Chapter 21

496 6 0
                                    

Brianna's POV

Pagdating ko sa bahay ay naaubatan ko si Bryan na naghihintay sa akin sa sala.

"Are you okay? Ginabi ka ata?" Kinuha niya yung bag ko at sumunod sa akin papuntang kwarto.



"I'm fine. May pinuntahan lang ako saglit." Sabi ko sa kanya at pumasok sa kwarto ko. Sumunod naman siya. Nakita kong kumunot ang noo niya.


"Bat namamaga yang mata mo? Umiyak ka ba? Sino nagpaiyak sayo? SABIHIN MO TA BUGBUGIN KO! GAGO YUN AH----Aray naman eh!" Reklamo niya. Binatukan ko kase siya.



"Ang OA mo! Hindi ako umiyak. Nag-practice lang ako kung pasado akong pang-actress." Pagsisinungaling ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay.



"At kailan ka pa natutong umarte? Eh wala ka ngang kahit anong talent eh." Aba! Aba!

"Minamaliit mo ba ako ha Bryan?!" Pinaningkitan ko siya ng mata. Napangisi lang siya.




"Hindi ah. Pinagmamalaki ko kayang wala kang talent." Ngiti-ngiting sabi niya. Pinatunog ko yung mga daliri ko at nakita kong nanlaki yung mga mata niya at tumakbo palabas ng kwarto.


"Waaah! Joke lang yun Bree! Ang dami mo kayang talent!" Sigaw niya kaya mas lalo ko siyang hinabol papuntang baba.



"Inaasar mo talaga ako ha?! Humanda ka talaga sa akin!" Inis na sabi ko sa kanya at binato siya ng unan.





"Waaah! Tignan mo! Isa yan sa talent mo! Ang magkalat ng kung ano-ano! Aaah! Joke lang! Aray!" Napa-aray siya dahil binato ko siya and this time sapul na siya sa ulo niya.






"Feeling mo naman kung may talent ka! Wala ka rin naman eh!" Pinandilatan ko siya ng mata. Napatigil kami at hiningal-hingal kami.




"Hoy! Atleast gwapo ako at hindi naninira ng mga gamit! Hahaha!" Tawa niya kaya nainis na naman ako at hinabol ko siya.





"Bwisit ka talaga! Argh! Pag ikaw nahuli ko talaga humanda ka!" Banta ko sa kanya at tsaka unti-unti ko na siyang mahablot.




"Ayoko na! Huhuhu! Nakakapagod! Hoo!" Tumigil siya at ako naman ay unti-unting ngumisi. Napatingin siya sa likod niya at biglang nanlaki yung mga mata niya at akmang tatakbo ng nahawakan ko yung damit niya.



"Yaaaaaa!!" Bigla ko siyang ni-wrestling kaya naman tawa ako ng tawa sa bawat inda niya. Wahahahaha! Ayan ang napapala niya!






"Ano nanaman yan?" Bagot na tanong ni Kuya sa amin. Kakadating lang niya galing sa company at naabutan niya kaming nagre-wrestling.




"Waaah! Ouch! Ah! Kuya! Help me! She's killing me! Ouch! Ouch!" Ayan kasi! Nagsumbong pa.





"No! Don't kuya. I'll teach him a lesson! Yaaah!" At ni-wrestling ko nanaman siya. Nakita ko sa peripheral vission ko na nailing nalang si kuya.





"Ah! You're really a violent woman! Aray! Huhuhu!" Akmang susuntukin ko yung mukha niya nung hinigit ako ni kuya kaya napunta ako sa tabi niya. Napapout nalang ako.


*Pout*

"Kuya naman eh! Bat mo ko pinigilan? Hindi pa ko tapos eh!" Pagmamaktol ko sa kanya habang naka-pout. Napangiti nalang siya sa inasal ko at hinaplos niya yung buhok ko.




"Dalaga ka na. Hindi ka dapat nanakit ng lalake Bree. Ang pangit tignan!" Mahinahon na sabi niya sa akin. Dali-dali akong yumakap kay kuya nung bigla nalang akong tignan ng masama ni Bryan. Narinig ko yung tawa ni kuya.






"Hahaha. Kayo talagang kambal oh. Grabeng maglambingan tong mga kapatid ko ah?" Natatawang sabi niya sa amin. Mas lalo akong yumakap sa kanya. Hanggang dibdib niya lang ako kase sobrang tangkad bi kuya pero bumagay yung built ng katawan niya.







"Kuya. Bat di ka umuwi kahapon? Walang ibang ginawa si Bryan kung hindi asarin ako. Kuya bugbugin mo nga yan!" Sabi ko kay kuya kaya natawa na naman siya.






"Hoy Bree! Kuya mo din ako! Bakit Bryan tawag mo sa akin?! Dapat Kuya din!" Reklamo niya sa akin kaya tinignan ko siya ng masama.






"Shut up! Magka-age lang tayo kaya there's no way I'll call you kuya!" Irap ko sa kanya. Napapout naman siya sa sinabi ko.







"Tss. Magpalit ka na Bree bago tayo sabay-sabay kumain." Kumalas naman ako kay kuya at dali-daling pumunta ng kwarto ko.




Pagkatapos kong magpalit ay bumaba na ako at gaya nga ng sinabi ni kuya ay sabay-sabay kaming kumain. Nakapagpalit na sin si kuya nung bumaba ako. Ang sama ng tingin sa akin ni Bryan kaya nginitian ko siya ng matamis at umupo sa tabi niya.


Magsasalita na sana siya ng bigla kong sinupalpalan ng beef yung bibig niya.


"Kain ka na kuya ha?" Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis halatang hindi pa niya na-process yung sinabi ko. Pero maya-maya lang ay yung ngiti niya ay umabot na sa magkabila niyang tenga. Tss. Ang babaw talaga ng kaligayahan niya.

---____--- Mukha namin yan ni Kuya habang kumakain. Pano ba naman kasi si Bryan ay nakangiti habang kumakain. Sabay kaming napalingon ni kuya sa kanya at ganun parin. Parang asong ulul. Napatingin naman kami ni kuya sa isat-isa at sabay na napailing. Malakas na ang tama ni Bryan.


Ampunin niyo na po!


Pagkatapos kumain ay dumeretso na ako sa taas para maligo. Nakasanayan ko na kasing maligo sa gabi. Pagkatapos kong naligo ay pinatuyo ko yung buhok ko at matutulog na sana nang biglang tumunog yung phone ko kaya napatingin ako don.


Larenz Calling......



Hindi ko sinagot at natulog nalang. Tsk! Bwisit na taong yun? Sigawan daw ba ako? Kung hindi lang kita mahal naku!!

The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon