CHAPTER 14: Childhood Memories

110 6 0
                                    


>MAINE's POV:

Teka nakakaintriga naman tong si Lola! Ano naman kaya yung dapat nameng malaman?

"Wag kayong magugulat, Basta ang masasabi ko lang, nakaTadhana talaga kayong Magkitakita ulit!
Magkababata kayong Tatlo!"

Ay Kabayong Kulot! Ano daw!
Kababata ko si Vico at itong si Unggoy! Di nga??
Nagkatinginan lang kameng tatlo na hindi maipaliwanag ang itsura ng aming Mukha!
"Anong sinabi mo Lola??
MagKababata kameng tatlo??"

"Oo Meng!"

"Teka! P-pero P-pano niyo naman po nasabi?"

"Diba't may ganto ka ring Rosary Meng?"

"Opo Lola, yung ibinigay niyo po!"

"Teka lang! Hintayin niyo ako dyan! May ipapakita ako sainyo!"

Hindi parin kame makapaniwala sa mga sinabi ni Lola, hindi kame nagkikibuan tatlo!
Maya maya pagbalik ni Lola, may dala siya!

"Teka La, ano po yan?"

"Eto yung Photo Album niyo at ng mga Mama niyo! Hindi mo pa nakikita ito Meng dahil sinabi ko sa sarili ko na ipapakita ko lang to sayo kapag nagkita kita na ulit kayong Tatlo!
Sabi ko na nga ba! Magkikita kita ulit kayo sa Tamang Panahon, at ngayon na yun!
Makinig kayong tatlo sa Kwento ko!

Laging nandito sa bahay noon ang mga Mama niyo,magkakabarkada silang tatlo, lahat ng bagay magkakasundo sila, gusto nila parehas sila ng damit, sapatos,bag o kahit anong Gamit, para silang triplets!
Pati nga sa pagbubuntis halos magkakasabay sila kaya ayan magkakaEdad kayong tatlo.
Binigyan ko sila noon ng tig iisang Rosary.itim yung sa Mama ni Alden, Brown yung sa Mommy ni Vico at Puti naman sa Mama ni Meng! Sinabi ko sakanila na ibigay nila sa mga magiging Panganay nila yan para maging gabay nila!
At kayong tatlo na nga iyon!
Lage kayong magkakalaro noon, lage kayong dinadala ng mga Mama niyo dito saken, habang sila nagkwekwentuhan, kayo namang tatlo ay palaging naglalaro!
kaya pala Familiar saken ang Pangalan niyo Vico at Alden.
kase kayo pala tong mga kababata ni Meng. Tignan mo nga naman talaga ang pagkakataon.
Alam niyo ba napagtripan ng mga Mama niyo na paglaruan ang mga Pangalann niyo noon, si Vico ay tinatawag nameng Ikong, si Alden naman ay Tisoy dahil sa napakaputi nung Bata, at eto si Maine tinawag nameng Menggay, hanggang sa nakasanayan na namen!
At nakakatuwa pa dahil laging nag aaway si Tisoy at Ikong noon dahil dito kay Menggay.Kase ang gusto ni Vico noon, siya lang daw dapat ang Kalaro ni Meng, wag isali si Alden!
At eto naman si Alden ayaw magpatalo, ang gusto niya kase lageng nasakanya atensyon ni Menggay dahil gustong gusto ni Tisoy na pinapaiyak itong si Menggay, lage niyang inaagawan ng Candy! Pero lage naman siyang pinagtatanggol nitong si Vico.
Iyakin si Alden nung Bata, lage siyang talo dito kay Vico!
Tuwing gumigimik ang mga Mama niyo noon, iniiwan nila kayo saaken! Kaya nasusubaybayan ko ang bawat galaw niyo noon!
Meron pa ngang isang beses na naligo tayong Apat ng Ulan, at dahil wala kayong Extrang damit, naghubad nalang kayo para may isuot ulit pagtapos maligo!
Oo, tama narinig niyo, hubo't hubad kayong tatlong naliligo sa Ulan! Hahaha mga bata pa naman kayo noon eh!

"Bulagaaaa! Kumurap naman kayo uy!""

Napasigaw kameng Tatlo,
"LOLA naman eh, nanggugulat,
Nakikinig kame sa kwento mo eh!"
OmG! Kababata ko pala si Vico, akalain mo yun, Destiny na this❤.
Pero pati pala itong si Unggoy.
Dahil sa napasarap ang pakikinig namen sa Kwento ni Lola, hindi namen namalayan ang Oras.

"La, uuwi na po ako! Gabi na pala! Nagtext na po kase si Mommy,
Sayang po sobrang nakakabitin ang kwento niyo, may next time pa naman po diba Lola??"(Vico Said)

"Oo naman! Marami pa akong ikekwento! Welcome kayo dito, bumalik lang kayo kung kelan niyo Gusto!"

"Wow talaga po! Salamat po Lola"(Vico said)

On The Way To FOREVERWhere stories live. Discover now