Chapter 40

412 6 0
                                    

Bree's POV

Hindi pa nagsisimula yung game at pinapanuod ko sina Larenz na kinakausap ng coach nila. Pero siya ay tingin ng tingin at kindat ng kindat sa akin. Natatawa nalang ako hindi dahil sa gesture niya. Kundi dahil nag-aassume na naman yung mga nasa likod ko na sila daw yung kinikindatan ni Larenz kaya naiiling nalang ako. Napatingin naman ako sa players ng Trinity High.


O__O!!



Siya ang captain nila?! Kaya pala sikat eh! May standard. =___=  Napatingin naman siya sa mga students at mukhang may hinahanap hanggang sa magtama ang mga mata namin at kumaway ulit siya pero tinaasan ko lang siya ng kilay at tsaka inirapan.



Hinanap naman ng mata ko si Charise at nakita ko naman siyang hinihingal na papasok sa gym at tsaka tumabi sa akin.


"Ho! Kapagod tumakbo bes!" Hinihingal na sabi niya sa akin at inagaw yung inumin ko.


=____= Wow ha?

"San ka ba galing? At bakit wala ka kanina?" Taas kilay na tanong ko sa kanya. Uminom muna siya ng tubig bago sumagot sa akin.




"Na-late ako ng gising eh. Hindi naman ako ginising ni mamu kasi alam niyang hindi pwedeng pumasok ngayon." Paliwanag niya. "Hindi ko na tatanungin kung sino nanalo bes haha! Napanuod ko kanina nung nag-video call kami ni babylabs ko!" Kinikilig na sabi niya kaya napairap nalang ako.

Whenever I'm hearing that endearment was giving me a goosebumps. Eww.


Nagsimula na ang game kaya napatingin na ako sa court. Napatingin ako kay Larenz na nakatingin din naman ng seryoso dun sa Arman. Walang mababakas na emosyon ang nakikita ko ngayon sa kanya. Anong nangyayari? Naagaw agad ng mga taga Trinity High ang bola at agad na nakapuntos. Ramdam ko ang init ng laban kaya mistulang mga nakawala sa hawla ang mga nagchi-cheer sa mga paligid.


Sa kalagitnaan ng laban nila ay hindi ko mapigilang kabahan dahil lamang na ang Trinity High ng 5 points. Ano bang nangyayari kay Larenz at parang nawawalan siya sa focus? Kaya naman hindi na ako nakapagpigil at tumayo.



"Hoy! Nathan Larenz Sandoval ayus-ayusin mo namang maglaro! Mahiya ka naman sa girlfriend mo! Kaya mo yan! Go babe! Love you!" Hahaha! Nakita ko pa kung pano siya napanganga sa sinabi ko pero napalitan naman yun ng ngiti at iling. Bigla naman siyang kumindat at inaagaw yung bola na hawak nung Arman.





That's my boy!



"Oooohhhhh" Reak ng audience. Nabuhayan ako ng loob ng biglang bumalik ang focus ni Larenz at sineryoso na ang paglalaro. Minsan ay nakaka-three points siya at halos siya na lahat ang nagshu-shoot ng bola.

"4th Quarter na bes! Kinakabahan ako!" Sabi sa akin ni Charise. Pati nga ako kinakabahan at nadadala na eh. Pano ba naman kasi? Halos dikit na ang laban at pagod na din ang mga varsity players namin. Kailangan talaga nilang mag-focus lahat sa game para manalo. Biglang inagaw ng Trinity High ang bola pero agad naman yung nabawi ni Bryan at na-shoot. Hanggang sa malapit na matapos ang oras ay bola ng Trinity pero agad na napigilan yun ni Larenz at kahit malayo pa ay ishinoot na niya ang bola.





*0*





"Waaaaaahhh! Ang galing!" Tili ni Charise at dali-daling bumaba para salubungin si Sean. Ako naman ay sumunod at lumapit agad kay Larenz.





"Babe!" Nakangiting sambit ko at agad siyang niyakap. Inikot naman niya ako sa ere bago ibinaba at hinalikan.


"Hoy! SPG na yan! Daming nanunuod!" Hindi namin sila pinansin at tsaka nagyakapan ulit.



"Ang galing mo babe!" Napangisi naman siya sa sinabi ko.




"Magaling akong mag-shoot eh." At nag-wink siya sa akin dahilan para mamula ako sa sinabi niya.





"Hahaha! You're blushing again!" Inirapan ko siya at tsaka pinunasan yung pawis niya. Nasa ganung sitwasyon kami ng biglang lumapit yung Arman.



"Nice game bro! Oh! Hi ulit sayo!" Baling niya sa akin. Tinignan ko lang siya at napatingin kay Larenz na salubong ang kilay.





"What do you want?" Malamig na tanong niya sa kanya. Hinawakan ko naman siya sa kamay pero binitawan niya yun at siya mismo ang humawak sa bewang ko.




"Nothing. I just want to congratulate you. Nice game same as you Ms. Xiu." Sabay wink sa akin at tsaka umalis.









"Tss. Jerk." Naiiling na sabi ni Larenz bago humarap sa akin.




"So? Where's my reward babe?" Tanong niya at mas lalo akong hinapit sa bewang.






"Atat ka? Mamaya na!" Napapout naman siya pero pinisil ko lang yung ilong niya at tsaka kami lumapit sa barkada.





"Bryan magpunas ka nga ng pawis mo oh!" Binato ko sa kanya yung isa pang towel hehe. Para talaga yun sa kanya.





"Ang sweet talaga ng kapatid ko lika nga!" Hinila niya ako palapit sa kanya at tsaka inipit niya ako sa kili-kili niya. Yuck!



"Argh! Let go! Kadiri ka talaga!" Tinawanan niya lang ako at tsaka ginulo yung buhok ko.






"Haha! Namiss ko pagiging concern mo eh!" Palihim na inirapan ko siya.



"I'm not concern!" Inis na sabi ko sa kanya pero binelatan niya lang ako.



"Whatever you say my little twin sister but I still love you. Hahaha!" Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya.





"Hahaha! Tae! Ako?! walang mag-aabot sa akin ng towel?!" Napatingin naman kaming lahat kay Kian na nag-aalburoto sa harap namin. Hahaha!

"Oh!" Sabay-sabay naming binato sa kanya yung ginamit namin na towel.




"Grabe naman kayo sakin." At sa huli ay pare-pareho kaming natawa.



"Magpalit na tayo ng damit amoy pawis na ako!" Reklamo ni Clarence na sinangayunan naman ng iba.




"Kita nalang tayo sa Parking lot babe. Let's go on a date." Tumango naman ako sa sinabi ni Larenz pero bago yun ay hinatid na niya muna ako sa locker room namin at may pahabol pa talaga siyang kiss!









Pagkatapos kong maligo at magpalit ay dumiretso agad ako sa parking lot.



"Oh asan sila?" Salubong na tanong ko kay Larenz ng maabutan kong mag-isang naghihintay dito.






"Andun pa sa loob. Sinabi kong mauna na tayo para makapag-date agad tayo. I want to be alone." Inirapan ko siya.






"Then be alone!" Inis na sabi ko at tsaka tumalikod sa kanya pero hinila niya yung kamay ko kaya napahawak ako sa dibdib niya at siya naman ay yung isang kamay niya ay nasa bewang ko at yung isa ay nasa baba ko.




".....with you." Pagkatapos niyang sabihin yun ay hinalikan niya ako. Ugh! I really love this guy.

<3

The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon