Chapter 73

458 4 0
                                    

Larenz POV

Wala akong ginawa maghapon kung hindi ay bantayan si Bree. Kahit pa sa cr ay sinasamahan ko siya. Pero natatakot ako na baka hindi niya kayanin. Halatang hinang-hina na ang katawan niya at pilit na lumalaban para sa amin. Napatingin ako sa kanya habang nanunuod ng K-Drama na tumatawa. Wag mo kong iwan babe. Gusto kong sabihin yan sa kanya pero wala akong lakas ng loob dahil everytime na nakikita ko kung paano umatake ang sakit niya ay parang ako na rin ang nasasaktan para sa kanya. Wala akong magawa kung hindi ang panoorin nalang siyang hirap na hirap na makipaglaban sa sakit niya.





"Bes!" Napatingin kaming dalawa ni Bree sa kakapasok na si Charise habang habol hiningang kasunod naman si Sean na mukhang hinabol si Charise sa pagtakbo papunta dito.







"Akala ko ba next month ka---" Hindi na niya natapos ang sasabihin ng bigla siyang dinamba ng yakap ni Charise at nagsimula ng umiyak.







"Ang daya mo naman eh! Bakit bumalik yang sakit mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Naiiyak na sabi niya. Nakita ko ang pagngiti ni Bree pero nangilid din ang luha.







"Buti naman at umuwi ka. Baka hindi mo na ako maabutan next month eh." Pagbibiro niya pero napaseryoso naman kaming lahat sa sinabi niya. Miski mga kapatid at mga magulang niya ay narinig ang sinabi niya.









"Wag ka ngang magsalita ng ganyan babe." Seryoso na sabi ko sa kanya at nag-peace sign lang siya sa akin.







"Wag kang susuko! Alam kong lalaban ka eh. Diba?" Napatango si Bree sa sinabi niya at tsaka sila nagkalas ng yakap.







"Kamusta ka don?" Tanong ni Bree sa kanya pero nakasimangot na tumingin lang siya kay Bree.






"Ikaw dapat ang tinatanong ko ng ganyan. Kamusta ka?" Seryosong tanong niya.







"Ha? Ayos lang. Andito yung lakas ko eh." Nakangiting napatingin siya sakin kaya hindi ko maiwasang mapangiti.








"Sus. May kinikilig na diyan." Pagpaparinig ng Kuya ko kaya binato ko siya ng unan pero natawa silang lahat.






"Aish. Babe oh." Lumapit ako sa kanya at tsaka ko siya niyakap pero ang totoo tinago ko yung namumulang mukha ko.







"Namumula ka ata babe." Mas lalo kong tinago yung mukha ko sa leeg niya. Hm, mabango talaga ang babe ko eh.






"Hoy tama na yan! Kausap ko si bes eh." Tinignan ko ng masama si Charise. Ang epal eh.








"Hayaan mo na. Dito ka lang." Pigil sa akin ni Bree kaya napangiti ako at tsaka ko siya inakbayan at nilagay yung ulo niya sa dibdib ko habang nilalaro ang mga kamay niya. Hinayaan ko nalang silang mag-usap na mag-bestfriend.






"Helllllllooooo!" Napatingin kami sa bagong dating. Lahat ng barkada nandito. Halos lahat ay may dalang pagkain.








"Wow. Balikbayan hahaha!" Tawanan nila ng makita si Charise.






"Kamusta Bree?" Sabay-sabay na tanong nila nung nakalapit na sila ng tuluyan.








"Ayos lang. Ano yan?" Tukoy niya sa mga dala nilang pagkain.







"Hehe pagkain ate." =______=


Sino pa ba ang slowpoke sa barkada?





The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon