Chapter 29

500 10 1
                                    

Bree's POV

It's been a week since I got hospitalized. Si Kuya ang sumundo sa amin at hindi niya ako tinigilan sa kakasermon. Kung noon eh mahigpit siya. Ngayon naman ay mas lalo!

--_____--

At isa pa tong si Larenz eh! Araw-araw na inaasar niya ako at binibisita sa bahay!

'Malamang manliligaw mo yan tanga!' Sabi ng isip ko kaya napailing ako ng mabilis at napatitig sa bear na binigay niya sakin kahapon.

"Naku! Kung hindi lang din kita gusto baka naupakan na kita diyan eh!" Kausap ko yung bear as if yun si Larenz.

"Pero salamat ha? Dahil sayo bumalik ang pagiging masayahin ko. Hindi ko alam na mahuhulog din ang loob ko sayo." Niyakap ko yung bear at tsaka nilalaro-laro.

*Tok*Tok*Tok*

Napatayo ako at naglakad papunta sa pintuan at tsaka binuksan. Seryosong nakatingin sa akin si Bryan.

"Bumaba daw tayo." Bagot na sabi niya at napakunot ang noo ko.

"Mom and Dad are back." Napatigil ako sa narinig ko at unti-unting napalitan ng inis ang maaliwalas na mood ko kanina.

"I don't want to face them right now." Malamig na sabi ko. Hindi ko alam pero ayaw ko silang makita dahil alam ko kung saan ang kakahinatnan ng usapan na naman namin mamaya. Siguradong magaaway lang kami at magsusumbatan.

"Bree. You're just going to make them angry pag di ka sumunod!" Inis na baling niya sa akin. Hindi ako gumalaw at tinitigan ko lang siya ng malamig.

"Sanay na ko." Malamig na sabi ko at tumalikod sa kanya.

"Please." Pakiusap niya. "Kahit ngayon lang. Sundin mo ko." Napabuntong hininga ako at tsaka humarap. Kitang-kita ko na nahihirapan siya sa sitwasyon ng pamilya namin.

Si Bryan. Siya lagi ang nagtatamggol sa akin kina kuya. Siya yung laging andiyan para sa akin. Kambal kami pero yung pakikitungo niya sa akin ay Kuya talaga. Lagi niyang tinatago ang mga gulong ginawa ko dahil ayaw niyang papagalitan na naman ako at sisigawan. Wala siyang pakialam kung siya ang magmukhang masama dahil kahit ano daw ay gagawin niya para sa akin.

"Fine." Buntong hininga ko. Napangiti naman siya at inakbayan ako at sabay kaming bumaba.

"We're here." Seryosong sabi niya. Napatingin naman ako sa pwesto nila Mom and Dad na naka-business attire pa at may hawak na documents. I rolled my eyes on them. Napatingin sila sa amin. Si kuya nasa isang sofa at seryosong nagmamasid lang.

"Welcome home Mom and Dad." Pilit ang ngiting ipinakita ko sa kanila pero sila naman ay hindi man lang ngumiti. Tss.

Naunang lumapit si Bryan sa kanila at nakipagbeso. Ako naman ang sumunod at akmang hahalik sa pisngi ni Mommy ay may biglang tumawag kaya lumayo na muna siya sa amin. Napabuntong hininga naman ako at lumapit kay Daddy na malamig na nakatingin sa akin.

"Dad." Humalik ako sa pisngi niya at tsaka umupo sa kaharap nilang couch. Tumabi naman sa akin si Bryan.



"How are you?" Napatingin ako kay Daddy na seryosong nakatingin sa akin.





"I'm fine Dad." Walang kangiti-ngiting sabi ko sa kanya at siya namang balik ni Mommy na tinaasan ako ng kilay.




"Oh? Baka gusto mo pang makipag-away pagkatapos lahat ng nangyare?" She said on a sarcastic way, I secretly rolled my eyes on her.




"Mom!" Pigil sa kanya ni Bryan pero hindi niya ito pinansin at nanatiling nakatayo sa harap ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.




The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon