Chapter 66

368 4 0
                                    

Bryan's POV

"Bakit wala si babe ko?!" For the nth time na tanong ni Larenz dito sa airport.

=_______=


"Arte mo! Talo mo pang nag-abroad. Kainis ka ah! Kanina ka pa reklamo ng reklamo diyan! Sapukin kita diyan eh." At ang gago? Ayun! =___= Inirapan lang ako. Tsk.

"Mommy Daddy! Sasama muna ako sa bayaw ko!" Parang batang sabi ni Larenz. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Naiiling na pinagmasdan ko lang sila.

"Hindi na anak. Sasama kami ng Dad mo. Miss na namin yung balae namin." Sabi ni Tita.



"Eh mom! Gusto kong masolo si Bree! Baka kukunin mo nanaman siya mamaya sakin! Naman eh!" Inis na napapasabunot sa buhok na reklamo niya. Binatukan naman siya ng dad niya. Pagdating talaga kay Bree ay nawawala ang pagka-cool niya. (--,)

"Bawal na ba naming makasama ang magiging daughter-in-law namin anak ha?!" Nakapamewang na tanong ni Tito at tumango-tango naman si Kuya Neil at ni Kuya Andrew.






"Bawal Dad! B.A.W.A.L. Bawal! Ako lang dapat!" Parang batang sabi niya at nagpapapadyak. Nagulat naman ako ng bigla siyang piningot ni Kuya Niel.







"Para ka talagang bata! Umayos ka nga!" Sita niya sa kapatid niya. Marahas namang tinanggal yung kamay ng kuya niya sa tenga niya.




"What the F! You don't need to twist my ears! Isusumbong talaga kita sa girlfriend ko at sasabihin kong hindi ka niya pakakainin!" Salubong ang kilay na sabi niya. Napailing nalang kaming lahat at nagtungo na sa kotse. Habang nasa biyahe kami ay.....






"Aish! Why didn't she answer my phone calls?! Bakit hindi siya sumama?!" Inis na tanong niya sa sarili niya. Kami naman ay nakatingin lang sa kanya dahil.....ANG INGAY NIYA!! At pinapanuod namin kung gano kalakas ang pagpindot niya ng cellphone niya.



"Ergh! Babe! Answer it!"

"Malalagot ka talaga sa akin babe!"

"Last na!"

"Eto na! Last na talaga! Pag hindi mo pa sinagot magtatampo na talaga ako!"



"Aish! Nakakatampo naman!"



"Ayun! Andito na pala tayo hehe. Tara na! Miss ko na si babe ko." Nauna siyang lumabas at nagkatinginan naman kaming lahat at tsaka sabay-sabay na napailing.

Pagkapasok namin sa loob ay nagbatian naman silang lahat. Habang si Larenz naman ay nakita kong galing sa kwarto ni Bree at nakasimangot na bumaba habang nasa likod niya si Jake na parang rinding-rindi ang mukha dahil nasa magkabilang gilid ng tenga niya yung kamay niya.


"Asan ba kasi yung babaeng yun?" Malakas na tanong niya.


"Di man lang ako tinawagan na lalabas!" Sabi niya ulit. Hanggang sa nakababa siya ay wala sa sariling bulong siya ng bulong pero naririnig namin.


"Eh san naman kaya nagsusuot yung babaeng yun?!"

"Aish! Ang kulit niya talaga!"

"Ano kaya oras siyang uuwi?"




"Pero! Hindi ba siya excite----"




"Argh! Ya!! You're so loud! Will you shut up your annoying voice?! You're talking too much and you're acting like a three year old kid!" Nakapamewang na sabi ni Jake sa kanya.




The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon