hintayin niyo ko dun." Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa tono ng pananalita ni Bryan sa kanya. Mas malamig kesa kay Bree. Napatingin naman kami kay Larenz na sumusunod sa likod ni Bryan. Halatang nag-aalala pero hindi ko nagustuhan yung sinabi niya kanina.











Pagkadating namin ng hospital ay agad na inasikaso si Bree. Pagkapasok nila kay Bree sa emergency room ay humarap naman si Bryan kay Larenz na galit ang anyo.







"Ano sa tingin mo ang sinabi mo sa kanya Larenz?! Ganyan ba ang tingin mo sa kapatid ko?! Ha?!" Galit na galit na sabi ni Bryan sa kanya at tsaka hinawakan ang damit niya. Umawat nama si Sean at Clarence.







"Bro enough. Walang patutunguhan ang init ng ulo. Magaaway lang kayo dito." Mahinahon na sabi ni Sean sa kanya.








"Ha! Sana inisip niya yan bago niya kausapin ang kapatid ko! You don't even know kung anong nangyari pero pinangunahan mo ng galit! Ayokong mag-away tayo bro pero pag kapatid ko na ang pag-uusapan ay wala akong sasantuhin!" Nanatiling nakatungo si Larenz at hindi nagsasalita.









"Please." Napatingin ako kay Bryan na lumambot ang expression. "Wag na sanang maulit to. Hindi ko na alam ang magagawa ko sayo at baka hindi ko na mapigilang gumawa ng bagay na ayoko. Nakikiusap ako na pagkatiwalaan mo naman ang kapatid ko." Ramdam ko ang pagmamakaawa niya. Napaangat naman ng tingin si Larenz.









"It's not that I don't trust her. I was just angry kaya kung ano-ano na ang naisip kong dahilan ng makita ko sila." Napabuntong hininga siya.










"I'm sorry. Hindi na mauulit to. Aayusin ko to." Tinapik siya sa balikat ni Bryan bago magyakapan.








After 30 minutes ay lumabas na ang doktor.







"Bumuka ang sugat ng pasyente. Sabi naman po namin na bawal po siyang binibinat. Pero I think ang dahilan ng pagkakabuka ng sugat niya ay pagkakauntog."









"Ha?! Pano nangyari yu---Damn!" Agad na umalis si Bryan at mukhang alam ko na rin ang dahilan kung bakit to nangyari. That girl!









"Hindi pa gising ang pasyente kaya ililipat nalang namin siya sa dati niyang room." Tumang naman kami sa sinabi ng doktor at pumunta sa room ni Bree.







"Hay! Suki ka na ng hospital na to Bree ah!" Pagbibiro ni Kian.






"Tumahimik ka nga diyan at baka ang ipa-admit ko dito!" Inis na sabi sa kanya ni Clarence.









"Buti nga sayo engot!" Pang-aasar naman sa kanya ni Harry pero inirapan niya lang silang lahat.








Napatingin kaming lahat kay Larenz na ngayon ay nakatitig kay Bree habang nakadikit ang labi niya sa left hand ni Bree.









"I'm sorry babe." Mahina pero rinig naming lahat na sabi niya.







"Kung sinamahan lang sana kita hindi sana mangyayari to. Kasalanan ko naman eh. Sorry talaga." Malungkot na sabi niya sa tulog na Bree.










"Walang may gustong mangyari to Bro. Nangyari na eh, sana may natutunan ka sa nangyari kanina." Seryosong sabi din ni Sean sa kanya.










"Hindi muna ako magsasalita ngayon. Pero wag naman sanang dumating sa puntong masasaktan ng sobra si Bree dahil dun ko mismo isasampal lahat ng kamalian mo." Seryosong sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya ng malungkot.









"Hay! Pano nalang pag nakarating na naman to kina Tita? Siguradong magagalita na naman sila sa kanya." Nag-aalalang sabi ko.

The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon