Chapter 22

503 8 0
                                    

3rd Person's POV

'House of Angels'

Nakangiting pinagmamasdan ng isang dalaga ang mga batang naglalaro sa playground habang may katabing madre. Nakikita niya sa mga mukha ng mga bata na hindi inaalintana ang sakit nila at pinapairal ang pagiging masaya.

"Alam mo po sister kung sino pa yung may mga sakit o kaya may mga kapansanan, sila pa ang may kakayahang magpapasaya sa atin." Biglaang bigkas ng dalaga. Napangiti naman ang madre sa sinabi ng dalaga.


"Tama ka diyan iha. Nakakalungkot lang dahil ang bata-bata pa nila para maranasan ang ganyang sakit." Naluluhang sabi ng madre. Napatingin naman dito ang dalaga at hinaplos ito sa likod.




"Siguro nga may dahilan ang Diyos at may magandang plano para sa kanila Sister Fe. Hindi man sila tatagal sa mundong ito ay binigyan pa rin ng chance ni Lord na maranasan nila ang mabuhay at mahalin kahit sa maikling panahon lang. I know that God has a reason for doing this. Siguro yung pwedeng reason ay para maging lesson na wag sayangin ang oras habang kasama pa rin natin sila. Dahil pag sinayang natin ang pagkakataon na yun ay hinding-hindi na natin yun maibabalik dahil wala na sila sa mundong ito." Malungkot na saad niya sa Madre at biglang naluha. Tinignan lang siya ng Madre at hindi niya maiwasang mamangha sa kabaitang pag-uugali ng dalagang pinagmamasdan niya.

"Ahh!Why am I crying?" Tumingala siya para pigilan ang luha niyang balak kumawala. Tinapik naman siya ni Sister Fe sa balikat.





"Ilabas mo lang yan iha. Wala naman masama sa pag-iyak." Natatawang saad niya sa dalaga. Napangiti naman siya sa sinabi ng madre.





"Kaya ko pa to sister." Nakangiting sabi niya sa madre. Napailing nalang si sister Fe sa kanya.


"Ikaw talagang bata ka. Ayaw na ayaw mo pa ring nakikita kang umiyak. Hay!" Gumaan naman ang loob ng dalaga dahil sa narinig niya.




Tahimik lang siyang nanonood sa mga bata ng may biglang tumabi sa kanyang isang babaeng batang maganda naka-dress at may hawak-hawak na halaman na nakapaso sa maliit. May isang siyang yellow flower sa gitna at halatang naalagaan.




"Hello po ate!" Masiglang bati ng bata sa kanya. Napangiti naman silang dalawa ni Sister Fe. Dahil sa inasal ng bata, napakasiglang bata na akala mo ay walang iniindang sakit dahil sa pagka-hyper niya.





"Hello baby girl! Ang ganda mo naman." Nakangiting sabi sa kanya ng dalaga. Napahagilhik naman yung bata.




"Hihihi! Thank you po ate! Pero mas maganda po kayo sa akin eh! Anong pangalan mo po ate? Dati na po kitang nakikita dito pero ngayon lang po kita nilapitan kasi po natatakot po ako sa ibang tao eh. Pero ngayon hindi na po ako takot! Promise!" Natawa silang pareho ni Sister ng bigla nalang tinaas ng bata ang kanyang kamay.




"Hahaha! Wag kang matakot sa ibang tao. Mababait naman ang mga tao dito baby eh." Napa-pout nalang ang bata sa sinabi ng dalaga.



"Ang cute mo talaga! Anong pala pangalan ng baby girl ko?" Malambing na tanong niya sa bata. Nagulat nalang siya ng bigla siyang niyakap ng bata at naramdaman niyang basa ang kanyang bewang.






"H-Hey baby girl. Why are you crying?" Nagaalalang tanong niya sa bata.





"*Sniff* Eh kasi po first time lang pong may tumawag sa akin ng baby girl ko *Sob* matagal ko na po kasing gustong marinig yan pero wala po akong mga magulang kagaya nila. *Sniff* Patay na si mom and dad." Umiiyak na sabi ng bata. Niyakap niya naman ito at hinalikan sa noo.





"Wag kang mag-alala baby girl. Pwede mo naman akong tawaging mommy eh." Nakangiting sabi ng dalaga. Napatingala sa kanya ang bata at biglang nagningning sa saya ang mga mata niya.





"T-Talaga po?" Hindi makapaniwalang tanong niya.


"Oo naman! Ano bang pangalan ng baby girl ko?" Tanong niya ulit sa bata.






"Ako po si...."




"AYESHA! I TOLD YOU TO WAIT FOR ME THERE! WHY DID YOU RUN AWAY?!" Nagulat ang dalaga ng may biglang sumigaw na batang lalake at hinihingal dahil siguro sa pagtakbo.




"Sorry na kuya. I want to talk to mommy kasi eh. Look we have a mommy na!" Masayang sabi niya sa kapatid niya. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ng kapatid niya at tumingin sa dalaga ang batang lalake.





"No! She's not our mom! Let's go Ayesha!" Sabay higit niya sa kapatid niya pero bigla itong umiyak. Pinapatahan ng kapatid niyang batang lalake pero hindi pa rin tumitigil pati kay Sister Fe ay hindi rin siya mapatahan. Bigla naman siyang binuhat ng dalaga at dahilan para matahan siya sa pag-iyak.



"Tsk." Ani ng batang lalake.





"Stop crying na baby. Hindi ka dapat umiyak papangit ka nyan sige." Bigla nalang nag-behave ang batang babae at tumingin kay kuya niya at napa-pout.




"Kuya Jake she's a good mother! Don't be sungit-sungit to her kuya pretty please!" Puppy eyes na pakiusap niya sa kuya niya. Napatingin naman siya ng seryoso sa dalaga at napabuntong hininga. Hindi siya sumagot.





"Let's go Ayesha. It's time for your medicine." Bumaba naman siya sa pagkakabuhat sa kanya ng dalaga at humarap sa kanya.






"Mommy. I'm Ayesha Dyrille Hoastley and this is my brother Kuya Christopher Jake Hoastley. Nice to meet you mommy!" Napangiti naman siya sa kanilang dalawa pero hindi pa rin ngumingiti ang batang lalake at parehong salubong ang kilay niya. Halatang ayaw niya sa dalaga.





"Ah wait!" Sabi ng batang babae at kinuha yung halaman na hawak niya kanina at binigay sa dalaga.





"This. I will give this to you since your my mommy now. This plant represents my life mommy. Remember mom, pag naging brown lahat ng color green niya ay wala na ako." Sabi ng bata at nakatingin sa halaman na hawak niya. Bigla namang nagalit ang kanyang kuya.



"Ya! Don't say that! I will not let that happen! Let's go!" Sabi niya sa kapatid niya. Lumuhod naman ang dalaga at pinantayan si Ayesha habang binibigay ang halaman sa kanya.





"Don't worry. I'll take care of this plant baby girl. Wag kang mag-alala. Bibisitahin ko ulit kayo ng kuya mo dito." Nakangiting sabi niya at hinalikan ito sa noo. Tumingin naman siya sa batang lalake.



"Hey baby boy! Come here." Hindi lumapit ang bata kaya siya na ang kusang lumapit at binigyan din ito ng halik sa noo.


"Aish!" Reklamo ni Jake at pinunasan ang noo niya. Napatawa nalang ng mahina ang dalaga at hinaplos ang buhok ni Jake.


"Nakakatuwa ka talaga." Nakangiting nakatingin naman ang batang Ayesha sa dalawa. Todo irap naman si Jake sa dalaga kaya tawa ng tawa si sister.



Hinigit na ni Jake ang kapatid niya paalis ng biglang napatigil si Ayesha at lumingon sa dalaga.




"Mom! Your name. You didn't  tell your name to me a while back." Naka-pout na tampo nung bata.


Napangiti ang dalaga at unti-unting ibinuka ang bibig para mabigkas ang kanyang pangalan.




"Brianna Sharpey Xiu baby girl. Baby Jake take care of your sister ha?" Baling niya sa kay Jake.




"Don't call me baby!" Inis na sigaw niya at hinila na ang kapatid niya. Natawa nalang si Bree kay Jake dahil mailap ang bata. Napatingin naman siya sa hawak niyang halaman.

'I'll take care of this' Nakangiting sabi niya sa kanyang isip.

The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon