Chapter 59

347 5 0
                                    

Larenz POV


Napapatingin nalang ako dito sa may dulo ng sofa habang pinapanuod ko ang taong mahal ko na tumatawa dahip sa video ni Kian at nung babaeng nanulak daw sa kanya sa mall.



"Hahaha! Hanep Kian! Para kayong may LQ dito!" Natatawang sabi ni Charise kaya nakisabay nadin yung dalawa.









"Hahahahaha! Hindi ko to ma-absorb!" Napapahawak sa tiyan na tawa ni Sean at napatingin naman ako kay Bryan sa isang tabi na tahimik na nakikinig sa mga biruan ng mga kaibigan namin. Lumapit naman ako sa kanya at tumabi kaya napatingin siya sa akin ng masama at umusog malayo sa akin.






Makalayo naman to parang rereypin!








"Bro hintayin kita sa labas." Napatingin naman silang lahat sa akin sa sinabi ko. May mali ba?










"Bakit ganyan kayo matingin?" Inosenteng tanong ko. Hindi ko mahulaan kung anong klaseng pagtitig ang binitawan nila sa akin eh at halos napapanganga.







"W-Wag mong sabihing...." Hindi na natapos ni Kian ang sasabihin dahil sabay-sabay na sila sa susunod nilang sinabi.








"MAY AFFAIR KAYONG DALAWA?!" Hindi makapaniwalang tanong nila kaya napa-poker face nalang kami at iiling-iling na lumabas.









"Bro galit ka pa rin ba?" Tanong ko sa kanya habang pareho kaming nakasandal sa wall at malayo sa tambayan namin.








"..." Napabuntong hininga naman ako.









"Nag-sorry na ako kay Bree sa maling nagawa ko at ayos na kami. Mahal na mahal ko ang kambal mo at hindi ko na siya kayang pakawalan pa. Kung makikiusap kang layuan ko siya ay wag ka nalang. Dahil hinding-hindi ko yan kayang gawin." Seryosong sabi ko sa kanya. Narinig ko naman siyang napangisi.









"Pero nagawa mo na. Muntik nang mamatay ang kapatid ko kung hindi ko siya hinanap sa pagpapabaya mo!" Ramdam ko ang galit at diin sa mga sinasabi niya kaya napatungo ako.










"I know it's my fault. Pero sinabi ko naman kanina na hindi ko na ulit yun gagawin. Alam kong kasalanan ko ang lahat kaya ginawa ko ang best ko para humingi ng isa pang pagkakataon sa kanya. At ngayomg binigay niya iyon ay hinding-hindi ko yun sasayangin."








"Pero sana kung galit ka sakin wag mo namang idamay si Bree. Sakin mo nalang ibunton lahat ng galit mo at wag kang umasta ng ganyan kay Bree. Nasasaktan siya sa pagtrato mo sa kanya." Seryosong sabi ko.












"O? Tapos ka na ba?" Hindi naman ako makapaniwala sa naging sagot niya kaya napakuyom ang kamao ko.












"Wag naman sanang makitid ang utak mo Bryan! Alam kong matalino ka! Kaya gamitin mo yan----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang niya akong kwelyuhan at sinuntok ng malakas kaya napatumba ako sa sahig.











Damn! It hurts!






Lumapit siya sa akin at sapilitang itinayo habang malamig na tumingin sa mga mata ko.












"Wag kang magsalita na parang alam mo ang nararamdaman ko! Dahil wala kang kapatid na babae!" Sigaw niya at tsaka ako muling sinuntok at sakto namang lumabas yung mga kaibigan namin at dali-daling pinigilan si Bryan.







"Bryan! What the hell are you doing?!" Galit na sigaw ni Bree at tsaka ako nilapitan at tinignan ang pasa ko.











"It's okay babe." Tinulungan niya akong tumayo at tsaka siya masamang tumingin kay Bryan.







"Ano bang nangyayari sayo Bryan?! Why did you punch him?! Hindi ka naman ganyan dati ah!" Galit na buntong ni Bree sa kapatid niya kaya hinawakan ko siya sa kamay para pigilan.






"Don't stop me of what I am going to do!" Inis na buntong niya sa akin at tsaka humarap kay Bryan. "Hindi na kita kilala. Hindi na ikaw ang kambal ko na laging umuunawa pag may problema ako." Naiiyak na sabi ni Bree at napaiwas naman ng tingin si Bryan at tsaka napakalas sa pagkakahawak sa kanya ni Harry at Kian.










"You're asking me now?" Hindi makapaniwalang tanong niya at tsaka biglang sumeryoso.









"Bilang Kuya mo Bree ayokong nasasaktan ka. I already warned this guy that when he's going to hurt you again ilalayo kita sa kanya! And you know what? After the following week! Ayan! Dahil sa pagiging ma-pride at pagpapabaya niya ay muntik ka ng mamatay! At tapos tatanungin mo ko kung bakit ako nagkakaganito?! Hindi mo ba alam kung gano kasakit sakin na makita kang umiiyak gabi-gabi dahil sa lalaking yan?! Ang hindi ko maintindihan sayo ay binigyan mo pa talaga ng chance! Wag kang tanga Bree! Kung ginawa niya nung una at pangalawa pano pa ang susunod?! Gagawin niya ulit----"














"You don't know anything." Malamig na sabi ko sa kanya pero napangisi lang siya.













"Gago mo rin eh noh? Ginagawa ko to para sa kapatid ko at para malinawan siya na hindi na dapat siya pwedeng masaktan ulit! Bilang kapatid, ayokong nakikitang nasasaktan ang kapatid ko dahil ganyan ko siya kamahal!" Galit na sigaw niya sa amin.










"I get your point Bryan. Lahat naman ng taong nagmamahal ay nasasaktan! Walang taong hindi nasasaktan dahil sa pag-ibig. Pero sana naman maintindihan mong mahal ko siya at mas lalo ko lang sasaktan ang mga sarili namin kapag ipagtatabuyan namin ang isat-isa. Maintindihan mo naman sana ako Bryan. Hindi ba pwedeng maging masaya ka nalang ulit para sa amin?"











"Bahala ka! Tapos ano? Pag nasaktan ka iiyak ka ulit? Tas pag may nagyaring masama sayo ako na naman ang sisisihin?! Ganun ba?! Wag ka ngang tanga! Ang sakit mo na masyado sa ulo para alalahanin ka pa Bree! Malaki ka na para ipabantay pa sa akin nila Dad!" Galit na galit na sigaw niya. Hindi makapaniwalang napatingin naman siya sa kapatid mo.









"Bryan! You're being too much." Inis na sabi ko sa kanya pero tinignan lang ako ng masama.









"S-Sorry ah?" Napatingin naman kaming lahat kay Bree na biglang pumiyok. Napatungo kasi siya sa sinabi ni Bryan.











"H-Hindi ko naman alam na magiging sakit na din pala ako sayo sa ulo. Sana pinabayaan mo nalang ako nung time na yun kesa isumbat mo sakin ngayon yan. Kasi para mo na rin akong sinampal." Umiiyak na sabi niya. Magsasalita pa sana si Bryan ng pinigilan siya ni Bree.










"Sinampal sa katotohanang mas masakit pa sa pisikal na karamdaman. P-Pero diba? D-Diba bilang kuya dapat ikaw ang unang nakakaunawa sa kasiyahan ko? Pero bakit pilit mong pinagdadamot? Pwede namang itama lahat ng pagkakamali eh. Pwedeng-pwedeng itama kung gugustuhin at yun ang ginawa ni Larenz. Masyado kang nabulag sa maling ginawa niya. At tsaka, wag kang mag-alala sasabihin ko mismo kina Dad na kaya ko na ang sarili ko at hindi mo na ako kelangang bantayan at pakialaman. H-Hindi ko naman kasi alam na pinapabantay ako sayo kaya simula ngayon wag mo ng gawin. Wag mo na din sana akong pakialaman baka mas lalong sasakit yang ulo mo." Pilit ngiting sabi niya at bago naman siya tumalikod ay....











"Sana pala sinabi mo na nung una palang yan para naman hindi ka napipilitang alagaan ako. Dahil parang pinamukha mo lang sa'kin kung gano talaga ako kasakit sa ulo sa pamilyang to." Malamig na sabi niya at tsaka umalis. Naiiling na tinignan ko ngayon si Bryan na hindi alam ang gagawin.









"Imbes na pagaanin mo ang sitwasyon ay mas lalo mo pang pinalala. Ikaw ang gago dito Bryan at hindi ako." Malamig na sabi ko at tsaka sinundan si Bree.

The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon