Chapter 08

612 7 0
                                    

Brianna's POV

Nasa kalagitnaan ng discussion si sir nang biglang may pumasok na....1...2...3...4...5. Limang lalake.

>_____< Ihanda ang tenga!

"LATE NANAMAN KAYONG LIMA! ANO BANG PINAGGAGAGAWA NIYO HA?! GO TO THE DETENTION ROOM!"Bigla naman silang natarantang lima at dali-daling lumabas.







"Pffft! BWHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHA SHIT! HAHAHAHA!"Wagas na tawa ko dito sa loob ng classroom. I didn't expect na lalabas at matatakot sila kay Mr. Salvador!

Napatigil ako sa pagtawa ng bigla kong na-realize na ako lang pala ang tumatawa at nakatingin sakin lahat.

Napatingin ako kay Charise na nakangiwi ngayon then may tinuro siya sa harap.



Sinundan ko naman yung tinuturo niya. Shoot!




"GET.OUT.OF.THIS.CLASSROOM!"High-blood na sabi niya habang namumula. Napangisi nalang ako dahil makakamit ko nanaman ang freedom!



Parampa naman akong umalis at nginitian ko pa ng seductive si sir bago lumabas. Ha!

Nagpalit muna ako ng pang-sport na outfit at dumiretso ako sa may lawn tennis court. Ano bang gagawin ko don? Edi maglalaro mag-isa. May hindi pala kayo alam.


Player ako ng lawn tennis.

Wala akong naabutan na varsity dito kaya solo ko muna ako. Nilapag ko yung bag ko sa may bench then umupo muna ako para ayusin ang Nike shoes ko at mini-skirt ko.



Nagsimula na akong tamaan ang mga bola at kumuha ulit sa basket. Ayos lang naman na magkalat ako ng bola hindi naman ako ang naglilinis.

Habang naglalaro ako ay hindi ko maiwasang maisip ang sinabi sa akin ni Doctora Peach.

"Kelan mo sasabihin to sa pamilya mo?"Tanong sa akin ni Doctora dito sa office niya. Hindi ako sumagot at tulalang nakatingin sa sahig. She patted my shoulder.

"You need to tell them the truth. I know that you're not in good terms pero kelangan nilang malaman ang tungkol sa sakit mo."Mahinahon na sabi niya. Napatingin ako sa kanya na parang anytime ay bubuhos na ang luha ko.

Palakas ng palalakas ang pagtira ko sa bola habang inaalala ang araw na yun.





"May iba pa bang paraan para mawala tong sakit ko?"Kinakabahan na tanong ko at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Meron pa. Gagaling ka pa kung mag ke-chemo ka."I felt relief dahil don. I also thank God dahil may pag-asa pa akong mapagaling. Ano bang nagawa kong masama para maranasan ko to?

"Pano ko nakuha ang sakit na to? I thought nawala na to nung bata ako? Pero bakit bumalik?"Curious na tanong ko sa kanya.

"Bihira lang mangyari to iha. Yes, I thought na natanggal na to nung bata ka pa pero hindi ko din alam kung bakit bumalik ang sakit mo. Are you still drinking your medicine? Are you eating well?"Doon ko napagtanto ang dahilan ng pagbalik ng sakit ko.

Nag-chemotherapy ako ng 2 months and hindi na masyadong umaatake ang sakit ko.


Yan ang dahilan sa paglayo ko sa lahat. Hindi ako naglayas dahil sa pagka-rebelde ko kung hindi nagpapagaling ako. Wala akong salitang binitiwan nung unalis ako ng mansyon. Hindi ako sigurado kung magaling na ako pero I'm just trying to live like normal. Yung walang problema. Ang hirap pala ng ganito. Yung unti-unti kang pinapatay ng sakit.


Hindi ko namalayang may tumulong luha sa mata ko at bigla nalang napatulala sa kawalan.






"She's here!"Narinig kong tili ni Charise pero nanatili akong nakatulala. Wala na ba talaga ang sakit ko?

"Hey? Are you okay?"Naramdaman kong may nagtayo sa akin. Pero pano pag hindi pa ako magaling?

"Damn it! Umiiyak ka ba?!"

Kaya ko ba silang iwan? Kahit nagtatampo ako sa lahat hindi ibig sabihin nun na hindi ko na sila mahal.






Mahal ko sila. Mahal na mahal.




Hindi lang nila alam.


"Brianna!"Napatingin ako sa mga taong nakaalalay sakin ngayon sa harap ko. At doon ko lang sila napansin. Puno ng pag-aalala yung mga mukha nila. Bakit? Bakit sila nag-aalala? Eto ang ayaw ko sa lahat. Ang kaawaan ako.

"H-Ha?"Nauutal na tanong ko sa kanila.



"Why are you crying?!"Napatingin ako kay Bryan sa harap ko at niyuyugyog yung balikat ko. Akala naman niya na may nangyaring masama sa akin.

Napahawak naman ako sa mukha ko at dali-daling tumalikod para punasan yun. Pero naalala kong wala dito yung panyo ko nasa bench. Lalakad na sana ako papuntang bench nang may kamay na pumigil sa akin at nilagay yung panyo sa kamay ko. Gulat akong napatingin sa kanya pero seryoso siyang nakatingin sa akin.



"Wipe your tears."Napatingin nalang ako sa panyo pero maya-maya lang ay pinunasan ko na yung pisngi ko.

Pagkatapos kong punasan yung luha ko ay humarap ako sa kanilang anim.

"What?"Parang wala lang na sabi ko at pumunta sa bench. Sumunod naman silang anim at parang tinitignan kung ayos lang ako.





"Why did you cry?"Napatingin naman ako kay Bryan na madilim yung aura ngayon. I forgot. Ayaw na ayaw pala niyang nakikita akong umiiyak.





"You've got to be kidding me. Ako iiyak? Duh? Di niyo ba nakita na nakaupo ako sa sahig? Napuling ako kaya napaupo ako. Mag-isip nga kayo! Tsk."Palusot ko pero hindi parin sila nagsasalita kaya napabuntong hininga ako at binuhat ko na yung bag ko at aalis na pero bago yun....







"Kung ayaw niyong maniwala edi wag! Big deal?"I flipped my hair para mag-walk out. That's my signature for being a maldita.






"Wait! Bree sama ako!"Narinig kong sabi ni Charise at dali-daling sumabay sa akin.







"Umamin ka. Umiyak ka talaga no?"Biglang tanong ni Charise pagkapasok namin dito sa locker room ng mga varsity girls. Kasama ko siya sa Lawn Tennis.




"Hindi nga sabi eh! Teka nga? Pano natin naging classmate si Sean mo?"Takang tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi eh hindi naman namin siya kaklase.





"Nagpalipat siya eh. Hindi niya raw kaya na wala ako hihihi!"Geez. Ang korni nilang dalawa I swear.






"Oh God! Ang korni niyong dalawa!"Bitter na sabi ko sa kanya. Pero siya namumula parin. Yuck.










"Tsk. Bitter ka lang kasi hindi ka pa nak----"







"What?"Taas kilay kong tanong at bigla siyang napatikom ng bibig. Alam ko kung ano ang sasabihin niya.







"I'm sorry."Nakatungong sabi niya. Nailing nalang ako at kinuha yung uniform ko at nagpalit na at may susunod pa kaming klase.

The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon