Chapter 27

493 5 0
                                    

3rd Person's POV

"My gosh! Ang haba naman ng tulog ni bes! Wag niyang sabihin na kelangan pa niyang dagdagan yang sleeping feels niya? Aba! Gusto niya atang masabuyan ng tubig?!" Inis na sabi ni Charise pero sa malungkot na tinig.

It's been what?

It's been four days but there's no sign that she'll going to wake up.

"Easy babe. Magigising din siya tsaka kilala mo naman si Bree diba?" Sean cheered her up pero hindi din niya maiwasang magalala dahil hindi pa nagigising si Bree.

Sa kabilang tabi naman ni Bree ay nandun si Larenz na nakatulog habang hawak parin ang kamay ni Bree. Hindi pa ito umuuwi simula noon. Hinahatidan nalang siya ng mga damit niya ng mga katulong nila dahil ayaw niyang umuwi hanggat hindi pa nagigising ang babaeng mahal niya.

Unti-unti namang gumalaw ang daliri ni Bree na hawak ni Larenz. Bigla siyang naalimpungatan at napatingin sa kamay ni Bree dahil gumalaw na naman ito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at mistulang mapangiti na napapaluha.

"Bree!" Masayang sabi niya kaya napatingin ang iba sa kanya.

"Hala? Nabaliw na ata?" Tulalang tanong ni Charise kay Sean dahil nakatingin sila ngayon kay Larenz na nakangiti habang lumuluha.

"Malala na ata siya?" Sabi naman ni Kian na natigil sa pagkain ng mansanas.

"Sabi kasing pauwiin na eh." Naiiling na sabi din ni Clarence habang naglalaro ng rubix cube.

"Hoy Larenz! Ano namang nangyayar----BREE!" Nakita ni Bryan ang unti-unting pagmulat ng mata ni Bree at dali-daling lumipat palapit sa lutang na si Bree.

"Gising ka na!"

"May masakit ba sayo?!"

"Gutom ka ba?!"

"Ayos ka na ba?!"

"Kilala mo pa ba kami?!"

"MAGSALITA KA!" Sabay-sabay na sigaw nila kaya bigla siyang nagulat at hahawakan sana yung tenga niya para takpan pero naramdaman niyang may nakahawak doon.

Bigla nalang siyang nagulat ng makita kung sino yung nakahawak sa kamay niya. Kulang nalang ay matunaw siya sa pagtitig sa kanya ni Larenz. Nagtatakang napatingin siya dito at akmang magsasalita ng bigla siya nitong niyakap.

She gasped.

"Thank God you're awake!" Halos hindi siya makahinga sa yakap ni Larenz at buti nalang ay pinaghiwalay silang dalawa ni Bryan.

"Tama na yan! Galawang Hokage ka din eh noh?" Ngising-ngising asar sa kanya ni Bryan. Hindi niya ito pinansin at nakatingin lang ito kay Bree.

"May masakit ba sayo kambal?" Tanong sa kanya ni Bryan, umiling siya at unti-unting umupo.


"Anong nangyayari kay Larenz?" Kunot noong tanong niya sa kanila. Hindi kasi nito naiintindihan kung bakit ganun nalang magreact si Larenz. Unti-unti namang ngumisi ang lima.

"Hahaha! Bes! Manhid mo talaga!" Natatawang sabi sa kanya ni Charise kaya napakunot ito ng noo.

"Ha?" Naguguluhang tanong niya.

"Ay? Slowpoke ka aning? Hindi mo gets?" Tanong din ni Kian sa kanya. Umiling lang siya.

"Tss. I will court you even though you're slow." Poker face na sabi ni Larenz sa kanya kaya napabalik ito ng tingin sa kanya.

"W-What?!" Hindi niya alam pero feeling niya ay unti-unting namula ang mga pisngi niya. Aminin man niya o hindi pero their feelings are mutual. Mas madami ngalang silang argument pag magkasama.


"Isa pa talaga itatanan na kita." Poker face ulit na sabi niya kaya hindi na siya nagsalita pero halata na yung pamumula ng pisngi ni Bree. Naghiyawan naman ang lahat sa sinabi ni Larenz.


"Yown!" Sigaw nila.

"Aba! Someone's blusing~" Tukso ni Bryan sa kanya.

"Ts. Shut up! Hoy Nathan! Stop making fun of me!" Inis na sabi niya dito.

"I'm not making fun of you. I'm serious about this." Hindi ito nakapagsalita sa sinabi niya.

"I'm a bitch, brat, reb--"


"I don't care. You're my queen." Pigil sa kanya ni Larenz dahilan para tuksuhin na naman sila.

----

"Sleep."

"No."

"Sleep."

"No!"

"I said sleep!"

"I said no!"

Halos mabali na ang leeg ng lima dahil sa nagaaway na dalawa sa harap nila. Pabalik-balik ang tingin nila dahil sa gusto na sana nilang magpaalam para umuwi pero hindi sila makasingit-singit dahil sa sumabatan ng dalawa.




"I'll count one to three. I swear if you're not going to sleep 'NO THALIA' For tomorrow." He said firmly to her. She groaned at padabog na nahiga at tumalikod sa kanya. Naiinis siya dito kasi kanina pa ito pinipigilan sa gusto niyang gawin.



"*Ehem*" Tikhim ng lima. Napatingin naman sila dito.

"Uuwi na kami ha? Nakakahiya naman kasi kanina pa namin kayo kinakausap pero may sariling mundo kayo." Sarcastic na sabi sa kanila ni Bryan.


"Ingat." Yan lang ang sabi ni Bree pero si Larenz hindi nagsalita at nahiga sa sofa habang nakinig ng music.



"Kuya will visit you tomorrow at wag kang magulat kung may dala na naman yung mansanas." Natatawang sabi ni Bryan sa kanya. Napairap siya dahil lagi nalang siyang pinapakain ng Kuya Vince niya ng mansanas.

"Argh! That's disgusting fruit." Napapangiwing saad niya.

Nagpaalam na ang lahat at tuluyan na siyang nahiga. Hindi niya pinansin si Larenz dahil naiinis pa siya dito.




Kulang pa ang salitang kilig dun sa pagamin ni Larenz sa kanya pero agad din yun napalitan ng inis dahil sa pagkontra ni Larenz sa mga gusto niyang gawin kagaya nalang kanina. Gusto niyang manuod pero hindi siya pinayagan nito.

Habang nagaalburoto siya sa inis ay nagulat nalang siya ng nasa harapan na niya si Larenz na nakapoker face.

"Ang kulit mo talaga eh noh? Sinabing matulog na eh." Pinitik niya ng bahagya ang noo ni Bree at tsaka umupo sa tabi ng kama.


"Tss." Inirapan niya ito at hindi nagsalita.

"Isa! Matulog ka na. Bawal sayo magpuyat di ka pa masyadong magaling." Napabuntong hininga nalang siya pero hindi talaga siya makatulog kaya tinignan niya ito diretso sa mata. Hinaplos naman ni Larenz ang malambot at mabangong buhok nito.


"Can't sleep?" Tumango siya na nagpangiti ng konti kay Larenz. Ibinigay nito ang isang earphone at nakinig ng music.


Unti-unti namang pinikit ni Bree ang mata niya at nakabantay lang sa kanya si Larenz hanggang sa nakatulog na ito. Inayos niya ang kumot ni Bree at tsaka ito hinalikan sa noo.

"Goodnight Bree." Pagkatapos nun ay natulog na din siya dun din sa upuan na tabi lang ng kama ni Bree. Wala siyang pakialam kung masakit sa katawan yung pwesto niya basta nasa tabi lang ito ng taong mahal niya.

The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon