Chapter 68

371 4 0
                                    

Bree's POV


Ayos na ako sa ganito. Wala akong ibang ginawa kung hindi ilaan ang oras ko para sa taong mahal ko. The whole time na nakatitig lang ako sa itsura niya at bakas ang kasiyahan sa kanya. God knows kung ilang beses kong pinigilan ang pag-iyak. Naiiyak ako dahil sa rason na hindi na ulit mangyayari to dahil ito na din ata ang huling beses. Ang huling beses na lalabas kami dahil pahina na ng pahina ang katawan ko. Gustuhin ko mang maging malakas pero unti-unti ng kumakalat ang sakit ko sa katawan ko.


Huling beses para makita ang mga ngiting yan. Yang mukhang yan na laging nakikita ko. Laging nangungulit at walang ibang ginawa kung hindi iparamdam kung gaano niya ako kamahal. Yung mga yakap niya, yung paraan kung pano niya hawakan ang mga kamay ko, yung mga halik niya.







"Natulala ka na naman sakin babe." Nasa Snow World parin kami at nagpapahinga konti at kanina ko pa siya tinititigan at kanina pa niya yan sinasabi.







"Ang gwapo mo kasi eh." Napangiti naman siya at tsaka pinisil ang pisngi ko.








"Alam ko babe. Kaya nga kita mahal na mahal eh." Tss. Konek? Naiiling na iniwas ko ang tingin ko sa kanya.








"Oh? Bakit? Totoo naman yun ah?" Sabi niya nung hindi ako nagsalita pero nangingiti lang ako sa kanya at hinila siya sa may photographer.








"Magpapapicture ba kayo?" Tanong niya sa amin kaya tumango kaming dalawa.








"Yung pinaka-best po ah?" Natawa sila sa sinabi ko at tsaka kami humanap ng pwesto at tsaka nagpicture.







"I love you." Napatingin ako kay Larenz at tsaka saktong nagdikit ang mga labi namin.








"Wow! Nice shot!" Napakalas si Larenz at ngiting-ngiting tumingin sakin at tsaka kami lumapit sa photographer.









"Ito na ata ang pinakamagandang kuha ko ngayong araw." Napatitig ako sa picture at napangiti nalang ako dun.





Pagkatapos namin sa Snow World ay napagdiskitahan naming pumunta ng Gabi ng Lagim. Dun sa multo-multo. Kaya pagpasok namin ay mahigpit ang hawak ko kay Larenz.






"Relax I'n always here babe." Bulong niya sa tenga ko at tsaka niya ako inakbayan habang naglalakad.




"AHHH!" =______=






"Ano ba yan! Mas takot ka pala sakin eh! Nasa entrance palang tayo!" Nabubugnot na sabi ko kay Larenz na biglang sumigaw.




"Damn. Nakakatakot yung matandang to eh!" Akmang kukutusan ni Larenz yung multo eh hinila ko na siya habang tumatawa. Kaya the whole time eh siya yung nagugulat at sumisigaw at napakapit sa akin ng mahigpit kaya naman hanggang sa paglabas ay tawa ako ng tawa habang siya naman ay naka-poker face lang siyang nakatingin sa akin.






"Hahahahahaha! Ang bakla mo talaga babe. Hahaha!" Napapahawak sa tiyan kong tawa at tsaka nagpunas ng luha.





"Tss. I'm not a gay. Nakakagulat lang talaga sila." Depensa niya pero tinawanan ko ulit siya at puro naman siya reklamo.





"Babe naman eh!" Hahaha! Nakakatuwa talagang panuorin tong si Larenz.







"Haha. Eto na eto na." Tumahimik na ako at tsaka kumapit sa braso niya at pumunta sa may...






The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon