Chapter 72

444 4 0
                                    

Bree's POV

Nanghihinang minulat ko ang mga mata ko at tsaka iginala ang paningin ko.



"B-Bree." Nagulat ako ng makita kong namumugto ang mga mata ni Bryan.




"Umiyak ka ba?" Nanghihinang tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at tsaka ngumiti ng pilit.






"Gusto ko ng umuwi." Sabi ko sa kanya pero tinignan niya ako ng seryoso pero....






"A-Alam.." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil alam ko na ang sagot.




"Bakit Bree? Bat hindi mo sinabi?" Tiim bagang tanong niya sa akin. Hindi ko maiwasang mapaiyak.





"Ayokong maging pabigat. Ayokong malungkot kayo ng dahil sakin. Kaya kahit masakit pinipilit kong maging okay." Naluluhang sabi ko sa kanya. Napahilamos naman siya ng mukha.





"L-Lalaban ka naman diba?" Naluluha ding tanong niya. Umiwas naman ako ng tingin. Gustuhin ko man pero hinang-hina na ako. Ultimo hindi ko na mabuhat ang parehong kamay ko.







"H-Hindi ko alam kuya." Tuluyan na siyang napaiyak kaya iniwas ko naman ang tingin ko. Sakto namang lumapit sila Mom at Dad kasama si Kuya at si Jake na kakapasok lang.






"May gusto ka bang kainin anak?" Tanong ni Mom pero umiling lang ako. Si Dad naman ang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nanghihinang pinisil ko naman ang kamay niya.






"L-Lalabas na muna ako." Biglang tumayo si Bryan at walang lingon-lingon na limabas siya. I'm sorry Bryan.






"Anak diba matagal mo nang gustong pumunta ng Paris?" Nakangiting tanong ni Dad sa akin. Nanghihinang tumango naman ako.







"Magpagaling ka ha? Pag labas mo ng hospital pupunta agad tayo doon." Ngumiti lang ako sa sinabi ni Dad at tsaka tumingin kay Jake.






"You'll fight okay?" Napaluha nalang ako ng bigla akong yakapin ni Jake.






"Hanggat kaya ko Jake." Mahinang sabi ko sa kanya pero umiyak lang siya sa leeg ko. Ganito pala kahirap.







"Shh. Don't cry. Big boy ka na diba? Big boys shouldn't have cry." Pilit kong hinaplos ang ulo niya. Nang mahimasmasan siya ay tumabi lang siya sa akin at tsaka ako niyakap.






"Kumain ka muna." Sabi naman sa akin ni Kuya Andrew. Tinulungan niya akong pinaupo at tsaka may kinutingting siya sa may baba ng kama at tsaka itinaas yung upper part ng kama.







"Thank you Kuya." Nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya at tsaka ako sinubuan.







"Ayokong mawalan ng kapatid. Ayokong mawalan kaisa-isang babaeng kapatid na simula pagkabata ko ay inalagaan ko na." Napatungo ako sa sinabi ni Kuya. Oo simula pahkabata si Kuya ang umalaga sa akin hindi lang si Bryan at sila Mom. Halos nga lahat sila eh.







"Lumaban ka ha? I know you're strong." Tumango nalang ako sa sinabi ni Kuya. Halos lahat sila dito sa loob ay todo asikaso silang lahat sa akin. Pero pagkatapos ko palang kumain ay nasusuka na agad ako.






"D-Dad!" Naiiyak na tawag ko at agad naman siyang lumapit sa akin.






"What's wrong princess?" Nag-aalalang tanong niya. Halos lahat sila ay pinalibutan ako sa gilid.





The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon