Chapter 10

637 8 0
                                    

Larenz POV

Sinipa ko ng malakas yung pintuan kaya kitang-kita namin ang nangyari sa loob. Halos manlaki ang mata ko and I automatically clenched my fist.  I don't know why am I acting like this but one thing is for sure. I'm angry. Napakawalang hiya ng mga hayop na to!

Natigil sila sa ginagawa nila nung nakita nila kami at gulat na gulat. Biglang uminit yung ulo ko at hindi ko alam pero bigla ko nalang hinablot yung collar ng lalaki na humahalik kanina kay Brianna.

"Gag* ka! What the hell did you do?!"Pinagsusuntok ko nalang siya hanggang sa mawalan siya ng malay. Binugbog namin lahat ng lalaking andito.

"Son of bitch! Mapapatay ko kayo!"Galit na galit si Bryan at kita sa mukha niya na hindi tanggap ang mga nangyari. Pinipigilan naman siya nina Clarence dahil wala nang malay ang pinagsusuntok niya.

Lumapit ako kay Brianna na nanginginig sa takot sa gilid. Halos masira na din ang uniform niya. Hinubad ko yung leather jacket ko at ibinalot sa kanya pero tinapon niya lang to sa gilid. I can saw that she's really in trauma.

"Hey, you're safe. Don't worry."Bigla siyang tumingin sa akin pero wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Agad namang lumapit ang kambal niya at itinayo ito.

"Hey. Relax, it's me."Mahinahon niyang sabi sa kambal niya habang nanginginig. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin, but that look was a weak one.

"K-Kuya..."She said before she passed out. Buti nalang at nasalo siya agad ng kambal niya at binuhat.

"Wait!"Pigil ko sa kanila at kinuha yung jacket ko at pinangtakip sa sirang uniform ni Brianna. Nagulat naman sila sa ginawa ko.

"Bro? It's your favorite jacket. Hindi mo nga yan pinapahawak sa iba eh."Sabi ni Bryan. Umiling lang ako at tumingin sa magand---maamong mukha ni Brianna.

"Yes. Pero mas kailangan niya."I tapped his shoulder at nauna nang umalis.

I felt strange. Bakit ganito nalang ako mag-alala sa kanya?

Siguro kapatid siya ng bestfriend ko. Yeah tama. Yun nga ang dahilan at wala ng iba.


Brianna's POV

"Oh gising ka na pala."Napatingin ako kay Bryan at sa iba pang nandito. Anong nangyari? Inilibot ko naman kung nasan ako.....Not again. Dali-dali naman akong tumayo.

"Teka! Magpahinga ka muna."Seryosong sabi ng kambal ko at kitang-kita sa kanilang lahat na gusto nila akong pigilan pero tinignan ko lang sila ng malamig.

"I don't want here."Napatingin ako kay Charise na nanlalaki yung mga mata niya na parang may naalala. Tumingin siya sakin na parang humihingi ng tawad. Ngumiti lang ako sa kanya ng mapakla.

Aalis na sana ako ng napansin kong nakasuot ako ng leather jacket at dun ko naalala ang mga nangyari. I almost got raped! I clenched my fists.

"Hey are you okay?"Rinig kong tanong ni Larenz pero hindi ko siya sinagot. Naglakad ako palabas ng bigla nalang niya akong pinaharap sa kanya.

"Diba sabi namin na magpahinga ka muna?!"Galit na sabi niya pero malakas kong tinabig ang kamay niya 

"What the hell is your problem?! Wag ka ngang makialam!"Nakakabwisit! Alam na nga lang na mainit ang ulo ko nakikisabay pa siya! Sino ba siya para diktahan ako?!

"Ha! You're unbelievable! Kami na nga lang ang concern ikaw pa galit. Bahala ka nga!"Galit na sigaw niya at tsaka padabog na lumabas siya ng clinic. Nakatingin lang ako sa pinto kung saan siya lumabas. I felt guilty.

"Hindi mo dapat siya pinagsalitaan ng ganon. Pasalamat ka pa nga nahanap ka niya."Napatingin ako kay kambal. Napatungo nalang ako at lumabas na ng clinic.

Hindi naman yun ang ikinagagalit ko eh. Yung mga nangyari noon dito sa clinic.

Mark Daniel S. Vaizsh was my first boyfriend and heartbreak. Nakilala ko siya noon sa park nung time na nag-away kami ni Matthew. He was there to comfort me at madaling nahulog ang loob ko sa kanya.

Hindi ko namamalayan na nililigawan niya ako pero nung time na sinagot ko na siya dun ko lang nalaman na inutusan siya ni Jane na paasahin ako. Narinig ko yung mismo sa clinic. Nagpunta ako doon dahil sa nahihilo ako pero dun ko lang pala nalaman na mahal niya si Jane at hindi ako.

Hindi ko alam pero galit ang naramdaman ko. They betrayed me, they destroy my life. Hindi ko alam kung bakit ginagawa to ni Jane. Nagpakita ako sa kanilang dalawa nung moment na yun at makikita kong gulat na gulat sila nung makita ako. Pero ni kahit isang butil ng luha hindi ako naglabas.

I slapped their faces dahil sa panlolokong ginawa nila sa akin.  Mark tried to explain pero hindi ko na siya hinayaan dahil mismong ako ang saksi kung pano nila ako niloko at hindi na ulit ako magpapaloko.

Nung araw na yun ay bigla nalang silang naglahong dalawa pero alam ko kung saan si Jane pero hindi si Mark at hindi ko na sila pinakealaman.

I felt guilty what I've said a while ago. Nadala lang siguro ako sa galit. San ko kaya mahahanap yung Larenz na yun? Hindi ko naman sinasadyang lumabas sa bibig ko yun.

Tingin ng tingin sa akin yung mga iba dahil sa itsura ko. Duh? Sinong hindi mapapatingin sakin? I looked like wasted person. Naka-skirt at naka-black leather jacket.

Nakita ko naman agad siya sa may soccer field at naka-upo siya sa pinaka-gitna at hindi ata niya pinapansin yung mga babaeng tumitili sa may bench. I just rolled my eyes. Bat ba sila patay na patay sa lalaking to?

Naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa tabi niya. Napatingin naman siya sakin pero iniwas niya din. I know na nagpapasensya lang siya saken dahil ramdam kong gusto niya akong saktan. Subukan niya lang at manghihiram nalang siya ng mukha ng aso.

"Leave."Seryoso niyang sabi at ako naman, imbes na umalis tumingin din ako sa tinitignan niya.

"May problema ka ba?"Halata ko kasing malayo yung tingin niya at kanina ko pa napapansin na masama ang timpla ng mukha niya.

"It's none of your business."Matabang na sabi niya. Napabuntong hininga naman ako.

"Sorry pala."Huminga ako ng malalim at itinuloy ang pagsasalita. "I didn't meant to say those words. Pinaka-ayokong puntahan don eh."Napatingin naman siya sa akin.

"Why?"He asked. Ngumiti ako ng mapakla.

"It's nothing. Nga pala, hindi mo ba kukunin tong jacket mo?"Tatanggalin ko na sana pero pinigilan niya yung kamay ko at tumingin sakin ng seryoso.

"You can return that tomorrow. Not now, masisilipan ka."Biglang nanlaki yung mga mata ko. Dali-dali naman akong tumayo at hinarap siya. May naalala kasi ako.

"Thank you for saving me."Binigyan ko siya ng totoong ngiti at tila nagulat siya pero tumalikod na ako at naglakad.

Uuwi na muna siguro ako dahil feeling ko pagod na pagod ako. Hindi ko alam pero napapangiti ako sa walang dahilan.

The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon