Chapter 24

505 6 0
                                    



'Before the incident'

Bryan's POV

"Hoy! Dahan-dahan nga sa pagkain! Para kang hindi nakakain ng ilang taon ah?" Pang-aasar ko kay Bree dito sa hapag-kainan. Hindi niya ako pinansin at kain lang ng kain. Tsk. Ganyan yan. Pag nasa harap na niya ang paborito niya ay wala na siyang pakealam sayo.






"Hala! Ang baboy mo talaga!" Gulat na nasabi ko ng unahan niya akong kunin yung pasta.


Favorite ko yun eh!

>____<

"H-Hehe!" Nag-peace sign nalang ako sa kanya dahil tinignan niya ako ng masama.







"Hahaha! Takot ka pala sa akin eh!" Pang-aasar niya at pinagpatuloy ang pagkain. Nailing nalang ako dahil para siyang bata dito sa bahay.




Nagpatuloy lang kaming kumain ng nakita kong pababa si kuya at halata mong galit siya. Naku! Naku! Nang nakarating siya dito sa baba ay tinignan niya kami ng masama. Napatingin naman si Bree sa kanya at ngumiti habang ngumunguya.






"Good morning kuy---" Bree. Nanlaki yung mga mata niya nung pinalo ni kuya yung mesa. Yung mga maids naman ay umalis muna.




"Bakit ka ginabi nung gabi?! Bat hindi ka nagpaalam?! Diba sabi kong wag na wag kang uuwi ng late dahil sa may mga masasamang loob diyan sa labas?!" Hindi mapigilan ni kuya ang magalit at napatingin naman siya sa akin ng nanlilisik.








"At ikaw naman!" Turo niya sa akin. Napatungo naman ako. "Diba sinabi kong bantayan mo to?! Anong ginawa mo?! Pano pag may nangyari sa kambal mo ha?! Alam mo naman kung saan saan pumupunta yang kambal mo at hindi mo pa binantayan!" Galit na galit na sigaw niya sa akin. Hindi ako nakasagot dahil sa totoo naman ang sinabi niya. Kung sana binantayan ko lang siya. Pero naiipit ako eh. Sabi ni Bree wag ko siyang lalapitan sa school kung ayaw niyang magalit siya sa akin. Which is ayaw ko. At si kuya naman sinabing bantayan ko at baka mapahamak naman. Sino ba talaga ang susundin ko sa kanila? Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Parang ako pa ang nahihirapan.




Napabuntong hininga nalang ako. Minsan sweet si kuya pero galit yan pag sinuway namin ang utos niya. Ganyan siya ka-protective sa amin.








"I'm sorry kuya. It's my fault." Hinging paumanhin ko habang nakatungo.







"Yes it's your fault! Kung sana ay binantayan mo siya edi sana hindi kayo napapagalitan ngayon---" Hindi natuloy ni Kuya ang sasabihin niya ng biglang sumabat si Bree.









"Kuya! It's not his fault! May pinuntahan lang ako kahapon,  at tsaka ako ang nagsabing wag niya akong bantayan! For Pete's sake Kuya! Malaki na ako. I know what I am doing kaya please! Enough of this argument! Walang kasalanan si Bryan! Ako ang nagpumilit na layuan ako. Wala ba kayong tiwala sa akin?!" Nakita kong naiinis na si Bree at nakatayo na siya ngayon. Mas lalo namang nagalit si kuya sa inasal niya.









"Don't shout at me Shar! Baka nakakalimutan mong kuya mo ako?! Give some respect! Ginagawa ko to para sayo!" Ganting sigaw ni kuya sa kanya. Napahilamos ng mukha si Bree at namumula na siya sa inis.









The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon