Chapter 70

460 3 0
                                    

Bree's POV

Dumaan ang ilang linggo at tuluyan ng nanghihina ang katawan ko pero paminsan-minsan naman ay pinipilit kong maging malakas lalo na pagkaharap ko si Larenz. Ayokong mag-alala siya.

Nung time na nawalan ako ng malay sa kwarto nila Mom eh sinabi kong hindi talaga ako nakatulog sa kakaisip. Yun ang binigay kong dahilan pero laking pasalamat ko nung nakumbinsi ko silang lahat.



"Babe are you with me?" Nabalik ako sa wisyo ng iwinagayway ni Larenz yung kamay niya sa harap ko. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko nahalatang kasama ko siya. Andito kasi kami sa may garden sa bahay.





"Ah sorry. May iniisil lang." Hininging paumanhin ko. Bigla namang naningkit ang mga mata niyang tumingin sa akin.






"Lalaki ba yan ha?" Naniningkit matang tanong niya at tsaka ako tumango. Natawa ako sa itsura niya dahil kulang nalang ay bubugahan niya na ako ng apoy kaya bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya.









"Lalaking mahal ko." Nakangiting sabi ko kaya napalitan ng ngiti yung kaninang galit na mukha niya. Niyakap ko naman siya habang nakaupo kaming dalawa at tsaka ako pumikit. Ang katunayan kung bakit ako yumakap ay feeling ko ay babagsak ako anytime. Pahina na kasi ako ng pahina kaya pilit na pinapasigla ko nalang ang katawan ko. Hinaplos niya naman ang likod ko at tsaka niya isinandal ang sarili niya sa may sandalan ng inuupuan namin ngayon.






"Okay lang ba sayo yun babe?" Tanong niya pero nakapikit parin ako at tsaka ine-enjoy yung moment.







"Ano yun?" Mahinang tanong ko. I heard him chuckled. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa buhok ko.







"Punta daw kaming Laguna bukas. Na-promote kasi si Kuya na bagong CEO sa company." Sabi niya. Tumango naman ako sa kanya at mas lalong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.






"Don't worry dideretso agad ako dito pagkabalik. Kung gusto mo nga dito na ako matulog bukas eh." Natawa ako sa sinabi niya.






"Dito ka nalang kaya matulog ngayon?" Suggest ko sa kanya.






"Sure. Tawagan ko lang sila sa bahay." Hindi na ako sumagot at pinakiramraman ko yung sarili ko. Narinig ko naman na kausap niya si Tita at hinintay ko silang matapos hanggang sa nag-aya na sila sa loob na dinner time na.




Eto na ata ang huling salo-salo naming sabay-sabay.


Ngumiti ako sa kanilang lahat pagkapasok namin sa dining area. Habang kumakain sila ay tinitignan ko nalang sila habang masayang nag-uusap.







"Iba na ata ang ngiti ng kambal ko ah?" Nailing na napapangiti ako kay Bryan at tsaka ko siya hinawakan sa kamay. Napatingin naman siya sa akin.






"Ubusin mo yan. Masamang magsayang ng pagkain." Nag-pout lang siya.








"Busog na ako eh." Nakangusong sabi niya.



Yung kakulitan ng kambal kong to.




"Sige na Kuya." Gustong-gusto niyang tinatawag ko siyang Kuya kaya naman nakangiting tinuloy niya ang pagkain niya.






"Ma'am andito na po yung cake." Tumingin naman ako sa maid na nagsabi nun at sabi kong ipunta nalang dito sa mesa.






"Oh? Sino may birthday? Next month pa birthday mo ah?" Tanong ni Kuya Andrew. Nakangiting binalingan ko siya.






The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon