Chapter 67

357 2 0
                                    

Larenz POV

"S-Sorry. S-Sorry babe." Aish. Ang tanga ko talaga! Kunyaring tampo ko lang yun eh. Pero napaiyak ko tuloy siya.



"B-Babe." Halos pabulong na sabi niya at magsasalita na sana ako ng biglang..."M-Mahal kita."

Napangiti ako pero napawi rin ang ngiti ko ng naramdaman kong bumigat siya kaya napatingin ako sa mukha niya na puno ng luha.

"Aish. Tinulugan mo ba ako babe?" Alog ko sa kanya pero napabuntong hininga nalang ako at tsaka ko siya binuhat papuntang kama. Inayos ko muna ang kumot niya at tsaka ko siya hinalikan sa noo at tinitigan ang mukha niya.



"Mukhang pinabayaan mo yang sarili mo habang wala ako babe ah? Namayat ka konti at tsaka pumutla. Tsk." Pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa may kumatok at bumukas ang pinto.





"Oh? Bumaliktad ata ang nangyari? Ikaw kanina ang nakahiga diyan ah?" Natatawang bungad ni Bryan at napakunot ang noo niya ng makita si Bree.



"Umiyak ba to?" Turo niya sa kapatid niya. Tumango naman ako tsaka niya ako binatukan.



"Ano na namang ginawa mo sa kapatid ko ha Sandoval?!" Taas kilay na tanong niya at napakamot naman ako sa batok ko.



"Eh hindi ko naman alam na iiyak siya nung sinabi kong muntik na akong magtampo eh." Kakamot-kamot na sabi ko at sinapok niya na naman ako.





"Aray naman eh!" Reklamo ko sa kanya. Napatingin naman kaming pareho kay Bree.




"San ba siya galing? Bat parang pagod siya?" Kunot noong tanong ko at umiling naman siya.




"Hindi ko alam. Hindi naman niya sinabi eh. Tsaka. Uwi na daw kayo. Inaantay ka na sa baba. Hayaan mo ng matulog ang kapatid ko diyan dahil halatang pagod." Napabuntong hininga naman ako at tsaka lumabas. Nakita kong inaatay na nga nila ako sa baba.





"Hijo asan na si princess?" Tanong sa akin ni Tito.





"Nakatulog na po tito eh. Mukhang pagod po." Napakunot naman ang noo ni tito.



"Nakatulog agad? Eh di pa yun kumakain eh." Napabuntong hininga naman si Tito at tsaka napatingin sa taas. Tsk. Hindi pa pala kumakain. =___=






"Tito babalik po ako bukas dito ah?" Nakangiting sabi ko. Hehe. Siyempre para makasama ko si babe ko. Namiss ko yun eh. Kung pwede lang sanang matulog ngayon dito kaso hindi ko din naman makukulit si Bree dahil pagod.





"Haha. You're always welcome to go here my future son-in-law." Napangiti naman ako dahil mukhang ayos na ang lahat. :)


Wala nang problema sa relasyon namin ni Bree. Baka nga kasalan na ang susunod.




"Bawal pa." Gulat na napatingin ako kay Kuya Andrew na nasa tabi ko na.



"Ha?" Naguguluhang tanong ko. At dahil pareho sila ng kuya ko ay piningot niya din yung tenga ko.




"Aray ko naman!" Reklamo ko.





"Bawal pa ang kasal. Tsaka na pag graduate na kayo!" Napanguso naman ako sa sinabi niya.




"Eh kahit ikasal kami ngayon ay pwede parin kaming grumaduate ni Bree. Hindi ko naman siya agad bubuntisin. Siyempre para hindi na siya maagaw sakin ng iba." Tinignan niya lang ako ng masama kaya napanguso nalang ako at napatingin kay Jake na naka-crossed arms na nakatingin sa akin.





The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon