Chapter 53

385 7 0
                                    

Bryan's POV

Pagkarating namin sa bahay ay binuhat ko si Bree. Nakatulog siya sa kakaiyak at mugtong-mugto ang mga mata niya. Kaya paglabas namin ng sasakyan ay nakaabang silang lahat at gulat na napatingin sa amin.








"My God! Anong nangyari sa kapatid mo?!" Nag-aalalang tanong ni Mommy habang pinagmasdan si Bree.







"I'll tell you later. She needs to rest." Mahinang sabi ko sa kanila baka kasi magising si Bree.










"Umalis kayo ng walang galos tapos ngayong bumalik kayo may galos na ang kapatid mo?!" Hindi mapigilang magalit sa akin ni Daddy kaya napatungo ako.










"Sige na iakyat mo na siya." Sabi naman ni Kuya Andrew na tinignam muna ang sugat ni Bree sa braso. Ipinasok ko naman si Bree sa loob ng bahay at naramdaman kong may kumapit sa kaliwang T-shirt ko. Nakita ko naman si Jake na nakakapit don habang sumusunod sa amin at nakatingala pa.








"Is she okay?" Nag-aalalang tanong niya kaya pilit na ngumiti ako.








"She'll be fine but not now." Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Bree at tsaka ako nagtungo sa kama niya para ihiga. Sumampa naman sa kama si Jake at siya na ang nagkumot kay Bree. Akmang lalabas na ako ng napalingon ako sa kanya.








"Hindi ka pa lalabas?" Tanong ko kay Jake. Mabilis na umiling naman siya habang nakabantay kay Bree sa tabi niya.










"I'll stay here. I'll take care of her." Napangiti nalang akong pinagmamasdan siya hanggang sa nahiga siya at yumakap sa kapatid ko.









Pagkababa ko naman ay naabutan ko silang lahat sa sala at mukhang hinihitay ang paliwanag ko. Napabuntong hininga naman ako at tsaka ko ikwinento ang lahat ng nangyari.



"Jusko! Bakit ba pag nag-aaway sila eh laging hospital ang bagsak?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Mommy at alam kong galit din siya sa nangyare.










"I told you to look after her!" Napatungo ako sa sigaw ni Kuya. Aaminin kong may kasalanan din ako dahil masyado akong kampante na walang mangyayaring masama dahil magkasama sila pero... Mali pala ako.









"I'm sorry Mom, Dad at Kuya." Hinging paumanhin ko sa kanila.








"Ayoko ng mauulit pa ito! Kaya bantayan mong maigi ang kapatid mo!" Tumango nalang ako habang napapabuntong hininga.







"Walang may gusto ng nangyari pero nangyari na eh. Kelangan nalang mag-ingat sa susunod." Sabi naman ni Dad. Hindi ko hahayaang maulit pa yun dad kaya wala nang susunod.








"Magpapahinga na po ako." Paalam ko sa kanila at nagtungo na sa taas pero bago pa man ako pumunta sa kwarto ko ay may narinig akong humihikbi sa kwarto ni Bree kaya napasandal ako sa tabi ng kwarto niya. Rinig na rinig ko ang hikbi niya mula sa loob. Nakita ko naman si Jake na kakalabas mula sa kwarto ko.








"I thought you're here?" Turo ko sa kwarto ni Bree kaya napatingin naman siya dito at napabuntong hininga.









"She said that she wants to be alone." Mas lalo akong napabuntong hininga sa sinabi niya.








"Let's sleep na." Inakay ko siya papasok sa kwarto ko dahil magkakwarto naman kami. Napatitig naman sakin si Jake habang nakahiga ako sa kama ko.








The Rebel's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon