Chapter 52

377 6 0
                                    

Charise POV

Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa ngayon kay Larenz na umiiyak kahit na galit ako. Nakatingin din ang lahat sa kanya.



Hindi naman sa kasalanan niya pero alam naming lahat na siya ang may mali dito. Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa emergency room at sakto namang lumabas yung doktor. Naunang lumapit si Larenz doon at kami naman ay sumunod.








"I-Is she okay dok?" Bakas na bakas ang pagaalala sa boses niya. Tinanggal naman ng doktora yung mask niya.







"She's okay now. Maraming nawalang dugo sa braso niya kaya siguro siya nahimatay. We'll transfer her in room 308. Wag niyo muna siyang-i-stress dahil masakit pa ang sugat niya." Paalala ng doktor. Sumunod naman kaming pumunta sa room 308 at nakita naming naka-hospital gown na si Bree at hindi na siya masyadong maputla gaya kanina. Napapailing na sinundan ko ng tingin si Larenz sa naupo sa may bandang kaliwa ni Bree at tinignan ang braso nito. Bigla nalang siyang napatungo habang hawak ito at kitang-kita ko kung pano gumalaw ang balikat niya kaya napaiwas ako ng tingin.






Yung kaninang galit ko ay napalitan ng awa. Hindi ko alam kung bakit nasa huli lahat ng pagsisisi. Kung sana lang ay pumayag siyang nakipag-ayos kay Bree ay malamang na hindi to mangyayari ngayon. Napatingin naman kaming lahat sa bagong pasok na si Bryan. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatingin kay Larenz na nakatungo paring umiiyak.










"Ano pang ginagawa mo dito?!" Galit na tanong niya kay Larenz. Lumapit naman sa kanya si Sean at pinigilan si Bryan na akmang lalapit at susuntukin ulit si Larenz.







"Hayaan mo muna siya Bry." Mahinahong sabi ni Sean sa kanya. Napahilamos naman siya sa mukha niya at tsaka tinignan ng masama si Larenz.







"Sige. Pagbibigyan kita. Pero ito na ang huli." Ramdam ko ang lamig ng boses ni Bryan kaya napaangat naman ang tingin ni Larenz at parang kinurot ang puso ko ng makita kong namumula ang mga mata niya at ang mukha naman niya ay punong-puno ng luha.









"N-No. Hindi ako papayag." Naiiling na sumbat niya kay Bryan pero napangisi lang siya sa sagot ni Larenz.









"Wala nang kayo diba? Yan naman ang gusto mo diba? Oh ayan! Pinagbigyan niya ang gusto mo! Tapos ngayon hindi ka papayag?! Wag kang gago!" Bumalik na naman ang galit sa mga mata niya.







"Hindi! Hindi ko gustong mangyari to! Nagpapalamig lang ako ng ulo! Hindi ko gustong makipaghiwalay siya sakin!" Pagpipilit ni Larenz kay Bryan.










"Nagpapalamig? Hahahaha! Nice joke! Nagpapalamig ka tapos hindi mo napapansing sobrang sakit na ng ginagawa mo sa kapatid ko! Ang selfish mo naman! Bakit pag gising niya gusto mong makipag-ayos sa kanya?! Sa tingin mo papayag yan?! Gusto niyang makipag-ayos habang maaga pa pero anong ginawa mo?! Pinagtulakan mo siya palayo! Sige hintayin mo siyang magising ng maramdaman mo kung paano ipagtulakan ng taong mahal mo!" Naiintindihan ko si Bryan at alam kong gagawin niya ang lahat para hindi na masaktan ang kambal niya.








"Kanina ko pa kayo pinagpapasensyahang dalawa! Hindi ba kayo titigil sa kaaaway?! Kita niyong natutulog ang pasyente!" Gulat kaming napatingin sa pinto at andun si Mr. Salvador. Pareho naman silang napatungo at nag-iwas ng tingin.









"Jusko! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo!" Naha-high blood na sabi niya sa amin.








"Bree?" Napalingon kami kay Larenz ng basagin niya ang katahimikan. Nakita namin gumalaw ang mga eyeballs ni Bree at dahan-dahan itong napamulat. Hinang-hina siyang napatingin sa amin lahat at tsaka napahawak sa braso niyang hawak ni Larenz. Pero tinanggal niya muna ang kamay ni Larenz bago yun tignan at napangiwi. Alam kong nasasaktan siya sa sugat niya kaya lumapit na ako.








"Masyado bang masakit?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Lumapit naman silang lahat sa amin.






"Okay ka na ba?" Nagaalalang tanong ni Larenz at ni Bryan pero hindi niya kami pinansin at inilibot ang paningin niya. Inis namang napatingin siya sa amin.









"Why am I here?!" Inis pero nanghihinang tanong niya sa lahat.









"Idiot! You fainted! Ano bang nasa utak mo at lumayo ka?!" Sermon ni Bryan sa kanya kaya naman palihim siyang napairap.







"Tss. I want to go home." Gulat na napatingin naman kaming lahat sa kanya.








"H-Hindi pa pwede----" Hindi na natuloy ni Larenz ang sinasabi ng tignan siya ng masama ni Bree.






"Are you a doktor?!" Inis na tanong niya sa kanya. Gulat na napatingin naman si Larenz sa kanya.







"N-No." Nahihiyang sabi niya kaya napairap si Bree sa kanya.







"So shut up!" Inis na baling niya at tsaka pilit na tumayo.








"Let's go." Hinila siya agad ni Bryan na ikinagulat naming lahat.











"Mauuna na kaming umuwi sumunod nalang kayo." Seryosong sabi niya pero pinigilan sila ni Larenz.









"She's not yet fine!" Pigil niya kay Bryan kaya napatingin ang magkapatid sa gawi namin.








"She can walk so she's fine. I can take care of my sister more than anyone else." Makahulugang sabi niya sa amin at nagpatigil kay Larenz tsaka siya napatungo.












Bryan's POV

Nagpasundo ako sa driver namin sa bahay at saktong paglabas namin ng hospital ay sakto namang dating niya. Akmang papasok na kami ng tinawag na naman kami ni Larenz.









"Bree! Please.. Let's talk." Humarap si Bree sa kanya at ngumiti. I know that smile kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya at napatingin kay Larenz na nagmamakaawa.













"Wala nang dapat pag-usapan. We already talked a while ago. Malinaw naman siguro lahat yun sayo." Tumalikod na siya at tsaka sumakay sa kotse. Bago ako tuluyang sumakay ay nakita ko pa kung pano bumagsak ang mga luha niya.







Kung nasasaktan ka.... Mas nasasaktan ang kapatid ko. Hindi mo alam kung anong pinakawalan mo.








Napabuntong hininga ako at tsaka tumabi kay Bree sa loob ng kotse.











"Tara na manong." Sabi ko sa driver at agad namang sumunod. Tumingin ako kay Bree.








"You okay?" Nagaalalang tanong ko sa kanya dito sa tabi ko. Ngumiti naman siya. That smile again.





"I'm fine." Napabuntong hininga ako at tsaka ako mas lalong lumapit at hinawakan yung magkabilang pisngi niya pero hindi parin nawawala ang mga ngiti sa mukha niya.









"You're not okay. Now cry." Mahinahong sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. Unti-unting napawi ang mga ngiti niya at napalitan ng iyak. Marahan ko siyang inunan sa dibdib ko at tsaka niyakap. Doon na naman siya nakahanap ng kakampi. Iyak lang siya ng iyak na parang bata. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Gustong-gusto kitang suntukin Larenz!










"Shhh. Ilabas mo lang lahat." Hinaplos-haplos ko siya sa likod at mas lalo naman siyang umiyak. Pinipigilan kong umiyak dahil naapektuhan din ako sa sakit na nararamdaman niya. Hindi ako sanay na makita siyang ganito at ito ang pinaka-ayoko. Naiintindihan ko siya. At alam kong ginawa niya lang yun dahil pagod na siya. Hindi niya ugaling makipag-break sa mababaw na dahilan pero pag binigyan mo siya ng dahilan.. Kahit masakit at kahit hindi niya kakayanin ay gagawin niya. Basta ayaw niyang ipinagpipilitan ang sarili niya sa mga taong hindi masaya sa kanya.

The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon