Chapter 75

440 5 0
                                    

3rd Person's POV

"Mom may balita na ba?" Umiling naman ang mama ni Larenz.

"Jusko! Nasan na ba yung batang yun?" Nag-aalalang tanong ng mama niya at tsaka napaupo.



Dalawang araw na ang lamay ni Bree at kanina pang umaga hindi bumabalik ni Larenz. Magha-hating gabi na at wala pa rin ito.






"Balae! Nasa school daw si Larenz." Hinihingal na sabi ng nanay ni Bree sa kanya.




"Ha?! Anong ginagawa niya don?! Hating gabi na!" Akmang tatayo ang nanay ni Larenz ng bigla siyang pigilan ng barkada.



"Kami nalang po ang susunod don. Dito nalang po kayo. Walang kasama sila Mom pag pumunta pa kayo dun." Seryosong sabi ni Bryan. Tumango naman ang mama ni Larenz.





"Mag-ingat kayo ha?" Paalala nila sa mga bata. Agad naman silang sumakay sa mga kotse nila at tsaka pinaandar papuntang school. Pagkarating nila doon ay pinapasok naman sila agad ng guard.





Hinanap nila sa buong campus si Larenz at isa nalang ang hindi nila napupuntahan. Dun sa secret room nila sa school. Alam nilang andun siya kaya hindi na sila nagaksaya ng oras para pumunta doon. Hindi naman sila nabigo at nakita nila itong nakayakap sa unan na laging inuunan ni Bree nung tumatambay siya dito. Nakatulala lang si Larenz sa malaking frame sa harap niyang nakasabit sa dingding. Pati ang mga barkada ay hindi din maiwasang hindi mapaluha.


"Ikaw ang may gawa nito?" Tanong ni Bryan sa kanya pero umiling lang siya habang hindi inaalis ang tingin sa group picture nilang lahat. 





"Si babe ang may gawa niyan." Nanginginig at lumuluhang sabi niya.






"Larenz. Wala na ang kapatid ko." Naawa na si Bryan sa kanya dahil sa nakikitang Larenz ngayon. Umiling lang si Larenz sa kanya at nakita nila kung pano bumagsak ang mga luha sa mga mata niya.






"S-She did this...nung time na dumating kami galing Cebu. Sinabi sa akin nung guard na dumaan dito si Bree at nung tinanong ko kung kailan ay yung time na hindi niyo siya kasama." Humihikbing sabi niya. Pero hindi lang siya ang napahikbi dahil halos lahat na sila ay humihikbing umiiyak na nakatingin sa malaking frame.




Napunta naman si Clarence sa isang table kung saan andun lahat ng solo picture kasama si Bree. Sumunod naman ang lahat sa kanya at pati si Larenz ay nagtungo din doon habang yakap pa din ang unan. Nagkanya-kanya sila ng pwesto at tsaka tahimik na binasa ang huling mensahe sa kanila ni Bree. Si Larenz at pumwesto sa sofa na laging pwesto nila ni Bree.





Si Clarence ay napasandal sa pader habang umiiyak na binabasa ang sulat ni Bree...

Hi Clarence. Ikaw na ata ang tahimik pero pilyong naging kaibigan ko. Salamat ha? Sa pakikinig sa mga jokes ko minsan na hindi naman mabenta sabi ng babe ko pero salamat sa suporta. Sa pakikisakay sa mga trip ko salamat ha? I'm sure naman na mababasa mo to pero sigurado akong hindi niyo na ako kasama ngayong binabasa mo to. Wag kayong malulungkot ah? Haha. Naiiyak nga ako dahil hindi ko kayo makakasama sa graduation. Basta maging good boy kalang palagi ah? Alam kong mahahanap mo din ang babaeng para sayo pero hindi pa ngayon. Salamat talaga ha? Sorry din kasi iniwan ko na kayo. Kahit naman ayoko pa. Be happy always okay? Ikaw na ang bahala sa iba kasi mas matured kang magisip sa kanila. Salamat! :)



Malakas na napabuntong hininga siya at tsaka umiiling na pinunasan niya ang luha niya.






Si Mark naman na nasa may pinto sa kusina at nakatalikod sa kanila ay hindi maiwasang maging emosyonal sa binabasa.

Hi Mark! I'm glad na naging okay na tayong lahat. Kung iniisip mong nagalit ako siyempre oo, pero napatawad na din kita eh. Wag kang magbabago ah? Wag ka na ulit gagawa ng kalokohan maliwanag? Ikaw naman yung tipong maalalahanin sa lahat. Hindi niyo na ako makakasama sa barkada kasi hindi ko kinaya ang sakit ko eh. Akala ko kaya ko pero hanggang akala lang pala. PS. Wag mong hayaang uminom si Larenz please. Baka may mangyaring masama eh. Mag-iingat kayo lagi diyan ha? Wag kang mag-alala. Pinapaunod ko kayo.



Napatitig nalang siya sa picture nilang dalawa at tsaka tahimik na umiyak.






Kay Matthew naman na andun sa may bintana ay tahimik na binasa ang sulat ni Bree.




Bestfriend. Hehe, nakakamiss palang tawagin kang bestfriend. Masaya akong naging ayos tayo. Wag mong susuwayin ang utos nila Tita ha? Makinig ka lagi sa kanila! Naku. Minsan hindi ka sumusunod sa mga utos namin kaya this time matuto kang makinig okay? Kung namimiss mo na ako titigan mo lang tong picture na to dahil nakatingin lang naman ako sa inyo at hindi ko kayo papabayaan. Alagaan mo yang sarili mo ha? Kakayanin niyo ding tanggapin na wala na ako.




Humihikbing napatingin si Matthew sa picture nilang dalawa na parang magkapatid.








Kay Harry naman na mugto ang matang binabasa ang sulat. Tahimik na nakangiting binabasa ang sulat pero may mga luha paring kumakawala sa mukha niya.

Harry-Potter! Subukan mong magseryoso sa isang babae this time. Sundin mo ko. Wag mong paglalaruan ang feelings ng isang babae okay? Haha. Alam kong crush mo ko. Kidding. Pero salamat sa mga jokes mo ha? Wag mong tuturuan ng kalokohan ang barkada kung hindi mumultuhin kita. Hehe. Pasensya na din ha? Iniwan ko kayo pero sana matanggap niyo din. Nagpalasalamat akong dumating ako sa buhay niyo. Pasensya na dahil sinungitan na kita umpisa palang. Hehe. Peace na tayo ha? Gwapo ka naman eh. Kaso hindi ako ang babaeng nakalaan sayo. :)



Pumunta naman tayo kay Andrea na nakatayong binabasa ang mensahe mula sa ate niyang si Bree.

Hi Andrea! Salamat sa pagdating sa buhay ni Kian ha---este ng barkada hehe. Pero seryoso. Bagay kayo ni Kian. Alam kong gusto ka niya pero indenial pa siya eh. Nakakatuwa kang kasama at tsaka sana matanggap mo din pag wala na ako ha? Wag na kayong malungkot. Balikan niyo nalang ang mga memories nating lahat. :)





Kay Kian na nasa kusina habang kumakain at umiiyak na binasa ang mensahe ni Bree.


Kian. =___= Alam kong habang binabasa mo 'to eh may nilalamutak ka na naman? Tsk. Dahan-dahan lang baka mabulunan ka. Pero alam mo bang ikaw ang kasundo ko pagdating sa pagkain? Kaso madamot ka eh. Hehe. Pero nakakatuwa ang pagka-childish mo. Nakakatuwa kang panuorin ang cute-cute mo. Kaya bagay kayo ni Andrea. Make a move bago siya maagaw ng iba sayo. Salamat sa memories. :)


Si Charise naman ay nasa bintana at katabi si Sean at parehong tahimik na binabasa yung sulat ng kaibigan nila.

Hi Bes! Sorry sa pagsusungit ko sayo ah? Pero salamat dahil hindi ka nagsawa sa ugali ko. Nakakatawa lang kasi mas kilala mo pa ang ugali ko. Salamat sa pangungulit sakin noon ha? Kung hindi mo siguro yun ginawa siguradong hindi tayo magkaibigan ngayon. Wala na ako kung binabasa mo to. Magiingat ka parati bes ah? Sorry kasi wala na ako sa tabi mo pero babantayan kita wag kang mag-alala. I love you bes.




Hi Sean! Wag na wag mong sasaktan ang kaibigan ko ha? Mahalin mo siya ng walang kahati. Kaibigan din kita kaya wag mo ding pabayaan ang sarili mo ha? Magmahalan lang kayo ni bes kontento na ko. Pareho niyong tuparin ang mga pangarap niyo ha? Salamat sa memories guys. :)





Napayakap si Charise kay Sean na hindi mapigilan ang sakit na nararamdaman niya.

"Ang daya mo Bree. Akala ko sabay tayong magtatrabaho." Humihikbing sabi niya habang napatingin sa litrato nilang dalawa na parehong magka-akbay.

The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon