Chapter 23

517 7 0
                                    

Brianna's POV

Napangiti ako habang tinititigan ko yung halaman na binigay ni Baby Ayesha sa akin. Napaka-gaan ng loob ko sa magkapatid na yun kahit na sobrang ilap ni Baby Jake sa ibang tao. I know that he has a soft side at ayaw lang niyang ipakita.

Napag-alaman ko na kaya siya napadpad sa 'House of Angels' ---which is pag-aari ko. Wala siyang sakit at andun siya para alagaan ang kapatid niya dahil wala na nga silang magulang. Bilib ako sa batang yun dahil siya ang tumatayong nanay, tatay at kuya ni Baby Ayesha. Kahit sa murang edad niya lang ay napaka-matured niyang mag-isip.





Pinatayo ko ang 'House of Angels' para matulungan ko ang mga batang may cancer. Alam kong napakahirap para sa mga magulang nila na makita ang anak na nahihirapan sa kanilang buhay kaya naman nagpasya ako na doon na sila tumira dahil kompleto na naman lahat doon at wala silang dapat ipagalala dahil walang bayad yun. Bukal sa loob kong tumulong at hindi ako nagkamali na ipatayo ang charity na yun.


Tinupad ko naman ang pangako ko sa kanilang dalawa na palagi akong bibisita doon. Kaya pag vacant time ay agad akong pumupunta doon para bisitahin sila. Alam kong napapalapit na din ang loob sa akin ni Baby Jake pero ayaw niyang ipakita yun kaya sinusungitan niya ako minsan. Napapangiti nalang ako sa nakikita kong improvement sa kanya.


Kapag uwian naman ay bibisita ako saglit don dahil may mga homework pa akong gagawin. About naman kay Larenz ay hindi ko siya pinapansin. Tsk. Dati naman ah. Paglalapit siya at akmang kakausapin ako ay kunyari ay may kinakausap ako kay naiitsapwera siya.






*BLAAAAG*

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang may narinig akong ingay kaya napatingin ako sa isang room.


Napailing nalang ako habang nakatingin ng palihim sa vacant room. Sinasaktan ni Jane at ng mga alipores niya ang isang nerd na isang lalake at babae.

Baliw ba yang mga yan?! Bat di sila lumaban?! Bat nila hinahayaan na saktan sila?! Naiinis na bulong ko sa sarili ko. Ang ayoko sa lahat ay makakita ng mga taong kinakawawa na walang kalaban-laban. Duh! That's not fair.





Nakikita ko kay Jane na sobrang galit siya at pinagsasabunot ang lalake. Yung babae naman ay sinisiksik ang sarili niya sa gilid at halatang na-trauma na nakikita. May dugo siya sa labi at puro kalmot ang kamay, nagulo na din ang uniform niya. Yung lalake naman ay nanghihina at halatang walang lakas lumaban dahil halata sa kanyang nabubog siya sa mga kasamahan ni Jane na lalaki.



Biglang nanlaki yung mga mata ko ng may kinuha siyang baseball bat habang nakangising nakatingin sa nerd na nakapikit na. Bago pa man niya maipalo yun ay kinuha ko yung DSLR ko at pinicture yun. Halata sa mukha nila ang gulat dahil sa flash ng camera ko kaya napaharap sila sa akin.





Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa litrato.






"Nice scene." Yun lang ang lumabas sa bibig ko at tinignan silang lahat na nakanganga.




"P-P-Pano?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Jane kaya tinaasan ko siya ng kilay at prenteng naka sandal sa wall.







"Gulat kayo no?" Nakangising pang-iinsulto ko sa kanila at tumingin sa dalawang nerd na nanlalaki yung mga matang nakatingin sa akin. Hindi siguro sila makapaniwalang tutulungan ko sila. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at seryosong tinignan ang alipores ni Jane na takot na nakatingin sa akin.





"Just so you know. Nakakagawa kayo ng ingay." Taas kilay kong sabi sa kanila at nakinig naman sila na para akong reyna sa harapan nila. Napatingin ako kay Jane na nakakapatay ang tingin sa akin.






The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon