Chapter 76

499 4 0
                                    

3rd Person's POV

Halos hindi maubos ang luha ni Larenz habang binabasa ang sulat ng taong mahal niya. Ang huling mensahe niya para sa kanya. Napahigpit ang yakap niya sa unan at tsaka hinalikan ito habang binabasa ang sulat.

Babe ko. Ang sakit pala pag ganito. Ayokong iwan ka pero talagang kinuha na ako ni Lord pag nabasa mo na to eh. Yung mga habilin ko sayo wag mong kakalimutan ha? Babe...patawarin mo sana ako sa pagiwan ko ha? Pasensya na dahil hindi ko agad nasabi. Natatakot akong malaman mo dahil alam kong masasaktan ka din kagaya ko. Nakakalungkot lang dahil hindi ko na magagawang lumabas kasama ka. Hindi na kita mayayakap, mahahalikan at mahahawakan. Hindi kita kayang iwan kaya habang may oras pa ako at hanggat kaya ko pa ay lumalaban ako para makasama ka. Dahil iniisip ko palang na maiiwan kita sa mundong to ay sobrang sakit na. Wag ka ng umiyak babe ha? Mas nasasaktan ako eh. Mahal na mahal na mahal kita babe. Masaya akong dumating ako sa buhay mo. Maraming salamat sa lahat babe. I love you. Goodbye.



Hindi na napigilan ni Larenz ang emosyon niya kaya ikinulong niya nalang ang mukha niya sa unan ni Bree at tsaka doon ibinuhos ang sakit na nararamdaman habang niyayakap niya ito.




"Babe pwede bang bumalik ka?" Mahinang hikbi niya. "Miss na miss na kita babe. Sana pala hindi na ako umalis sa tabi mo. Kung alam ko lang na yun ang huling beses na makakasama kita. Hindi na dapat ako umalis sa tabi mo. Babe sorry. I'm sorry babe. Please bumalik ka." Humahagulhol sa unan na iyak niya.

Sa halos lahat ng umiiyak ay mas naiyak si Bryan ng mabasa ang sulat ng kambal niya. Siya yung pinakanasasaktan maliban kay Larenz at sa iba.

Kuya. :) Salamat sa lahat ah? Sa pagtatanggol mo sakin simula palang nung bata tayo. Salamat dahil lagi kang nandiyan sa tabi ko. Sa lahat ng taong nakapalibot sa akin. Ikaw yung hindi nangiwan at hindi nagsawang mahalin ako kahit na nagagalit ako sayo minsan. Sorry kuya ha? Naging matigas ang ulo ko kapag sinusuway mo ko pero hindi mo magawang magalit sakin dahil mahal mo ko. Ikaw ata ang pinaka the best na kapatid ko alam mo yun? Alam kong umiiyak ka na ngayon pagkabasa mo tong sulat ko. Pero oras ko na talaga eh. Dibale mananatili kayong lahat sa puso ko. Sorry kasi yung pangarap nating dalawang ga-graduate eh hindi na matutupad. Sorry kuya ah? Hindi kita masasabayang magsuot ng toga at magmartsa sa graduation. Sorry din kasi hindi ko na din maabutan yung debut mo. Wala ng kukulit sakin dito. Wala na yung kambal kong makulit. Yung magaalaga sakin dito. Yung pag may mangaaway ipagtatanggol agad ako. Mamimiss kita kambal ko. Maraming salamat sa lahat ah? Matatanggap niyo din ang pagkawala ko. Mamimiss ko yung yakap mo pag umiiyak ako. Yung pagiging sweet mo sakin. I love you Kuya kambal ko. Goodbye.


Hindi na napigilan ni Bryan ang nararamdaman kaya agad niyang nasuntok ang pader na nasa likod niya. Tsaka napatingin sa group picture nilang lahat sa frame.

'Bakit ang aga mo namang mawala sa amin Bree? Ang hirap eh. Hindi ako sanay na hindi ko nakikita yang mukha mo sa bahay. Akala ko pa naman matitikman ko pa yung mga luto mo.' Bulong ni Bryan sa sarili niya habang nakatingin sa nakangiting picture ni Bree.



Halos lahat ng barkada ay nagluluksa habang umiiyak sa kanya-kanyang pwesto. Hindi nila magawang ngumiti man lang dahil sa sakit na nararamdaman nila sa pagkawala ng importanteng kaibigan sa kanila. Para narin kasing magkakapatid ang turingan nila sa isat-isa.

---

Kinabukasan..

Ito na ang huling araw na makakasama nila ang katawan ni Bree dito sa lupa. Kaya hindi sila umalis kahit ni minuto ay walang umalis dahil ayaw nilang umalis sa lugar na meron si Bree. Mugto parin ang mga mata nilang lahat.


"Arf! Arf!" Napatingin lahat ng tao sa kakapasok lang na aso.



"Thalia!" Sigaw ni Jake habang nakasunod siya dito pero napatigil sila nung nakita yung ginawa ni Thalia.






The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon